Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Aga Muhlach, gustong lumabas sa Ang Probinsyano; Alice Dixson, nagbabala sa kanya

by Noel Orsal Text: Rommel R. Llanes
Nov 6, 2019
Nagbiro raw noon si Aga Muhlach na gusto niyang mag-guest sa "Ang Probinsyano," sita naman sa kanya ni Alice Dixson, "Be careful what you wish for."
Video: Noel Orsal.

Nang tanungin si Aga Muhlach kung may offer sa kanya na teleserye, sumagot ang aktor na gusto nga raw sana niyang subukan.

Nasurpresa naman ang kanyang "Nuuk" leading lady na si Alice Dixson na sa pagkakaalam ay mga pelikula lang ang gustong gawin ni Aga.

Kundisyon naman ni Aga, may narinig daw siyang istilo ng paggawa ng teleserye na kukunan nang lahat ang eksena at bubuuin na o "canned," kaya kino-consider niya ang paggawa ng isang serye. Naghihintay lang daw siya ng mag-o-offer.

Pero pakli ni Aga, pipiliin lang daw niya ang teleseryeng io-offer sa kanya.

Gayunpaman, minsan na rin daw niyang biro na gusto niyang lumabas sa Ang Probinsyano bilang isang guest.

Babala naman sa kanya ni Alice, "Be careful what you wish for."

Matatandaang napasama si Alice sa cast ng Ang Probinsyano bilang Catherine Cabrera.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results