Althea Ablan wants to follow in Barbie Forteza's footsteps

by Rommel Gonzales
Aug 18, 2019
Kapuso teen actress Althea Ablan on her idol Barbie Forteza: “Si Ate Barbie po, bukod sa pagiging bubbly, magaling siyang umarte, sobrang bait pa at sobrang ganda! Down to earth.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Fourteen years old si Althea Ablan na napanood sa Kara Mia at sa Mulawin vs. Ravena bilang batang Bianca Umali, bukod pa sa ibang mga shows sa GMA-7.

Nais sundan ni Althea ang mga yapak ni Barbie Forteza (na nakasama niya sa Kara Mia) bilang artista.

Ayaw ba niyang maging tulad ni Bianca na kahawig niya?

Pakli niya, “Puwede rin. Kahit sino naman.”

Bakit gusto niya si Barbie?

Lahad niya, “Si Ate Barbie po, bukod sa pagiging bubbly, magaling siyang umarte, sobrang bait pa at sobrang ganda! Down to earth.”

Wala pa raw nanliligaw kay Althea.

Hindi raw alam ni Althea kung sino ang magiging kapareha niya sa Prima Donnas.

Sa Prima Donnas ay gaganap si Althea bilang palaban na si Donna Belle; sa tunay na buhay ay palaban rin daw si Althea.

PROTECTIVE KUYAS

Apat daw silang magkakapatid.

Saad niya, “Pangatlo po ako and ako lang po ang babae, only girl.”

Continue reading below ↓

Si Althea lang ang artista sa kanilang magkakapatid.

Dagdag niya, “Pero yung iba ko pong kapatid, nagko-commercial.”

Ano siyang klaseng kapatid bilang solong babae?

Pag-amin niya, “Guarded ako ng mga kapatid ko, e.”

Dahil dito, hindi raw siya basta-basta maliligawan.

“Dadaaan mula sila sa mga kapatid ko,” at tumawa si Althea.

Sa Prima Donnas ay siya naman ang matapang na si Donna Belle na magbabantay sa mahina at duwag na si Donna Lyn (played by Sofia Pablo).

Ate naman nila si Donna Marie, na gagampanan ni Jillian Ward.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Althea sa grand mediacon ng Prima Donnas sa 17th floor ng GMA Network noong Martes, August 13.

Mapapanood na simula bukas, August 19, sa GMA Afternoon Prime, tampok din sa Prima Donnas sina Katrina Halili bilang Lilian Madreal, Wendell Ramos bilang Jaime Claveria, Chanda Romero bilang Lady Primarosa Claveria, Benjie Paras bilang Agaton, Elijah Alejo bilang Brianna at Aiko Melendez bilang Kendra Fajardo.

Continue reading below ↓

Ang Prima Donnas ay sa direksyon ni Gina Alajar.

THANKFUL FOR FIRST BIG BREAK

First major break ni Althea ang Prima Donnas.

Ano ang naramdaman niya noong sabihin sa kanya ng GMA na magbibida na siya sa isang drama series along with Jillian and Sofia?

“Siyempre po sobrang saya and honoured, as in!

"Kasi pinagkatiwalaan po nila ako, na eto, magkakaroon ako ng ganito.

“Sobrang saya!

“Mixed emotions, as in! Halong kaba, excited, saya.”

CRUSHES

Si Alden Richards ang crush ni Althea na nakatrabaho na niya.

Aniya, “Nagkaroon po kami ng music video, siya po yung kumakanta and kami po yung nag-a-act-act.”

Ang single ni Alden na "Guardian Angel" ang tinutukoy ni Althea.

Bakit niya crush si Alden?

Kinikilig niyang pag-amin, “Ang guwapo niya po!”

Nakasama naman ni Althea sa workshop si Joaquin Domagoso, ang binatilyong anak ni Manila Mayor Isko Moreno.

Pahabol niya, “Baka din pumasok si Joaquin [sa Prima Donnas].

Continue reading below ↓

“Baka, ewan ko po.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso teen actress Althea Ablan on her idol Barbie Forteza: “Si Ate Barbie po, bukod sa pagiging bubbly, magaling siyang umarte, sobrang bait pa at sobrang ganda! Down to earth.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results