Isang Philippine Idol finalist ang nagbabalik telebisyon sa TV5. Si Pow Chavez, isa sa mga naging Top 5 contestants ng reality singing show, ay kabilang sa mga stars ng Goals and Girls na mapapanood na sa TV5 tuwing Linggo at 5-6pm.
Ang mga main characters ng nasabing show ay sina Empress
Shuck at Dino Imperial.
Kwento ni Pow na ang Goals
and Girls (or G and G, for short)
ay isang Malaysian show na in-adapt para sa Filipino audience at tungkol sa futsal, isang indoor football game na kinahihiligan ng mga Pinoy ngayon.
Ang papel niya dito ay star player ng futsal team at close
friend ni Empress.
"Si Empress ang main character dito. Nag-re-revolve ang story around her and her group of friends. Kung saan kasama ako doon. I'm sort of their star player doon sa futsal team," kwento ni Pow ng ma-interview siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa isang coffee shop sa Quezon City.
Ibig bang sabihin na magaling siyang futsal player?
"Di naman kagalingan," nakangiti sabi ni Pow. "May background din naman ako as an athlete kasi I used to play basketball noong bata pa ako. Tapos, nung high school at college, nag-te-training talaga ako. So, sanay ako ng ganyan. Saka gusto ko yung maging active."
Kwento pa niya, "kaya ngayon ang ginagawa ko, eh nag-gi-gym ako. Nanaba talaga ako kasi wala na ako training. Tapos yung kain ko, parang ganun pa rin. So, todo diet ako ngayon."
Dagdag pa ni Pow na ang futsal ay isang panibagong sport
para sa kanya. Nakakilala niya na lang ang sport na ito dahil sa show.
Karamihan daw sa mga kasamahan ni Pow ay baguhan din gaya niya, tulad ni Nikki
Guevarra, Kim Guevarra, DJ Valerio at Ryan Julio. Ilan din sa mga kilalang
artista na kasama niya ay sina Paw Diaz, Lovely Rivero, Wilma Doesnt at Tirso
Cruz III.
Mapapanood na ang Goals and Girls tuwing Linggo, 5 to 6 pm sa TV5 at mapapanood ito every Sunday bago ang Wow Mali.