PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Apo Bolo, 102, itinuturo ang traditional Igorot music sa mga apo

She teaches them to play musical intruments abiw, kulisteng, at tongatong.
by Chan-Chan Torres
Published Jul 16, 2022
igorot music
Ang centenarian na si si Lola Irene Enyaka, o mas kilala bilang Apo Bolo, ay desididong ipasa ang kaalaman sa traditional music sa kanyang mga apo at apo sa tuhod. Ilan sa mga traditional musical instrument nila ay ang kulisteng (left) at tongatong (right).
PHOTO/S: Rafaela Enyaka Pilipilen via GMA News

Patuloy pa rin ang 102-year-old Igorot na si Lola Irene Enyak, mas kilala bilang Apo Bolo, sa pagtuturo sa mga kabataan ng musika ng kanilang mga ninuno.

Kaya kahit na centenarian na siya, desidido si Apo Bolo na panatilihing buhay ang tradisyunal na musika ng Igorot at maipasa sa mga apo niyang millennials at Gen Z.

EDUCATING THE NEXT GENERATION

Si Apo Bolo ay mula sa Kankanaey Tribe ng Tadian, Mountain Province.

Dito niya ginugugol ang kanyang panahon sa pagtuturo ng Igorot music, lalo na sa mga apo niya at mga apo sa tuhod.

Ang ilan sa traditional musical instruments na kanyang tinutugtog ay ang abiw, kulisteng, at tongatong.

Nabanggit ng apo nito na si Rafaela Enyaka Pilipilen na masugid si Apo Bolo na nagti-train sa kanyang mga apo sa tuwing dinadalaw siya ng mga ito.

FAVORITE MUSICAL INSTRUMENTS

Ang abiw ay ang paboritong instrumento ni Apo Bolo. Ang tunog na nililikha nito ay ginagamit din para maitaboy ang mga ibong kumakain ng palay, ulat ng GMA News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito rin ang instrumentong tinutugtog noon ng yumaong anak ni Apo Bolo.

Ang kulisteng naman ay instrumentong pahaba at bibilugin na napapalibutan ng chords.

Ito ang gustong tinutugtog ni Apo Bolo kapag hindi siya makatulog.

kulisteng

Ang traditional Igorot musical instrument na kulisteng.

Itinuturo rin niya sa kanyang mga apo ang paggamit ng tongatong, na karaniwang tinutugtog ng kanilang tribo kapag may ritwal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasabayan pa ito ng pagkanta ng centenarian.

LOVE FOR MUSIC AND CULTURE

Para kay Apo Bolo, malaki ang ginagampanan ng mga nakagawiang tradisyon sa kanyang buhay.

Ang pagmamahal niya sa kanilang musika at kultura ang dahilan kaya mahaba at makulay ang kanyang buhay.

Ibang klase at kahanga-hanga ang debosyon at adbokasiya na naipakita ni Apo Bolo para pagyamanin ang sining ng kanilang tribo.

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa lahat na pahalagahan ang sariling atin.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang centenarian na si si Lola Irene Enyaka, o mas kilala bilang Apo Bolo, ay desididong ipasa ang kaalaman sa traditional music sa kanyang mga apo at apo sa tuhod. Ilan sa mga traditional musical instrument nila ay ang kulisteng (left) at tongatong (right).
PHOTO/S: Rafaela Enyaka Pilipilen via GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results