Lotlot de Leon thanks her Lebanese boyfriend and mom Nora Aunor during 18th Gawad Pasado Awards

Apr 28, 2016


Tatlong pelikula ang nag-tie sa Best Picture category ng academe-based group na Gawad Pasado. Ito ang Estorika: Maynila, Honor Thy Father, at Taklub.

Nagkaroon rin ng tie para sa top acting categories. Tinanghal na Best Actor sina John Lloyd Cruz ng Honor Thy Father at Ronnie Liang ng Estorika: Maynila.

Para naman sa category na Best Actress, nanalo sina Dawn Zulueta ng The Love Affair at Bea Alonzo ng A Second Chance.

Sa awarding ceremony ng 18th Gawad Pasado na ginanap sa University of the East sa Recto, personal na tinanggap ni Lotlot de Leon ang trophy niya bilang Best Supporting Actress para sa horror film na Buy Now, Die Later. Naka-tie niya sa naturang category si Meryll Soriano para sa pelikulang Honor Thy Father.

Spotted ang Lebanese boyfriend ni Lotlot sa naturang awards night upang samahan at suportahan siya.

Sa acceptance speech ni Lotlot ay pinasalamatan niya ang mahahalagang tao ng kanyang buhay.

“Ikalawa ko na po ito sa Gawad Pasado. Nagpapasalamat ako sa lahat ng bumubuo ng Gawad Pasado sa karangalang binigay niyo po sa akin, pinapangako ko po na pag-iigihan at pagbubutihan ko pa para sana sa susunod sa awards night ay Best Actress naman ang matanggap ko.”

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results