Life story of Kristine Lim and her decade-long self-discovery journey

by KC Cordero
Sep 12, 2022
Kristine Lim holding an award, and while teaching art to some kids
Matapos ang 10-year hiatus, nagbalik muli sa art scene si Kristine Lim. “Hindi na ako mabubuhay ngayon para i-please yung mga magulang ko o yung ibang tao. I am an artist, and I'm not just an artist, but I am an artist on a mission.”

Nagbalik sa Philippine art scene si Kristine Lim noong October 2020 makalipas ang 10-year hiatus.

Isa siyang missionary-visual artist, sculptor, at photographer.

Bago siya nawala sa eksena, mabenta ang kanyang mga obra sa mga art galleries.

Kristine Lim and some of her artworks

“Hinanap ko ang sarili ko,” ito ang bungad ni Kristine nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 8, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, bata pa lang siya ay alam na niyang magiging artist siya.

“Mas nauna pa akong natutong mag-drawing nang magaling kaysa magsulat. Mga three years old, nagdo-drawing na po talaga ako.

“Kaya nang lumalaki ako, laging sinasabi ng daddy ko, ‘Hobby lang iyan.’

“Pero napapansin na ng ibang tao na iba talaga yung creativity ko for my age. Na iba yung pag-paint ko.”

Nag-graduate siyang cum laude sa kursong fine arts sa University of the Philippines,

Nagtrabaho siya bilang graphic artist sa malalaking magazines.

FINDING TRUE CALLING

Nang pumalaot na siya sa art scene, hindi naging payapa ang kalooban ni Kristine sa kanyang propesyon dahil tutol dito ang kanyang parents, lalo na ang kanyang ama.

Ang paniniwala ng mga ito ay walang pera sa art.

"Pero sa negosyo meron. Bilang ayaw ko kasi sa mga unang gusto nila na mag-lawyer, mag-doctor or mag-engineer, hindi naman ako isa sa mga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naging rebelde din po talaga ako at saka sumasagot. Hindi talaga kami magkasundo ng tatay ko.”

Sinubukan umano niya ang magnegosyo.

Malungkot niyang sambit, “Kaya lang ay nag-fail lahat...

“And, during that time I was struggling with my mental health condition. Meron akong maya't mayang episodes ng anxiety attacks.

“So, hindi po naging maayos talaga yung 10 years ko na yun. Kaya nahirapan din po talaga ako, to live my life as who I am. Kasi, pati ako, hinahanap ko yung sarili ko.

“And ang dami ko pong mga challenges din.”

ARTIST ON A MISSION

Sa panahon na hinahanap ni Kristine ang kanyang sarili, nagturo siya ng arts sa mga bata sa mga bahay-ampunan at malalayong probinsiya.

Kristine Lim teaching kids

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang naging outlet ko para lang i-express yung art ko. Sumasama ako sa mga mission and charity works.

“Nandun kami para ilabas yung natural nilang artistic talent. Nandun po kami para i-guide sila.

“Yung mga parents, kahit matatanda na, tinuturuan din po namin.”

Sa ganito uminog ang mundo ni Kristine.

Logo of Artists On A Mission

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinatag niya ang “Artists On A Mission” noong 2021.

“May mga tribu kami na pinupuntahan, like meron po doon sa Zambales, sa mga tribe ng mga Aetas doon.”

Nitong August ay nagpunta rin sila sa Palawan at nag-ikot sa mga tribu roon at binuksan ang kauna-unahang Artist On A Mission workshop center sa Pilipinas.

Paliwanag niya, “Ang aim ay maghanap ng mga champions sa lugar na yun. Yung mga marurunong na talaga sa arts.

“'Tapos ay ite-train namin sila kung paano namin ginagawa yung aming workshop, na hindi lang siya basta marunong ka mag-drawing, pero kailangang may purpose yung nililikha mo.

“Gusto naming magturo sa bagong henerasyon ng mga artists na hindi lang basta gumagawa ng art, pero ginagamit nila yung makabuluhan pang mga bagay.”

TURNING POINT

Isang pangyayari sa kanyang buhay ang naging dahilan kaya tuluyan siyang nagbalik sa mainstream art scene.

Tatlo ang kanyang anak—si Justine at ang kambal na sina Judah at John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumanaw si John noong 2020 dahil sa birth complications.

Alam ng doktor ang pinagdadaanan ni Kristine, at nakatulong ang mga sinabi nito para mahanap ang purpose niya sa buhay.

“Sabi niya, ‘You know, the reason why John is already with Jesus, this is because his mission is already accomplished.

“’Pero, ikaw... you have no right to take your life away because your mission is not done yet. And, what is your mission?’"

Saka niya naisip na marami pa siyang puwedeng gawin.

Aniya, “To serve my Creator through the talents that He gave me, and that is through my creativity. Kaya sabi ko, babalik ako.

“Hindi na ako mabubuhay ngayon para i-please yung mga magulang ko o para i-please yung ibang tao.

“I am an artist, and I'm not just an artist, but I am an artist on a mission for God.”

BIG COMEBACK

Nagsimula muling gumawa ng artworks si Kristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mixed media po talaga ako, kasi malaro at mahilig akong mag-combine ng mga kung anu-ano. Ayokong nali-limit yung sarili ko sa specific medium.

“Gusto ko ring nag-e-experiment ng mga materials. Yung mga materials ko sa painting, hindi yung normal na mabibili sa mga art supplies.

Kristine Lim's artwork

“Gumagamit ako ng mga potty, mga shimmer stone na parang pang-construction materials.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi naging madali sa kanya ang makabalik. Tinanggihan siya ng mga traditional art galleries.

October 2020, sa tulong ng isang kaibigan ay nakapag-exhibit siya sa Manila Hotel at nagkaroon ng pre-selling session online.

“Ini-offer yung artworks ko sa mga politicians at regular buyers. Napaiyak ako kasi bago pa ang mismong araw ng exhibit, sold out na ang mga obra ko!

“So far, since bumalik ako nung 2020, lahat ng shows ko ay sold out. Lahat ng group shows ko, laging sold yung mga paintings ko saka yung mga artworks ko.”

Portrait of Angel Locsin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinomisyon din siya ng FAMAS Digital Philippines para gumawa ng portraits ng 2020 special awardees nito.

Na-settle na rin ang di niya ang kanyang ama ang kanilang di pagkakaunawaan.

Tiniyak naman niyang patuloy na magiging aktibo pa rin ang Artists On A Mission.

“Para sa next generations na kahit wala ako, mayroon pa ring magpapatuloy ng vision ko, ng pangarap ko na dapat ginagamit natin yung mga talento natin hindi para lang sa mga sarili natin.

“Ibahagi natin ang ating talento sa ibang tao para maging mas maganda ang mundong ginagalawan natin.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang 10-year hiatus, nagbalik muli sa art scene si Kristine Lim. “Hindi na ako mabubuhay ngayon para i-please yung mga magulang ko o yung ibang tao. I am an artist, and I'm not just an artist, but I am an artist on a mission.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results