Model Kirst Viray destined to play Jesus Christ?

IMAGE Jerry Olea / Cez Estalilla FB

Model Kirst Viray on accepting to play Jesus Christ in a Passion play: "After ko itong tanggapin, nagkasunud-sunod ang mga blessing na dumating sa akin."


Bida ang hunk model na si Kirst Viray sa senakulong Kristo XXIX, na mapapanood nang libre ngayong Abril 10, Miyerkules ng 7 P.M, sa Tanghalan ng Masa, 83 N. Domingo St., San Juan City, tapat ng Puregold Agora.

“First time kong gumawa ng musical play. For me, mabigat siya,” pahayag ni Kirst nang bisitahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa rehearsal noong Abril 7, Linggo ng hapon, sa Pinaglabanan Elementary School, San Juan City.

“Kasi, for lead siya na gagampanan ko. 'Tapos, iba siya sa acting sa movie.

"Wider yung mga aksyon ng mga katawan dito sa stage play."

Paano siya napiling Kristo?

“Two years ago kasi, si Sir Lou Veloso, kinukuha niya ako para gumanap na San Juan Bautista,” malumanay na lahad ni Kirst.

“Hindi ako natuloy, kasi may trabaho po ako noon. Hindi po ako makapag-commit.

“This year, tinanong ako ni Direk Roni Bertubin kung puwede akong gumanap.

“Sabi ko, ‘Direk, two years ago, hindi ko alam kung kaya kong lumabas sa Passion play. Ngayon, willing na po ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Willing po akong matuto. Gusto ko na po kasing mag-focus sa acting.”

BLESSING IN DISGUISE

Blessing-in-disguise na hindi siya gumanap na San Juan Bautista. Tila itinakdang gumanap siya bilang Kristo sa senakulo ng San Juan City.

“Ito po, parang doble yung blessing,” pakli ni Kirst.

“After ko itong tanggapin, nagkasunud-sunod ang mga blessing na dumating sa akin.

“Sobrang positive po siya. Nagkaroon ako ng small business, yung pigar-pigar po na galing sa probinsiya namin, sa Pangasinan.

“Dinala ko po rito, sa GSIS Village po sa Project 8, sa may Congressional Avenue po.”

Naalala ni Kirst noong gusgusin pa siya sa pag-uumpisang magmodelo.

“Hindi ko po ini-expect na from scratch na promdi, na ganito na po ang ginagawa ko ngayon,” matamang sabi ni Kirst.

“Hindi ko pa matawag ang sarili ko as an actor.

"As a model po, doon po ako natuto. Na-realize ko po na yun ang passion ko—modelling.

“Nagugustuhan ko na rin po yung acting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang pangarap niya sa buhay?

“Simple lang po—yung ma-provide ko ang needs ng family ko,” tugon ni Kirst.

“Kasi, di ba, nanggaling kami from walang-wala?

"Pinag-aral nila kami, kaya gusto kong ibalik sa kanila yun.

“Pinaghirapan nila yun, e. Kasi, hindi ko naibalik yung dream nila na maging nars ako.”

Pero siguradong ipinagmamalaki siya ngayon ng kanyang pamilya sa kanyang pagganap bilang Kristo!

VALERIE CONCEPCION AS MARY MAGDALENE

Kumustang katrabaho si Valerie Concepcion bilang Maria Magdalena?

Misteryoso ang ngiti ni Kirst, “Mabigat agad, e. First time ko siya ngayon maka-work. Iyong pressure, andoon.

“Iyong scene namin, may titigan. So, medyo kailangan talaga... pagbutihin mo na rin sa rehearsal.”

Aminado si Kirst na nagulat siya nang makitang lumuluha si Valerie sa kanilang rehearsal.

“Akala ko, sa first pa lang na take, hindi pa, e. Biglang... umiiyak na talaga siya, as in!” bulalas ni Kirst, na bakas ang pagkamangha sa boses at mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, kailangan kong sumabay sa bigat ng akting niya.”

Magkano ang talent fee niya rito?

“Talent fee? Maliit lang naman,” saad ni Kirst.

“Ginawa ko po ito hindi dahil sa talent fee.

“Gusto ko siyang gawin next time na free na. Parang panata ko na siya.

“Iba ang feeling, e! Pag nagawa mo ang ganito... parang gusto mo nang gawin siya every year.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN