Richard Gomez recalls refusing to do Scorpio Nights, accepting role refused by Gabby Concepcion

by Bernie V. Franco
Sep 17, 2022
richard gomez scorpio nights
Richard Gomez recalls the first-ever role he accepted. It was a role that was refused by Gabby Concepcion.
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz) / Regal Films (Inset)

Binalikan ng actor-politician na si Richard Gomez, 56, kung paano nagsimula ang kanyang showbiz career.

Si Richard ay naging matinee idol noong ‘80s, naging mahusay na aktor, at ngayon ay nagsisilbing congressman ng Ormoc City.

Pagbabalik-tanaw ni Richard, ang unang offer na role sa kanya noon ay sa mapangahas na pelikulang Scorpio Nights (1985).

Ibinahagi rin nito na ang kanyang unang role sa pelikula ay role na tinanggihan ni Gabby Concepcion.

Ikinuwento ito ni Richard sa YouTube vlog ni Ogie Diaz nitong September 15, 2022.

HOW RICHARD GOT INTO SHOWBIZ

Kuwento ni Richard, taong 1983 ay nagtapos na siya sa high school at magsisimula na sa college.

Summer vacation ng 1983, pumasok siya bilang member ng service crew ng isang fast-food chain store.

“So, nag-apply ako sa McDonalds hanggang sa nag-aral ako sa college. Sa PUP ako nag-aaral,” kuwento ng actor-turned-politician.

richard gomez service crew

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natapos ang kanyang kontrata sa fast-food chain at itinuon ang pansin sa pag-aaral.

Minsan, pinuntahan niya ang kanyang stepsister na si Pinky Suarez, na nag-aartista noon, sa shooting ng isang pelikula.

Doon nakilala ni Richard ang batikang talent manager, ang yumaong si Douglas Quijano.

Naging magkaibigan sina Richard at Douglas. Si Douglas ang nag-introduce kay Richard sa showbiz world.

Ipinakilala ni Douglas kay Richard ang talents niya noong sina Aga Muhlach, Herbert Bautista, at William Martinez.

Hinihikayat ni Douglas si Richard na mag-artista, pero tumatanggi noong una ang aktor.

“Ayoko. Gusto ko lang magmodelo kasi nakagawa na ako ng Rexona, Close-Up commercials. Modelo lang ako.”

Pero hindi raw siya sinukuan ng talent manager.

“Hindi napagod si Douglas,” sabi ni Richard.

richard gomez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan ay pinilit ni Douglas si Richard na ipakita sa kanya ang laman ng wallet ng binata.

“Bente pesos ang pera sa wallet [ko],” ani Richard. “Sinabi ni Douglas na malaki ang suweldo sa pag-aartista.”

THE FIRST ROLES OFFERED TO RICHARD

Matapos umoo ni Richard, agad daw silang pumunta sa kilalang film producer na si Mother Lily Monteverde ng Regal Films.

Kuwento ni Richard: “Sabi niya [Douglas], ‘Mother, puwede ba ito na lang kunin nating artista?’

“Sabi niya [Mother Lily], ‘Sige, sige, bigay niyo yung script.’ Binigay yung script sa akin.”

Pinabasa ito kay Richard.

“Binasa ko. Sabi ko, 'Ang bigat nito, hindi ko kaya.'”

Ang tinutukoy na script ni Richard ay para sa Scorpio Nights, ang 1985 daring movie na pinagbidahan nina Daniel Fernando, Anna Marie Gutierrez, at Orestes Ojeda.

Ang role na ibinibigay kay Richard ay ang role ni Daniel.

“Sabi ko, ‘Dougs, hindi ko kaya ito. Maghuhubo ako dito.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muli nilang pinuntahan si Mother Lily at ipinaalam na ayaw ni Richard na gawin ang project.

Pagpapatuloy ni Richard, “Sabi niya [Mother Lily], ‘Si Gabby Concepcion ayaw niyang gawin yung Inday Bote. Ni-refuse ni Gabby yung Inday Bote.

Ang Inday Bote ay ang 1985 fantasy-comedy movie na pinagbidahan nina William Martinez at Maricel Soriano. Introducing dito si Richard.

“Sabi niya [Mother Lily], ‘Ikaw, ito, ito ito. Ikaw gumawa noon.’

“Sabi ko, ‘Ano yun?’ Comedy. Sabi ko, ‘Yan. Okay, ako diyan’

“’Tapos right then and there, nung gabi, binigyan ako ng kontrata ni Mother Lily.”

Nalula raw si Richard dahil ang sahod niya sa pelikula ay PHP25,000.

“Sabi ko, ang laking diperensiya nung PHP20 sa PHP25,000.

“Ang sarap mag-artista. Sabi ko, ‘Mag-aartista na ako,” natatawang kuwento ni Richard.

“Yun na yung naging career ko.”

inday bote poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gomez recalls the first-ever role he accepted. It was a role that was refused by Gabby Concepcion.
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz) / Regal Films (Inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results