Aiko Melendez, Direk Gina Alajar burst the bubble of young stars with prima donna attitude

Aiko Melendez takes the initiative in breaking the ice with snobbish young stars
by Gorgy Rula
Aug 17, 2019
Aiko Melendez and acclaimed director Gina Alajar lament the prima donna attitude of some of today's young stars.
PHOTO/S: Noel Orsal

Dating child stars sina Aiko Melendez at Direk Gina Alajar.

Tinanong namin sila kung ano ang pagkakaiba ng mga batang artista ngayon kumpara noong kapanahunan nila.

Paano nila hina-handle ang mga batang artista na nagpi-prima donna?

“Tamang-tama itong title na Prima Donnas," pagtukoy ni Aiko sa title ng bago nilang Kapuso serye kunsaan magkasama sila ng batikang direktor.

"Maraming prima donna ngayon. Ang daming prima donna sa mundo,” bulalas pa niya nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Prima Donnas nitong Agosto 13, Martes, sa GMA Compound, Quezon City.

LACK OF DISCIPLINE, WRONG ATTITUDE

“Alam mo, ang napansin ko, ang mga bata ngayon, hindi na sila ganung ka-mindful sa senior actors.

‘Yung, ‘Hi, good evening po.’ Sa mga reporter, ‘Magandang gabi po,’ ganyan. Yung hihintayin nila na sila ang unang papansinin.

“Hindi ko alam kung dahil ba sa training na nahihiya sila na sila ang mauna.

"Kaya minsan tuloy, just to break the ice, ako ang nauuna, ‘Hi, ako po si Aiko Melendez, ka-work niyo ako,’” pahayag ni Aiko, na ayaw nang banggitin kung sinu-sino itong prima donna young stars na ito na nakatrabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi yun pang-iinsulto, ha? Ginagawa ko lang yun kasi gusto kong ma-imbibe nila yung ganung attitude na dapat may respeto sa senior stars.

“May sarili silang mundo. Hindi lang sa GMA, ha? Both channels, madaming may ganyan, na may amnesia factor,” paglinaw niya.

Ang isa pang napansin ni Aiko sa mga young stars ngayon ay ang pakikisama nila sa movie press.

Ayon kay Aiko, masuwerte siya na ang mga ka-batch niyang mga artista ay naturuang magbigay-respeto sa mga movie press at magpasalamat kapag nasulat sila.

“Kasi kami, nakagawian namin, kung napapansin niyo, kahit sa presscon… obligasyon ng writers na isulat kayo pero kasi kami, pag nababasa namin, nagpapasalamat pa rin kami.

“Unlike yung ibang mga artista, kapag sinulat ka e, 'Ba’t ka magti-thank you o hello, kailangan niyo naman talagang isulat?!'

“Kami talaga, aral kami na magpasalamat dahil isulat kami o hindi, maaalala kami ng mga writers,” saad ng 43 anyos na aktres.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BRIDGING THE GENERATIONAL GAP

Sa ngayon ay pilit na lang iniintindi ni Aiko ang mga kabataang artista na nagpi-prima donna.

“Basta ako, trabaho lang ako, good vibes lang ako. Kung hindi mo ako mapansin, e, di hindi,” pakli niya.

“Meron nga ako sa isang ka-work ko na dinadaan-daanan lang ako, okay.

“So, magkaeksena kami, sabi ko sa kanya, ‘Uy, ako si Ate Aiko.’ 'Ah, okay.' At least nag-exert ako ng effort.

“I make it a point na kailangang kinakaibigan ko sila. Ako yung nag-e-exert ng effort, kasi ako yung mas nakakaintindi, e.

“So, ginagawa ko, nagmi-message ako sa IG nila. Yun lang ang maganda sa social media e, nakakapag-message ka sa kanila.

"You can make them feel at ease…. na, 'Uy, huwag kang mahihiya sa akin.'

“Minsan, binabakla ko, para maging kumportable sila sa inyo.

"Eventually, it works kasi mas nagiging ano sila… mas nagiging mas humble na, 'Ba’t ako nag-attitude, e, ito nga.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SPOILED BRATS?

Sabi naman ni Direk Gina, may ganung attitude ang ilang kabataang artista sa ngayon dahil mayroong TV network na nag-aalaga sa kanila.

Paliwanag ni Direk Gina, “Iba kasi sila ngayon. Kasi, alaga sila ng network.

“Kumbaga, handpicked sila. Hindi katulad noon na ganyang edad ako na katulad nila na galing sa child star, 'tapos nag-teenager.

“Kumbaga, parang ano… yung kalakaran ng showbiz, di ba? Yung kung sino lang kumuha sa iyo, yung ganun.

“Hindi mo alam kung anong platform kung papaano ka ibi-build up, yung ganyan.”

Patuloy niya, “Ganyan naman talaga kahit noon pa 'yan… kahit hindi naman mga bata… the generation before was never like that.

“Di ba, si Patrick Garcia, notorious 'yan na hindi nambabati, na suplado yung ganyan?

“Meron talaga silang ganun, kasi alaga sila ng network. Nakakontrata sila sa network.

"So, parang ang ano nila, 'Kahit ano ang mangyari, nakakontrata ako, may project ako na susunod.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nakakatrabaho siya noon na mga batang artista na may ‘prima donna atittude’ pero wala siyang kamalay-malay na sobrang sikat pala talaga nila sa fans.

Dahil concerned sila sa mga batang ito, kinakausap daw nila at talagang dinidisplina kasama na rin ang network.

“Naku! I burst the bubble,” bulalas ni Direk Gina.

“I remember doing Twin Hearts [2003] before… I didn’t know how popular they are.

"So, meron silang attitude na binibigyan mo ng instructions, hindi nakikinig.

"Kasi nagtatawanan, yung ganyan-ganyan. 'Tapos, parang sa kanila, 'O, ganito na 'yan, ganyan.'

“It’s not only once o twice na miniting namin sila para sabihin sa kanila na, 'You’re nothing, you know?' Wala pa kayo sa…'

"I’m sure, meron akong nasabing, 'Wala pa kayo sa kalingkingan ng pinagdaanan ko, ng na-reach ko.'

“Sabi ko, 'Marami akong awards, e. Kayo ba, meron na kayong awards?'

“I think meron akong nasabing ganun in one of our talks sa kanila. Kasi nga, nadadala nila minsan yung sigaw ng fans, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko naman alam kung gaano sila kasikat.

"Until nung nag-taping kami sa Enchanted Kingdom. Oh my gosh! Ang mga tao talaga, na-mob sila.

“Talaga? Ganun sila kasikat? Kaya naman pala ganyan ang mga attitude nila.

“Pero natuto naman sila, and somehow nag-change naman ang attitude nila.

"That’s why they’re humble right now,” saad ng actress-director.

IMPRESSED BY GOOD BREEDING OF YOUNG CO-STARS

Iba raw itong mga batang bida ni Direk Gina sa Prima Donnas dahil laging nakabantay ang mga nanay nila na gumagabay sa kanila.

Pagpapasalamat niya, “Nandiyan pa yun mga nanay, e.

"Nakikita ko sa mga girls na ito, dahil very close sila sa mga nanay nila, mas focused sila.

“Alam naman nila kung ano ang dapat sundin.”

Hindi pa raw nakaeksena ni Aiko ang tatlong batang bida sa Prima Donnas.

Nakikita raw niyang mababait ang mga bata, pero sakaling may nagpi-prima donna na, nandiyan siya para disiplinahin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dito sa mga kasama, as of now wala pa naman sigurong prima donna.

"Kasi, kung may prima donna dito... Ay!” makahulugang ngiti ni Aiko.

“Ako ang magdidisiplina sa kanila! 'Uy, huwag kayong ganyan.'

“'Wala pa kayo sa kalahati ng pinagdaanan namin. Nababato kami ng baso ni Direk Maryo J [de los Reyes]... so dapat ano, be humble.'

“Hindi nila isaisip na just because meron kayong lead role ngayon, na bida kayo...

"Hindi niyo alam, baka bukas naman, pag hindi kumita, e, di Lotlot de Leon kayo ngayon!

“Uy! I love Ate Balot, ha?” natatawa niyang pagdepensa sa paggamit ng pangalan ng kaibigan niya bilang gayspeak na ang kahulugan ay "to lose."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez and acclaimed director Gina Alajar lament the prima donna attitude of some of today's young stars.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results