Ruru Madrid prefers to keep his love life personal

by Rose Garcia
Oct 27, 2019
Kapuso hunk Ruru Madrid prefers to keep his love life personal: “Sa akin po ha, ang pagkakaroon po ng isang relationship, hindi naman po kinakailangang ipangalandakan mo pa. It’s not about... hindi ibig sabihin na hindi ka proud sa girlfriend. Mas pine-personal mo, mas masarap sa feeling."
PHOTO/S: Photo credit: @rurumadrid8 on Instagram

Importante kay Ruru Madrid na ipaglaban ang kanyang special someone, girlfriend man o asawa.

Aniya, basta mahal mo, ipaglalaban mo.

In love ba siya ngayon?

“I’m very much in love with my work, with my craft,” tugon ni Ruru sa mediacon ng pelikula nila ni Jasmine Curtis-Smith na Cara X Jagger na ginanap nitong nakaraang Miyerkules, Oktubre 23, sa La Chandelle, Quezon City.

“Siyempre, binigay po sa akin ‘tong Cara X Jagger. Malaking bagay ito for me dahil this is my first mainstream movie na isa po ako sa lead.”

If ever, aaminin ba niya kung sino ang girlfriend niya?

Lahad niya, “Sa akin po ha, ang pagkakaroon po ng isang relationship, hindi naman po kinakailangang ipangalandakan mo pa.

“It’s not about, hindi ibig sabihin na hindi ka proud sa girlfriend. Mas pine-personal mo, mas masarap sa feeling.

“Darating din po ang araw na lalabas din po ang ganyang klaseng relationship.”

Continue reading below ↓

Mas madali ba o mas mahirap para sa kanya kapag tago ang relasyon?

Esplika niya, “Well, sabi ko nga po, wala pong madali o mahirap sa mga ganyang bagay. Ang relationship, para sa akin, hindi naman po ‘yan pamadalian o pahirapan.

“Ang relationship for me is not all about, 'Girlfriend ko si ganito, asawa ko si ganito.' Kung alam mo sa sarili mo na yun ang girlfriend mo, asawa mo, then yun.”

DREAM LEADING LADIES

Naging malapit daw sa isa’t isa sina Ruru at Jasmine. Dumating sila sa puntong napagkukuwentuhan na nila ang mga personal na bagay.

Hanggang crush lang siya kay Jasmine, na open ang relasyon sa boyfriend nito.

Ani Ruru, “Hindi naman na po kailangang paabutin pa yun into next level. Magkatrabaho kami, magkaibigan kami, malaking bagay na yun.

“Alam ko na si Jasmine, isa siya sa mga taong tine-treasure ko sa buong buhay ko, na kahit na anong mangyari, kaibigan ko siya.”

Continue reading below ↓

Sa mga posible pa niyang makapareha bilang leading ladies sa bakuran ng GMA-7, sinu-sino ang pinapangarap pa niyang makapareha?

Pahabol niya, “Marami pa, siguro si Ate Jen [Jennylyn Mercado], Lovi Poe, Marian Rivera.”

Sa mas ka-batch niya?

Pahayag niya, “Napakaraming puwedeng mapili dahil napakaraming magagaling na aktres. Si Sophie Albert, hindi ko pa nakakatrabaho. Yung mga batang StarStruck, hindi ko pa nakakatrabaho.”

Si Bianca Umali?

“Si Bianca, hindi ko pa po nakakatrabaho. If ever na magka-work kami, why not? She’s very talented and napakaganda rin,” paghanga niya sa aktres.

Ano ang masasabi niya sa mga pa-bikini ni Bianca? Seksing-seksi ang mga pasabog ng young actress sa social media nitong mga nakaraang linggo.

Tugon niya, “Nakakatuwa na sobrang confident siya sa body niya. Yung mga trabaho na ginagawa niya, I know that she’s very happy.”

Attractive ba para sa kanya si Bianca?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Si Bianca? Of course, she’s very beautiful and napakabait niya.”

Continue reading below ↓

STICKING TO HIS CONVICTIONS

Kung meron mang pagkakapareho ang karakter ni Ruru sa karakter niyang si Jagger sa pelikulang Cara X Jagger, ito ay iyung ipaglalaban niya ang taong mahal niya.

Saad niya, “Kahit pa mahirap, kahit na minsan umaabot siya sa point na gusto niya nang sumuko, hindi siya sumusuko. Kasi, alam niyang yun ang tama niyang ginagawa.”

Hindi lang daw sa relasyon ang tinutukoy niya.

Patuloy ng Kapuso actor, “Like ako, dati, pangarap ko lang maging artista and napakaraming rejection ng kinalakihan ko, pinagdaanan ko and still, hindi ako sumuko. Kasi, alam ko naman na ito talaga ang gusto ko, ito ang mahal ko.

“At sa relationship, kahit naman po sinong lalaki, kung alam mong mahal mo talaga yung tao, kung alam mong nahanap mo na talaga yung the one mo, ipaglalaban mo at patunayan natin na mahal natin.”

Nahanap na ba niya kung sino ang babaeng mamahalin niya sa buhay?

“Well, kasi yung personality rin ni Jagger, hindi siya masyadong ma-share sa personal na bagay,” natatawang pag-iwas ni Ruru.

Continue reading below ↓

BREADWINNER OF HIS FAMILY

Anim na taon pa lang sa showbiz si Ruru pero unti-unti raw niyang natutupad ang naipangako sa mga magulang.

Ayon kay Ruru, “Hindi naman kami galing sa mayamang pamilya at grabe yung paghihirap na pinagdaanan namin.

“And noong makapasok na ako sa ganitong klaseng trabaho, sa industriyang ito, sabi ko sa parents ko, 'Ma, Dad, hindi niyo na kailangang magtrabaho, ako na lang lahat.'”

May naipundar siyang mga negosyo na ang mga magulang na niya ang nag-aasikaso.

NO COMPETITION WITH PROTÉGÉ BATCHMATES

Si Jeric Gonzales ang nanalo sa Protégé. Sunud-sunod na ang magagandang break niya.

Nararamdaman ba ni Ruru na nabubuhay muli ang kumpetisyon sa kanilang dalawa ni Jeric?

Paglinaw niya, “Feeling ko, wala na po and even before, wala namang competition. Sa aming dalawa ni Jeric, walang competition ever since.

“Like, even noong tatlo na lang kami nina Jeric, Mikoy [Morales] ang natitira, pinag-usapan na namin ‘yan.

“Whoever wins, okay na.

Continue reading below ↓

“Kasi kaming tatlo na lang ang natitira so para sa sa akin, panalo na kaming lahat.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso hunk Ruru Madrid prefers to keep his love life personal: “Sa akin po ha, ang pagkakaroon po ng isang relationship, hindi naman po kinakailangang ipangalandakan mo pa. It’s not about... hindi ibig sabihin na hindi ka proud sa girlfriend. Mas pine-personal mo, mas masarap sa feeling."
PHOTO/S: Photo credit: @rurumadrid8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results