Balik-Kapuso sina Wendell Ramos at Aiko Melendez, na magkasama muli sa GMA-7 afternoon series na Prima Donnas.
Walang pressure na kailangan nilang mapantayan o mahigitan ang nagawa nila sa Wildflower (2017-2018) ng ABS-CBN.
“Hindi naman need ma-beat,” saad ni Wendell sa mediacon ng Prima Donnas noong nakaraang Martes, Agosto 13, sa GMA Compound, Quezon City.
“Kaya siguro sinasabi rin na ang ganda ng team-up namin ni Aiko and I’m thankful dahil natulungan din niya ako roon.
“Sa totoo lang, sa Wildflower, wala namang sinet-up na love team namin.
“It so happened na siya ang asawa ko, ako ang asawa niya at inayos naming pareho.
"Sa ngayon, hindi kami nag-iisip na kailangang naming talbugan.
“For us, we need to do kung ano ang tama at mag-effort kesehoda kung sino ang katapat.”
WELCOMING COMPETITION
Malakas ang tatapatan nilang serye sa kabilang network. Pero siya kasi, mas gusto niya na yung ginagawa niya, talagang malalakas din ang katapat.
Katuwiran ni Wendell, “Gusto ko yung ganun, yung maganda ang nagiging kalaban namin.
"Kasi, para sa akin, kapag natapat ka sa maganda, para sa GMA, ikaw yung puwedeng ipantapat. Kasi, maganda ang magiging kalaban.
“So, they consider us also na maganda. Kung naniniwala silang maganda yung show namin, pati kami, gagalingan din namin.
“Lahat ng effort, ibibigay rin namin. I don’t see anything wrong with that kung matapat ka sa magandang ratings.
“Ako, to be honest, I’m happy for them na mga kapwa ko artista. So, para ako tanungin, ma-pressure na itatapat sa kanila, ayoko nang isipin yun.
“But definitely, kami, magbibigay kami ng magandang competition.”
LOYAL KAPUSO
Orihinal na Kapuso si Wendell, pero ilang taon din siyang nawala sa GMA at naging Kapatid hanggang sa maging Kapamilya, at ngayon ay Kapuso na muli.
Mabilis ang sagot ni Wendell sa tanong namin kung sa pagkakataong ito, mananatili na siyang Kapuso.
“Alam ninyo, di ba, ayaw nating magsalita nang tapos?” natawang sabi niya.
“Pero for now, ayoko munang umalis dito. At tulad ng sabi ni Aiko, wala kaming bad blood.
"Thankful din ako sa ABS-CBN. Dito sa GMA naman, dito talaga ako nagsimula.
“It’s a good experience para sa aming mga artista na we get to work with other actors from different networks.
"Pero ngayong nandito ka na ulit, sa dati mo talagang network, it’s a different story.”
RESPECT FOR WOMEN
Natawa si Wendell nang tanungin namin kung nagkaroon ba siya ng “on the side” simula nang magsama sila ng ina ng mga anak niya hanggang ikasal na sila.
“Wala. Imposible ba yun?” nakangiting balik-tanong niya.
Sabi rin niya, “Siguro, simula nang magbinata na ang mga anak ko, then yung anak ko, babae, I always look up to kung ano ang dapat kong gawin. I focus on my family, my wife.
“Siguro rin, kaya ako blessed, kahit paano, hindi man ako perfect, pero once nagmamaayos ka sa trabaho mo, once nirerespeto mo yung dapat respetuhin na mga tao, especially mga babae, nabi-bless ka.
“No offense meant. Hindi ko sinasabi na yun lang ang nagkakaroon nang maayos, pero yun lang naman ang maipagmamalaki ko.
"Medyo rumespeto naman ako ng mga babae.”