REVIEW: Mark Bautista in London production of Here Lies Love

Mark Bautista plays Ferdinand Marcos in the musical extravaganza Here Lies Love, which is currently being staged in London. Natalie Mendoza (right) brings life to Imelda Marcos in this play offering an immersive theater experience.




LONDON, UK—Marami na kaming napanood na stage musicals (sa Pilipinas, sa Broadway at maging sa West End) pero sobrang naiiba ang rock musical na Here Lies Love.

Directed by Alex Timbers and written by David Byrne at Fatboy Slim, ang Here Lies Love ay napapanood sa newly renovated Dorfman Theatre ng National Theatre.

Ang venue na ito sa London ay ang katumbas ng Cultural Center of the Philippines na may iba’t ibang teatro sa iisang complex.

Perfect venue ang Dorfman para sa nasabing musical na ang setting ay isang dance club. Totoo ang taguri sa HLL na "revolutionary musical experience" dahil wala pa kaming napapanood at nae-experience na katulad nito.

Very immersive ang show at bilang audience, feeling namin ay parte kami ng palabas.

Nasa "standing" area kami sa floor kung saan malapitan na nagaganap ang aksyon at abot-kamay mo ang mga artista.

At one point ay kinamayan kami ni Mark Bautista na gumaganap bilang Ferdinand Marcos. Si Natalie Mendoza na gumaganap bilang lead na si Imelda Marcos ay hinawakan sa mukha ang kasama naming nanood na si Noel Ferrer.

Sa apat na sulok ng venue nagaganap ang aksyon, umiikot ang mga eksena at hindi ka naka-focus sa iisang lugar lang.

Bumilib kami sa mounting nito at sa mabusising choreography at blocking ng bawat scene. Impressive rin ang stage design na nagbabagu-bago at constantly gumagalaw all throughout the show.

Ilang beses kaming nagsayaw ng "line dance" with the cast members and audience na nasa dance floor.

Gustong-gusto namin ang part na ‘yon na para kaming naggu-group exercise.

Kaya ‘pag doon ka nakapuwesto ay ire-require kang ipaiwan ang bag mo at coat o anumang mabigat na bagay para walang sagabal dahil makikihataw ka ng sayaw.

Kung sa itaas ka nakaupo ay maiinggit ka sa mga nasa floor dahil ang venue ay nagiging isang pabulosang discotheque complete with giant mirror ball, a DJ and pulsating disco beats.

Naka-join pa namin sa pagla-line dance ang Gone Girl star na si Rosamund Pike na nasa audience din noong gabing manood kami.

Kahit buntis at kabuwanan na niya ay piniling pumuwesto ng British actress na si Rosamund sa standing area at makisayaw with the crowd.


**********************

Sa Here Lies Love, tinatalakay ang makulay at masalimuot na buhay ni dating Philippine First Lady Imelda Romualdez-Marcos.

Una itong tinanghal sa New York Public Theater noong 2013 bago dinala sa London.

Siyempre pa, tampok rin sa istorya ni Imelda ang naging asawa niyang si Ferdinand Marcos, si Senador Ninoy Aquino at ang dating best friend at maid niyang si Estrella Cumpas.

Sobrang na-proud kami kay Mark Bautista bilang Marcos. At home na at home sa London stage si Mark. He’s very natural, ang sexy niya at ang smooth ng mga galaw. Meron siyang "swag" at malaking bagay na halos kamukha niya si Macoy at plakado niya ito physically.

Ang ganda ng boses ni Mark at dama mo ang puso sa kanyang performance. Full of energy siya ‘pag sumasayaw at bigay na bigay.

Meron siyang shirtless scene na naka-printed shorts lang nang magpunta sila sa Hawaii ni Meldy noong bagong kasal sila.

Pinakita rin sa play ang love scene ni Macoy at ang Hollywood starlet na si Dovie Beams (ang mistress ng dating presidente).

May maiksing eksena na naka-sexy trunks na pula si Mark, pero nakamaskara siya. Kung hindi mo alam na siya ‘yon ay puwede mong ma-miss ang kanyang mabilis na skimpy scene.


**********************

Bidang-bida ang Fil-Australian actress na si Natalie Mendoza as Imelda. Ang ganda niya, ang tangkad, panalo ang boses at wagi ang acting. Ang sarap pagmasdan ni Natalie sa stage at mararamdaman mo siya bilang Imelda.

Standout din ang British actor na si Dean John-Wilson bilang Ninoy Aquino. May "kilabot factor" ang highlight niya na Aquino assassination sa tarmac ng Manila International Airport.

Hindi lang kami kumbinsido sa Ninoy-Imelda romantic angle, na una raw nabighani si Ninoy kay Meldy, pero hindi ito dinigahan dahil mas matangkad sa kanya ang dilag ng Leyte.

Malakas ang presence at ang ganda ng boses ni Gia Macuja-Atchinson bilang maid ni Meldy at dating BFF na si Estrella Cumpas.

Ang lakas maka-LSS ng title song na "Here Lies Love" kahit may pagkabaduy yung kanta. After the show ay inaawit-awit na namin ito pauwi.

Nakaka-proud na marami ring Filipino cast members ang kasama sa Here Lies Love. Hindi maikakaila na may Pinoy elements ang makikita dito na ine-enjoy din maging ng mga banyaga.

Katulad ng "Rose of Tacloban" na si Imelda, ang layo na ng narating ng "Boy from Cagayan de Oro" na si Mark na na-conquer na rin ang international theater.

Soldout na ang tickets sa Here Lies Love hanggang sa katapusan ng London run nito sa January 8, 2015.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial staff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN