PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Bang on “Magpasikat” win: “Akalain niyo champion ako?!”

Ryang Bang: "Akala ko hindi ko mae-experience ito, Lord."
by Bernie V. Franco
Published Nov 19, 2022
Ryan Bang Magpasikat champion
Ryan Bang finally experiences being a champion in It's Showtime's "Magpasikat" competition.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Sa unang pagkakataon ay naranasang magkampeon ni Ryan Bang sa “Magpasikat,” ang annual talent competition ng hosts ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Nagtagisan sa performances ang magkakakamping hosts sa weeklong competition at inanunsiyo ang resulta ngayong November 19, 2022.

Ipinagdiriwang din ng noontime show ang kanilang 13th anniversary.

Unang tinawag ang third placer na binubuo nina Karylle at Ogie Alcasid. Sumunod na tinawag ang second placer na sina Vice Ganda at Amy Perez.

Nagsisisigaw at nagtatatalon sa tuwa si Ryan Bang nang ideklarang sila ni Jhong Hilario ang champion ngayong taon sa “Magpasikat.”

Absent si Jhong ngayong araw sa show dahil may sakit ito.

“AKALA KO MALAS AKO”

Nang mahimasmasan, nagsalita ang emosyunal na si Ryan.

“Thank you, Lord! Sa wakas! Akala ko hindi ko mae-experience ito, Lord.”

Sabi pa ni Ryan sa isang bahagi ng kanyang speech: “Akalain niyo champion ako?!”

ryan bang magpasikat champion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasalamatan din niya ang ka-tandem na si Jhong.

Sabi pa ni Ryan, “Labingtatlong taon, lagi pa akong talo. Akala ko malas po ako, madlang pipol. Hindi pala 'ko malas.

“Ang sarap po pakiramdam kasi gustong, gustong, gusto ko po [manalo], kasi nahihiya po ako sa inyo, madlang pipol…

“Labing tatlong taon [ako] sumali. I did my best, pero, syempre, hindi po ako nag-champion.

“Pero sa wakas, nag-champion, kaya, thank you so much.”

Nagpasalamat din si Ryan sa kanyang home network.

Inalala pa niya ang Korean War, kung saan 7,000 Pilipinong sundalo ang tumulong para depensahan ang South Korea mula sa North Korea.

Sabi ni Ryan, “Maraming salamat sa pagkakataon na ito, ABS-CBN, na utang na loob ko po… hindi lang po ako, lahat ng Korean, utang na loob ko po, kami yung mga Pilipino veterans.

“Walang South Korea kundi North Korea… nandito ang mga pinapanood niyo K-drama, BTS, dahil sa mga Pilipino veterans.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong 1950s, sinakop ng North Korea ang southern part ng kanilang bansa.

Namagitan ang United Nations (UN) at nagkaroon ng 16-country coalition, kabilang ang Pilipinas, laban sa North Korea.

Ang mga Pilipinong sundalong nakiisa noon ay tinaguriang “Fighting Filipinos” na may malaking kontribusyon para magwagi ang UN kontra North Korea.

Ang naging performance nina Jhong at Ryan sa “Magpasikat” ay selebrasyon ng pagkakaisa ng Pilipinas at South Korea.

Sinabi pa ni Ryan na ang napanalunan nilang PHP500,000 ay ido-donate sa mga Filipino veterans na sumali sa Korean War.

Ani Ryan, “Diretso po sa mga Pilipino veterans na sumali sa Korean War, tumutulong po sa amin sa South Korea.

“Maraming salamat po sa Showtime family, binibigyan niyo po ako ng pagkakataon para makatulong sa kapwa ko Pilipino. Kaya maraming salamat po sa inyo.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Bang finally experiences being a champion in It's Showtime's "Magpasikat" competition.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results