Limang bagong palabas ang dapat abangan ng mga manonood sa GMA-7 sa pagpasok ng
year 2009. Mauuna rito ang Sine Novelang Paano Ba Ang Mangarap? dahil sa
early part ng January na ito ipapalabas. Among the four primetime teledramas,
mauunang mapanood ang Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang, then All
About Eve, Totoy Bato and Zorro.
PAANO BA ANG MANGARAP? For the first time, magkakasama-sama ang
first batch ng StarStruck Ultimate winners na sina Mark Herras at
Jennylyn Mercado at ang grand winner ng Star Circle Quest na si Hero
Angeles. Kasama rin nila sina Tirso Cruz III at Bing Loyzaga sa ilalim ng
direksyon ni Joel Lamangan.
Sa
ngayon, naka-hold ang pagsisimula ng taping ng Sine Novela dahil priority ni
Direk Joel na tapusin nito ang first movie together nina Richard Gutierrez at
KC Concepcion for GMA Films and Regal Entertainment, ang When I Met You
na ipapalabas sa buwan ng mga puso sa February 2009.
Ang Babaing Hinugot
Sa Aking Tadyang.
Based
on a graphic novel created by Carlo J. Caparas, malamang na ito ang last
project ng love team nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ang Babaing
Hinugot sa Aking Tadyang ay muling ididirek ng paborito nilang direktor na
si Bb. Joyce Bernal. Nag-training muna si Marian ng boxing dahil may
pagka-action ang role niya at may pagka-sexy rin. Hindi pa sila
nagsisimulang mag-taping dahil may mga requirements pa si Direk Joyce, like
gusto niya ay mansion talaga ang gagamiting bahay ni Dingdong dahil rich talaga
ang character nito. Problema pa rin ang paa ni Marian na dapat ay
magaling na magaling na dahil kailangan nga niya na laging kumikilos, umaakyat
sa puno, pumapakabila sa bakod. Hindi pa rin pwedeng magsuot ng high
heels ngayon ni Marian.
Magsisimula
silang mag-taping sa January 6, 2009 at may pilot telecast ito ng first week of
February.
ALL ABOUT EVE.
An adaptation of the Koreanovela All About Eve, tampok nito ang matalik
na magkaibigan na sina Sunshine Dizon at Iza Calzado, pati na rin sina Jean Garcia
at Eula Valdez. Subalit, sa local version ng istroyang ito, magkalaban
sila. Si Richard Gomez pa lamang ang male member ng cast, sorpresa pa raw
ang isa pang lead star. Direk Gil Tejada will start taping sa last week
of January 2009. Early March 2009 na ang pilot nito.
TOTOY BATO. Isa pang nobela ni Carlo J. Caparas ay ipapakita sa telebisyon matapos itong gampanan sa pelikula ng yumaong Fernando Poe Jr. Sa TV adaptation, si Robin Padilla ang unanimous choice ni Direk Carlo at special request naman ni Robin na si Regine Velasquez para makatambal niya dahil isang singer ang role na gagampanan ng Asia's Songbird. Nag-training si Robin ng iba't ibang martial arts bukod sa boxing. Makakasama rin dito ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ang eldest daughter ni Robin na si Queenie. Tulad ng Joaquin Bordado, si Mac Alejandre pa rin ang magdidirek ng Totoy Bato na may tentative pilot week sa February 2009.
ZORRO. May pagka-fantasy ang bagong serye na sisimulan ni Richard
Gutierrez, pero kailangan muna niyang tapusin ang When I Met You
Valentine movie nila ni KC Concepcion bago siya mag-concentrate sa bago niyang
project. Kailangan din kasi niyang mag-training nang husto sa
fencing. Although kailangan nito ang husay sa pangangabayo, hindi naman
problema iyon kay Richard dahil bata pa siya, marunong na siyang sumakay sa
kabayo. Sa ngayon, wala pa kaming alam kung sino ang bago niyang leading
lady dahil bawal pa raw sabihin kung sino. Either late April or early May
2009 ang pilot telecast ng Zorro.
Abala pa rin si Richard ngayon sa taping ng kanyang Full Force Nature na napapanood every Tuesday sa GMA-7 pagkatapos ng Koreanovelang Money War.