Tom Rodriguez bares reason for Dragon Lady's success

by Rommel Gonzales
Jul 13, 2019
Tom Rodriguez on the success of GMA-7's Dragon Lady: “It’s an ensemble, it’s a group effort."
PHOTO/S: Gorgy Rula

Ang buong grupo daw nila sa Dragon Lady ang mami-miss ni Tom Rodriguez sa pagwawakas nito sa Biyernes, July 19.

“Iba rin yung mga bonding-bonding—pag nasa set, pag nasa standby area...

“Minsan nakalabas na rin kami na halos kumpleto yung buong grupo.

“Madalas, sabay-sabay kami kumakain kaya enjoy ang buong grupo, nakaka-miss yung atmosphere.

“Kanina lang nagtatawanan kami sa tent ng boys, kami nina Sir DJ [Durano], sila EA [Edgar Allan Guzman].

“Maagang-maaga pa lang kulitan na kaagad,” at tumawa si Tom.

Ilang beses nang na-extend ng Dragon Lady.

Ano ang masasabi ni Tom tungkol dito?

Pag-amin niya, “Pag ganun, hindi ko naman napapansin, e.

“Parang pag sumabak ka sa isang project or taping, parang naka-lock in ka na.

“So usually pag ganun… siguro yung iba parang nakikita nila yung mga araw, yung mga eksena.

“Sa akin, isang buong... basta isang buo lang siya.

Continue reading below ↓

“Parang hindi ko nararamdaman yung passage of time.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa taping ng Dragon Lady sa New Manila noong Miyerkules, July 10.

GROUP EFFORT

Happy si Tom na nabuo nila ang pag-ere ng Dragon Lady at na-extend pa nga sila.

Hirit niya, “Siyempre naman!”

Unang tambalan nila ni Janine Gutierrez sa isang TV series na noong simula ay walang may alam kung magiging successful, pero naging matagumpay naman ang show.

“It’s an ensemble, it’s a group effort.

“Hindi naman ano, e... It’ll be big-headed naman of me to claim na I’m the only part of that.

“It’s everyone.

“Of course, Janine has been doing an amazing job as Yna and Scarlet, grabe yung fierceness niya,” pagmamalaki niya.

Pinaka-memorable daw na mga eksenang ipinagawa kay Tom sa Dragon Lady ay ang mga eksenang nagru-rowing siya (sa bandang simula ng kuwento ng show) at ang mga eksena na nag-MMA siya o Mixed Martial Arts.

Continue reading below ↓

VACATION SORTIES

Samantala, sa pagtatapos ng taping nila ay magbabakasyon si Tom sa Amerika.

Lahad niya, “Sinuwerte ako uli, puwede na namang i-announce.

“In-announce na ng GMA Pinoy TV, kinuha nila uli ako for three more shows sa US.

“Sakto birthday ni Mommy, ng mom ko, August 15.

“Eksaktong birthday niya kasama ko siya, so last show ko dun.

“Yung last time din e, sa San Diego naman, for the Philippine Independence Day celebration dun, naka-mini vacation din ako sa amin.

“So at least iyon covered na.

“I start August 4, isang show ko sa San Francisco, 'tapos meron akong Florida tsaka Texas. Yung Texas, August 11.”

Pero bago iyon ay may personal silang bakasyon ng girlfriend niyang si Carla Abellana sa Thailand sa katapusan ng July.

“So iyon para sa amin, para sa aming dalawa,” pahabol niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez on the success of GMA-7's Dragon Lady: “It’s an ensemble, it’s a group effort."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results