Ang Huwag Ka Lang Mawawala ay iikot sa buhay ni Anessa Panaligan (Judy Ann Santos), isang ulirang anak na handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya.
Sa pagdating ng sunud-sunod na dagok sa kanyang buhay, makikilala ni Anessa ang anak-mayaman na si Eros Dimedes (Sam Milby), ang kaisa-isang lalaki na magpapalambot sa kanyang puso.
Paano nga ba patitibayin ng kanyang mga karanasan si Anessa kapag ang lalaking inaakala niyang magpapaligaya sa kanya ang mismong sisira sa buhay niya?








