Nagulat si Megan Young kung gaano kahirap gumanap sa GMA-7 horror series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.
Lahad niya, “Actually, it’s a really interesting journey, kasi hindi ko in-expect na ganito ka-intense yung taping namin.
“Kasi sanay ako sa taping na, oo hanggang umaga, taping kayo...
"Pero here... physically, emotionally, mentally drained, the whole time!
“It’s my most challenging show as a whole, dahil sa horror aspect na andami kasing shots na kukunan minsan kahit na... di ba, minsan, may crying scenes na, ‘Ah basta, isang take lang yan!’
“Ito, hindi. Dahil may mga horror, minsan, iiyak ka 'tapos dadaan si Naomi [multong karakter ni Kris Bernal] sa likod mo, parang you have to do it over and over again.
“And I’m not complaining but it’s just, I didn’t expect, ‘Oh my gosh, ganito pala sa horror!’
“Pero in a TV show, since you don’t have the luxury of time, so iyon, kaya iyon ang journey ko basically.
“And it’s been tough but exciting and I really enjoy doing it.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa taping ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko nitong October 4, Biyernes sa Madison 101 Hotel sa Aurora Boulevard, Quezon City.
NOT A FAN OF HORROR FILMS
Sa tunay na buhay ay hindi pa naranasan ni Megan na makakita ng multo.
“At huwag naman sana akong multuhin,” at natawa ang 2013 Miss World.
“Takot ako sa multo. Actually, hindi ako nanonood ng horror.”
Very ironic na sa isang horror show siya napapanood sa telebisyon.
Pagsang-ayon niya, “Kaya nga, e, kaya nga!
"Pero hindi talaga ako nanoood. Kasi nung bata ako, puro... di ba iyon yung uso noon, yung mga horror films, yung mga The Grudge, yung Chucky [Child's Play]?”
Napanood daw niya ang The Grudge.
“'Tapos, after nun, ayoko na,” diin niya.
Kahit ang boyfriend niyang si Mikael Daez ay hindi rin daw mahilig sa horror films.
“Kaya okay, swak na swak kami! Hindi siya mahilig sa horror, mas action/sci-fi yung gusto namin,” pahabol niya.
SCAREDY CAT
Sa mga eksena nila sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na minumulto siya ni Naomi [Kris], totoo ang kanyang hilakbot.
“Nakakatakot siya! Especially pag pinanood mo yung playback namin.
“Like ako, matatakutin ako, like kunwari pag nasa hotel ako, nagta-travel akong mag-isa for work, lahat ng ilaw, nakabukas. Pati sa banyo, nakabukas lahat iyan.
“'Tapos, nakasara yung toilet, naka-on yung TV, naka-close yung curtains, may ganun akong ritual. Kasi super-natatakot ako,” dagdag niyang pag-amin.
Isinasara niya ang cover ng toilet bowl dahil pakiramdam niya ay sasara iyon nang kusa.
Pahayag niya, “Ayoko nang maisip yung mga ganun.
“Mabuti na lang, wala akong mga ganung experience pero matatakutin talaga ako."