Dingdong Dantes, Paolo Contis nominated both for best actor award at Eddys

by Jerry Olea
Jun 16, 2019
Story"'s Dingdong Dantes and "Through Night and Day"'s Paolo Contis vie for the best actor trophy in this year's Eddys (Entertainment Editor's Choice) awards.
PHOTO/S: Jerry Olea

Minsan pa naming nasilayan ang dalawang mukha ng showbiz—malungkot at masaya—sa Nominees’ Night ng 3rd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) nitong Hunyo 15, Sabado nang gabi sa Annabel’s, Morato Av., QC.

Pinangunahan ng presidente ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na si Ian Fariñas ang panalangin para kay Eddie Garcia, na nominadong best actor sa 3rd Eddys para sa Rainbow’s Sunset.

Comatose pa sa ospital si Tito Eddie, na kinilalang isa sa Icons of Philippine Cinema sa 2nd Eddys last year.

Pinakamaagang dumating sa venue ang co-star ni Tito Eddie na si Tony Mabesa, na nominadong best supporting actor for the same movie. Si Sir Tony ang tumanggap ng certificate of nomination ni Tito Eddie, maging ang certificate ng co-star nilang si Gloria Romero na nominadong best actress.

Tony Mabesa, Liza Diño, Joel Lamangan

Continue reading below ↓

Dahan-dahan sa paglakad si Sir Tony at ang sabi ng TC (talent coordinator), “Ingat po sa kable.”

Natawa si Paolo Contis na nominadong best actor para sa Through Night and Day, “Iyon din ang nasa isip ko!” Bonding-bonding si Paolo Contis at ang BFF na si Dingdong Dantes na nominadong best actor para sa Sid & Aya: Not A Love Story.

Dingdong Dantes, Paolo Contis

Continue reading below ↓

Biro pa ni Paolo, “O, kami lang ni Dingdong ang andito... alam na!”

Hindi nagtagal si Glaiza de Castro na nominadong best actress para sa Liway dahil may dubbing pa ito. Ang tumanggap lang tuloy ng certificate para sa Liway na nominadong best picture ay si Ken Ken Nuyad na gumanap bilang anak ni Glaiza sa movie.

Tessa Mauricio-Arriola, Ian Fariñas, Glaiza de Castro, Liza Diño, Dondon Sermino

Continue reading below ↓

Sa mga nominadong best director ay present sina Dakip “Kip” Oebanda ng Liway, at Joel Lamangan ng Rainbow’s Sunset.

Sa best supporting actress nominees ay dumalo si Cherie Gil na nagsabing isang sequence lang siya sa Citizen Jake, pero special sa kanya ang nasabing movie na idinirek ni Mike de Leon.

Pero matatandaang ang magaling na aktres na si Charito Solis na maikli ang papel bilang narrator sa Karnal (1983) ay nagwaging best supporting actress sa Gawad Urian.

Joel Lamangan, Dingdong Dantes, Tony Mabesa

Continue reading below ↓

Maliban kay Tony Mabesa, dumating ang best supporting actor nominees na sina Tirso Cruz III para sa Rainbow’s Sunset, Ricky Davao para sa Kasal, at Tony Labrusca para sa ML.

Biniru-biro pa ng hosts na sina Dondon Sermino at Tessa Mauricio-Arriola na huwag pahawakin ng mic sina Ricky at Tirso, or else, magko-concert ang mga ito.

Ang napagod nang husto sa pabalik-balik sa kanyang upuan ay si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño, na katuwang ng SPEEd president na si Ian Fariñas sa pagpe-present ng certificates.

Tirso Cruz III, Ian Fariñas, Tony Labrusca, Tony Mabesa, Ricky Davao

Continue reading below ↓

Nang madaanan ni Direk Joel si Tirso ay kinulit-kulit niya ito para sa pelikulang Isa Pang Bahaghari kung saan bida rin sana sina Nora Aunor at Christopher de Leon.

Joel Lamangan, Tony Labrusca

Sa nasabi ring event ay nakilala ni Direk Joel si Tony Labrusca, at sinabihan ng beteranong direktor ang young actor na gusto niya itong idirek sa pelikula.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
SPEEd coverage
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Story"'s Dingdong Dantes and "Through Night and Day"'s Paolo Contis vie for the best actor trophy in this year's Eddys (Entertainment Editor's Choice) awards.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results