Pia Wurtzbach recounts turning down TV project; disappointing Mr. M

by Bernie V. Franco
Jun 20, 2020
pia wurtzbach red
johnny manahan
Pia Wurtzbach remembers turning down a major TV project, and her decision disappointed Star Magic's big boss Johnny Manahan.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram / YouTube (Star Magic)

Inamin ni Pia Wurtzbach na isang lead role sa telebisyon ang in-offer sa kanya noong 2010 na kanyang tinanggihan.

Magsisilbi sana itong launching TV project ni Pia, na noong panahong iyon ay halos walong taon na ring nasa showbiz.

Pero hindi raw niya tinanggap ang proyekto dahil masyado itong sexy.

Ang naging desisyon niya ay ikinadismaya raw ni Mr. M, a.k.a. Johnny Manahan, founder ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN kung saan kabilang si Pia.

Matagal daw siyang hindi kinausap ni Mr. M dahil dito.

Nagsimula sa showbiz si Pia noong 2002, at kabilang siya sa Star Magic Batch 11, kung saan kasabayan niya sina Maja Salvador, Glaiza de Castro, Pauleen Luna, at ang magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz.

Hindi siya nagkaroon ng major break, hanggang sa nagdesisyon siyang maging beauty queen.

Sa kuwento ni Pia, dalawang lead role ang muntik nang mapasakamay niya, pero parehong hindi natuloy.

Continue reading below ↓

“Yung una, alam niyo yung show ni Denise Laurel and Rafael Rosell? Afternoon soap,” simula ni Pia sa online interview ng The Philippine Pageantry noong June 1.

Ang tinutukoy ni Pia ay ang Precious Hearts Romances Presents: Midnight Phantom noong 2010.

Siya raw ang first choice para sa female lead role.

“So yung mga afternoon soap, mas sexy sila kesa sa prime time.

“Na-offer sa akin yung role na iyon, ‘tapos sexy siya.

“Ang pagkaka-explain sa akin, may shower scene.

“Pero siyempre dahil TV, wala naman makikita, pero andoon yung thought, so, 'tsaka siyempre, may kissing scene yun.”

HOT STORIES

Magsisilbi raw sanang TV comeback rin iyon ni Pia na pansamantalang iniwan ang showbiz at nag-aral ng culinary.

“Coming from a teen actress, stopping showbiz for a few years because I took up culinary, because I’m not busy with other things.

“And then coming back, meron akong na-miss na transitioning years.

“So it was a jump from being a teen actress to coming back, [they] expected me to be a sexy actress.

Continue reading below ↓

“Lalo na yung mga time na iyon, merong trend of celebrities na nag-e-FHM, uso, e.”

Ang FHM na tinutukoy niya ay ang men’s magazine na nagpasigla ng career ng maraming female celebrities matapos nilang maging cover girl.

Iyon na raw sana ang big break para kay Pia.

Sa pagpapatuloy ng Filipina-German star, “Ang nangyari noon, I turned it down.

“Nung moment na iyon, na-feel ko na meron akong big break, na nag-no ako sa break na so big, that Mr. M. was so disappointed in me.

“He didn’t talk to me for a few months.”

Pahabol ni Pia: “Pero okay na kami ngayon. Of course, okay na kami…”

Bakit hindi tinanggap ni Pia ang lead role?

“I wasn’t comfortable,” sagot niya.

“Wala pa yung offer ng Binibini at that time.

“Number one, I wasn’t comfortable kasi hindi ako sanay sa ganoong mga role.

“And number two, I was still in a relationship, at that time, so he wasn’t comfortable with it either.

Continue reading below ↓

“He calls the shots, so I listened.

“And then buti na lang nakinig ako sa kanya, di ba?”

Pero diin ni Pia: “Kung ako lang din without him, like hindi rin ako one hundred percent [sure na tatanggapin].”

Wala raw pinagsisisihan si Pia sa naging desisyon niya.

Marahil, hindi siya naging beauty queen kung nagpa-sexy siya.

Isa sa strict requirements sa beauty pageants ay ang pagkakaroon ng wholesome image.

Kaya ipinagbabawal ang pagkakaroon ng sexy photos at image sa media, gaya ng TV, movies, at men’s magazines.

ALMOST GOT ANOTHER TV LEAD ROLE

Muntik-muntikan na rin daw siyang mapili para sa 2011 remake ng matagumpay na ABS-CBN teleseryeng Mula Sa Puso (1997-1999).

Ang original series ay pinagbidahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, at Rico Yan.

Nag-audition si Pia para sa role ni Claudine.

“Naalala ko nag-audition ako nung time na iyon, nasa loob pa ng PBB house yung audition nun, e.

Continue reading below ↓

“Binigyan ako ng script ‘tapos tiningnan kung magka-height kami nung ka-love team ko, kasi yun lang laging problema sa akin.”

Hanggang sa kaunti na lang silang natira.

Lahad ni Pia: “Konti na lang kami no’n.

“I think they tried to contact me after.

“Medyo matagal na kasi. Hindi ko maalala kung nag-no ako o nag-chicken out ako or, dahil sa Binibini, or for baka hindi ako natanggap.

“Hindi ko maalala na.

“Pero hindi rin naging para sa akin.

“Although I was very close to it. I felt it, parang andoon na siya.”

Ang role ay napunta kay Lauren Young, at kasama niya sina JM de Guzman at Enrique Gil.

Noong 2013, nagsimula nang sumabak si Pia sa beauty pageants.

At noong 2015, sa pinaka-controversial na announcement ng Miss Universe winner, binigyang-karangalan ni Pia ang Pilipinas nang i-anunsiyo ni Steve Harvey na siya ang rightful winner ng title.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach remembers turning down a major TV project, and her decision disappointed Star Magic's big boss Johnny Manahan.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram / YouTube (Star Magic)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results