Hiningan ng reaksyon ang The Clash judges na sina Ai-Ai delas Alas, Lani Misalucha, at Christian Bautista tungkol sa naging kontrobersiyal na contestant ng isang TV show na nag-attitude at nag-post sa Twitter ng "Composer ka lang" sa kilalang songwriter, arranger, musical director, at album producer na si Louie Ocampo.

Hindi man binanggit ang pangalan ng show bilang courtesy sa presscon ng programa ng tatlong judges, alam ng lahat na ang tinutukoy na nag-attitude na contestant ay ang It's Showtime contestant na si Shantal Cuizon, ang aspiring singer na hindi napigilan ang damdamin at nag-tweet laban kay Ocampo.

Sa pagkomento nina Christian, Ai-Ai, at Lani, dalawa sa kanila ang nagsabi na hindi dapat nag-a-attitude ang mga baguhan o nagsisimulang singers, habang isa naman sa kanila ang nagsabing dapat unawain din ang mga baguhan na hindi alam kung paano i-handle ang stress ng showbiz.

Panoorin ang video kung agree kayo sa mga sinabi nila.

Read related story here: Vice Ganda, pinagsabihan ang Tawag ng Tanghalan contestant dahil sa tweet nito laban kay Louie Ocampo

#theclash #itsshowtime #composerkalang

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang masasabi nina Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, at Lani Misalucha sa naging attitude ng It's Showtime contestant na nag-post ng "Composer ka lang" kay Louie Ocampo?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results