Martin Nievera unsure about status of movie with Maricel Soriano

by Julie E. Bonifacio
Jun 23, 2019
Martin Nievera admits he's not sure whether his movie with Maricel Soriano under Regal Films will still push through: “I think Maricel got busy with her teleserye. So, I guess pag nag-break ang teleserye, doon na tayo magsisimula.”
PHOTO/S: Mark Atienza

Naudlot ang pelikulang gagawin ni Concert King Martin Nievera together with the Diamond Star Maricel Soriano under Regal Films.

Excited pa naman si Martin na makatrabaho si Maricel at makagawa ulit ng pelikula.

“Hindi natuloy e,” panimula ni Martin nung makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night ng Feelennial sa Cinema 4 ng SM Megamall noong nakaraang Lunes, June 17.

“I think Maricel got busy with her teleserye [The General's Daughter].

“So, I guess pag nag-break ang teleserye, doon na tayo magsisimula.”

Nanghinayang ba siya na hindi natuloy ang movie nila ni Maricel?

“Hindi naman,” sagot ni Martin.

“I mean, I understand that she’s very busy.

“Ako rin, busy din ako. But I was so flattered na may... maganda ang role.

“Love interest ni Marya, o! At may bedroom scene pa. Kasi, dumaan kami ng bedroom, yun lang.”

Continue reading below ↓

Posible kaya na matuloy pa rin ang movie nila ni Maricel?

Lahad niya, “Baka ituloy, why not? Let’s see.”

“I like the role because I’m the usual balikbayan.

“Hindi magaling mag-Tagalog. Mayaman. Guwapo na matanda, yung ganoon.”

Si Joey Reyes ba ang director ng movie?

Aniya, “Yata. Yan din. Isa pa yun, magandang script.”

Na-miss ba niya ang pag-arte?

Pabirong hirit niya, “Not really. Nobody likes my acting, e.”

Aminado siya?

“Oo, aminado ako, noon pa,” madiing sabi niya.

“I think I’m the one who ruined the movie industry, e.

“So, the more I stay away from the movies, tataas nang taas ang life ng movie.”

All-out ang support ni Martin sa Feelennial dahil sa ex-wife niyang si Pops Fernandez.

CAMEO ROLE

Bukod sa pag-attend niya sa premiere night, may special appearance rin siya sa Feelennial na palabas na sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

Nag-dubbing ba siya sa cameo niya sa movie?

“Kunyari, may cameo role. Kunyari lang ha.

“Kapag sinabi ko, hindi na cameo,” ani Martin.

May line ba siya sa movie?

“Wala,” malungkot na sagot ni Martin.

“In my next cameo, may linya na ako.”

Ano ang masasabi niya na isa ng ganap na film producer si Pops?

“Ah, siyempre, I can’t say no, e. Cute naman yung part namin, e.

“So, the whole movie revolves around, at least my face, which is not my best ano, best trait.

“But, it was a cute role and I had one day of shooting lang naman.

“So, sabi ko, sige na nga. Tingnan natin kung may comeback ako. Baka may comeback ako.”

Ninerbyos ba siya sa pag-appear niya sa Feelennial?

“Oh, yeah. Well, unang-una hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi sinabi ni Pops sa akin.

Continue reading below ↓

“Basta, ‘Huwag ka mag-no,’ sabi niya. Basta, Nuvali, magsho-shooting tayo. ‘Anong gagawin ko?’

“Basta,’ sabi niya. ‘Magdala ka ng hood saka jeans, yun lang.’

“I have no idea kung ano ang role ko until I got there.”

As Martin Nievera?

“I’m not sure if I’m Martin Nievera in the movie.

“But I’m someone as Bayani [Agbayani] thinks he is or uses my face as a... what do you call that?

“Uhm, you’ll find out in the movie.

“Ayoko sabihin baka mamaya ma-preempt yung plot nung movie.

“But I’m an impostor. Yun lang ang sasabihin ko.”

What if after mapanood siya sa movie may mag-alok ng movie sa kanya.

Tatanggapin ba niya?

“Basta light movies na hindi ako masyadong mabigat na drama, feel-good, may konting values, sure!”

Continue reading below ↓

May TF (talent fee) ba siya sa movie?

“Absolutely none,” diin niya.

“And if I charge, it would be even worse for me, I think.

“Hindi na ako invited sa Christmas dinner pag ganoon, kung sumingil ako ng talent fee.

“No, I did not.

“Robin [Nievera] is scoring the movie which is his first time to score a movie.

“And there’s a part there na may konting animation, si Ram naman.”

Si Robin at Ram ang mga anak ni Martin kay Pops.

Family affair ba ‘to?

“Family affair,” tango niya.

“Walang affair. Family lang. Hindi puwede yun,” bawi ni Martin.

“But this is the start of many things for DSL Productions, yung production company ni Pops. And then, we’re going on tour again in the States. Hopefully, we will end the tour here.”

Continue reading below ↓

Bakit hindi pa siya sure?

“Ah, wala pang venue.”

“Valentine concert ‘to if ever?

“No matter what the month is it will be a Valentine show kasi Pops and Martin palagi, noon, ha?

“Hawak namin yung Valentine, di ba?”

ON EDDIE GARCIA

Samantala, bago naganap ang aksidente ni Eddie Garcia ay hinarana pa ni Martin ang veteran actor pati na ang ibang pinarangalan bilang Natatanging Artista ng Siglo sa 36th PMPC Star Awards for Movies.

Lahad niya, “You know what, that is so... we really don’t know life, 'no?

“It’s like a snap of finger.

“Sumabay pa siya sa akin sa pagkanta, kahit hindi man niya alam yung words nung song.

“At least yung memory ko, my last vision of him before he became quiet was happy, game.

“At alam mo, dapat naka-stool siya, did you see that?

Continue reading below ↓

“Sinipa niya yung stool. 'Hindi ako uupo, hello,' sabi niya.

“So, tumayo siya sa buong kanta. Mahaba yung kanta ko, ha?

“'Tapos, sumama pa siya. I will never forget that night.”

Labis ba siyang naapektuhan sa nangyari kay Eddie dahil sa pagkamatay ng kanyang ama na si Bert Nievera?

Pag-amin niya, “Yeah, I lost my dad last year. So, this is my first or second Father’s Day na wala akong tatay.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin Nievera admits he's not sure whether his movie with Maricel Soriano under Regal Films will still push through: “I think Maricel got busy with her teleserye. So, I guess pag nag-break ang teleserye, doon na tayo magsisimula.”
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results