Jeric Gonzales on intimate scenes with Sheryl Cruz: "Wild and aggressive."

by Rommel Gonzales
Oct 19, 2019
Jeric Gonzales on intimate scenes with Sheryl Cruz in new GMA-7 afternoon serye Magkaagaw: “Mas naramdaman ko kay Ms. Sheryl yung enjoy na enjoy, yung parang sex lang talaga yung habol."
PHOTO/S: GMA Network

Nangiginig si Jeric Gonzales habang kinukunan ang intimate scenes nila ni Sheryl Cruz sa bagong GMA-7 afternoon serye na Magkaagaw.

Kuwento niya, “Nanginginig po dahil din po sa eksena, tsaka dahil din po sa character ko.

“Kailangan din po talagang si Jio, na ganun din po, na ninenerbiyos.

“Kaya ako din po, before, during and after the scene, nararamdaman ko pa rin nagse-shake ako, na parang, ‘Anong ginawa ko?’

“Parang, ‘Nagawa ko ba talaga yun? Nag-kiss talaga kami, nangyari talaga yun?’”

Deretsahang tanong namin kay Jeric, na-arouse ba siya habang ginagawa nila ni Sheryl ang kanilang love scene sa Magkaagaw?

Pag-amin niya, “Tinablan? Siguro po, obligation-wise, of course, maaano ka... meron pong mga eksena na ano, para maakit ka kay Miss She, naakit ako sa kanya, so meron pong mga ganun.

“Pero yung personal na naano po ako sa kanya, kay Ms. Sheryl, hindi po.

Continue reading below ↓

“Siguro sa karakter lang po.

“Sa real life, hindi naman po talaga, kasi sa character lang siya.

"And binibigyan namin talaga ng freedom yung sarili namin during the scene, na maramdaman lahat yun.

“So, sa eksena naramdaman ko talaga.”

Masyado raw mataas ang respeto ni Jeric kay Sheryl para magkaroon siya ng malisya sa aktres, kahit na cougar role ang ginagampanan nito sa Magkaagaw.

SENSUALITY WORKSHOP

Nagkaroon sila ng sensuality workshop bago sila nag-taping ng Magkaagaw.

“Naku, dun pa lang po, nasampolan na talaga ako agad,” at natawa ang Kapuso hunk.

“Kasi one-on-one po kami and then we have to do yung mga daring scenes, yung mga kailangang makita ni direk. Kailangan makita mismo ni direk na kaya naming gawin para on-the-set wala nang pilitan na, ‘O, kaya niyo ba yan?’

“So ayun, nagawa namin, nag-kiss kami sa workshop. So very ano talaga siya, sensual.”

Continue reading below ↓

Paano makipaghalikan sa isang older woman?

“Siguro personally dun sa character ko, I enjoyed it kasi it’s my first time na to have a kissing scene with an older woman,” at muling natawa si Jeric.

“Pero yung older sa akin nang konti, meron na. Pero yung ganung kalaki ang age gap, first time.”

Twenty-seven years old si Jeric at forty-five years old naman si Sheryl.

Ang oldest daw na nakahalikan ni Jeric in real life ay 4-5 years lamang ang agwat.

May pagkakaiba ba ang pakikipaghalikan sa isang cougar?

“Meron po, malaki. Kasi siyempre, experience po, experienced na yung mas older and then mas naga-guide niya ako sa… at mas aggressive, mas parang anything is possible,” at tumawa muli ang binata.

Pero mas gusto raw niya, bilang lalaki, na siya ang nagga-guide sa babae.

Sa eksenang lampungan nila ni Sheryl, mas dominant ang babae pero sa tunay na buhay, mas gusto ni Jeric na siya ang mas dominante o in control.

Continue reading below ↓

Pahabol niya, “Pero at times, okay din naman na yung babae ang dominante, masarap din minsan na yung babae ang…”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa mediacon ng Magkaagaw noong nakaraang Martes, October 15, sa 17th floor ng GMA Network.

KISSING SCENE WITH KLEA

Iba naman ang halik ni Sheryl sa halik ni Klea Pineda na female lead din sa Magkaagaw.

Lahad niya, “Very passionate lang, pure love siya, kakaibang-kakaiba dun kay Ms. She na very wild and aggressive.

“Na mas naramdaman ko kay Ms. She yung enjoy na enjoy, yung parang sex lang talaga yung habol.

“Pero with Klea, may love, tender kumbaga, hindi yung wild.

“So very loving lang.”

Kung nanginig siya habang kinukunan ang eksena nila ni Sheryl, iba naman ang naramdaman ni Jeric with Klea.

“I felt very comfortable naman, nagawa namin siya ng walang ilangan and parang natural na sa amin, parang madali lang sa amin, parang ginawa namin siya 'tapos after that, tinanong ko lang siya, ‘Ano okay ba yun, na kiniss kitang ganun?’

Continue reading below ↓

“So parang ganun lang, comfortable naman.”

Hindi sila nagkaroon ng sensuality workshop ni Klea pero naging madali sa kanila ang eksena.

“Siguro sa part ni Klea, mas naramdaman ko na mas ano siya, open siya this time, na i-embrace na niya yung ganung eksena.

“Mas binibigyan na niya ako ng assurance na, ‘Sige okay lang.’

“Dun sa Ika-5 Utos, yun hindi pa talaga puwede.”

Medyo bata pa si Klea nung gawin nila ang Ika-5 Utos last year.

Sa Magkaagaw na eere sa Lunes sa GMA Afternoon Prime ay gaganap sina Sheryl bilang Veron at Sunshine Dizon bilang Laura; kasama nila sina sina Klea Pineda bilang Clarisse at si Jeric nga bilang si Jio.

Sa direksyon ni Gil Tejada, Jr. nasa Magkaagaw rin sina Polo Ravales bilang Oliver, Dion Ignacio bilang Zander, Dennis Padilla bilang Mark, Lovely Abella bilang Suzi, Isay Alvarez bilang Fely, Patricia Tumulak bilang Gilda, at Joanna Marie Tan bilang Sheila.

Continue reading below ↓

May special participation din ang actor-politician na si Alfred Vargas bilang Mario.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on intimate scenes with Sheryl Cruz in new GMA-7 afternoon serye Magkaagaw: “Mas naramdaman ko kay Ms. Sheryl yung enjoy na enjoy, yung parang sex lang talaga yung habol."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results