Tommy Abuel plays key role for the NVC production "Into the Woods"


Tommy Abuel plays the Mysterious Man for the New Voice Company musical Into The Woods.


Nakakatuwa namang isipin na hindi nakakalimutan ng veteran actor na si Tommy Abuel ang paglabas sa entablado. Bukod sa pagiging award-winning film actor ay isa ring award-winning stage actor si Tommy.

Natanggap ng aktor ang Aliw Award for Best Stage Actor for three consecutive years. Ang kanyang mga naging memorable theater roles ay ang mga stage plays na Antigone, The Glass Menagerie, Othello, The Chinese Wall, Mga Ibong Mandaragit, Anak Ng Araw, Kawawang Warat, Romeo At Julietta, Ang Tao, Andres Bonifacio, Anak Ng Bayan, Gregorio Aglipay, Aurelio Tolentino, at Bombita. Naging parte rin siya ng Kanser (Noli Me Tangere), El Filibusterismo, Florante at Laura, Madilim Ang Gabi Sa Luot at marami pang iba.

Sa mga musicals naman ay ginawa niya ang Carousel, The King And I, West Side Story, The Sound of Music, at Pippin.

Sa TV naman, kasalukuyang nasa cast ng Sine Novela na Kung Mahawi Man ang Ulap ng GMA-7 si Tommy. Nakilala rin siya sa kanyang mga parte sa mga pelikula tulad ng Itim at Bituing Walang Ningning. Ilan sa kanyang acting awards ay para sa pelikulang Maynila, Sa Kuko ng Liwanag (Famas Best Supporting Actor Award) at Bukas May Pangarap (Catholic Mass Media Best Supporting Actor Award).

Para kay Tommy ay hindi raw niya puwedeng kalimutan ang entablado dahil dito siya mas nahasa. Kahit hindi malaki ang kita, ginagawa raw niya iyon para maging inspirasyon siya ng maraming kabataan ngayon na may hilig sa teatro.

Kaya sa bagong handog ng New Voice Company ni Monique Wilson ay gagamapanan niya ang role na Mysterious Man sa musical na Into The Woods. Magsisimula ito sa November 9 hanggang December 8 sa Music Museum, Greenhills, San Juan.

Ang music at lyrics ng Into the Woods ay ginawa ni Stephen Sondheim, at ang original Broadway direction ay ginawa naman ni James Lapine. Ang NVC version ay mula sa direksyon ni Rito Asilo. Ang iba pang lalabas dito ay sina Michael Williams, Menchu Lauchengco-Yulo, Lynn Sherman, Jamie Wilson, Cathy Azanza, Julia Abueva, Joaqui Valdes, Crisel Consunji, at Angela Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For inquiries, tawag lang sa NVC, telephone numbers 889-6695, 896-5497 or 899-0630. Puwede ring magtanong sa TicketWorld, tel. no. 891-1111.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN