Kathryn Bernardo misses working with Daniel Padilla

by Melba R. Llanera
Oct 27, 2019
Kathryn Bernardo misses working with boyfriend Daniel Padilla; reveals upcoming KathNiel teleserye for 2020.
PHOTO/S: Gorgy Rula

Nominado ang Hello, Love, Goodbye (HLG) sa Australian Academy of Cinema and Television Arts sa kategoryang Best Asian Film.

Kabilang ito sa walong pelikula mula sa India, China, Japan at ang Palme d'Or winner na Parasite mula sa South Korea. Sa December 4 ilalabas ang winners sa naturang film international film competition.

Proud at masaya si Kathryn Bernardo sa layo ng naabot ng pelikulang pinagbidahan nila ni Alden Richards.

“Oo nga, e. Nagulat ako.

"Nakaka-proud na may pumasok na Filipino movie and gawang Pinoy doon,” sambit ni Kathryn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Black Magic Halloween Party noong Oktubre 20 sa Resorts World Manila.

Dasal niya, “Let's hope for the best. Being nominated pa lang is such an honor na. Okay na ako roon.

“Wow! Pag-pray natin pero ngayon pa lang, sobrang saya ko na. So, thank you so much for including Hello, Love, Goodbye."

Continue reading below ↓

MISSES WORKING WITH DANIEL

After Alden, sino pang aktor ang gustong makatambal ni Kathryn?

Lahad niya, “Siguro depende sa material, pero ngayon kasi talaga, na-miss ko na maka-work si DJ [Daniel Padilla].

“Balik-KathNiel muna for 2019 and 2020. Let's see what will happen, kasi ayaw ko rin naman na sarilinin si DJ.

“Kasi ang dami rin niyang puwedeng Maka-partner. But for now, let's enjoy the moment muna, doon muna ako."

NEW TELESERYE WITH DANIEL IN THE WORKS

Sa HLG thanksgiving ni Kathryn noong Setyembre 12 sa Tivoli Royale Country Club, ini-reveal ng young actress na magtatambal muli sila ni Daniel sa isang teleserye next year.

Inanunsiyo niya ito bago pa sila nagbakasyon nang dalawang linggo sa Iceland.

“Magpi-pitch na sila before we leave for the States. It's under Dreamscape. Wala pa talagang details,” ani Kathryn.

Siyempre, super-excited na ang fans nila.

Pahayag niya, “Kami rin, super excited, abangan lang nila. Magte-taping lang, the usual na ginagawa. Bibigyan namin sila ng magandang teleserye ngayon."

Continue reading below ↓

HER TURN TO SUPPORT DANIEL'S MOVIE

Doon din sa thanksgiving party inihayag ni Kathryn na iba muna ang kapareha ni Daniel sa gagawin nitong movie.

Pag-amin niya, “Excited ako sa movie, kasi it's my turn to support him and excited ako sa reunion project namin. Nagdarasal ako."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo misses working with boyfriend Daniel Padilla; reveals upcoming KathNiel teleserye for 2020.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results