Bicolano artist, nakakagawa ng miniature sculpture sa pencil lead

by KC Cordero
Sep 19, 2022
Renz Calalo and his pencil lead miniature sculpture
Sa pencil lead gumawa ng miniature sculpture si Renz Guevarra Calalo gamit ang karayom at cutter. Bukod naman sa bagong hobby, mahusay rin siyang mag-drawing.

Kakaibang talento ang ipinakita ni Renz Guevarra Calalo, 21, ng Barangay Sta. Cruz Ratay, Calabanga, Camarines Sur.

Bilang bahagi ng kanyang debosyon, gumawa siya ng miniature sculpture ng imahen ng Birhen ng Peñafrancia.

The Peñafrancia image

Ang kanyang medium—graphite o pencil lead.

Matiyagang naukit ni Renz ang imahen gamit ang pencil lead na 7B, karayom, at cutter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost ni Renz ang kanyang obra noong September 15, 2022 sa Facebook.

Aniya, tumagal nang hanggang 25 minuto bago niya natapos ang kanyang obra ng tinaguriang ina ng Bicol.

Ang pencil lead ay may iba’t ibang hardness ayon sa artikulong “Graphite pencil degrees of hardness explained” na nalathala noong April 20, 2021.

Pencil lead propertis explained

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag sa artikulo, “Graphite pencils are classified as either soft black (B), hard (H), hard black (HB), and firm (F).

“The degree of soft black, hard, hard black, and firm are then further classified by numbers, the higher the number the higher the intensity.”

May kalambutan ang 7B kaya mas madaling nakaukit si Renz ng imahe rito.

Ayon sa binata, kamakailan lang niya sinimulan ang kanyang bagong hobby.

Nakuha niya ang idea sa video na napanood niya sa TikTok.

Kuwento niya, "Kakaumpisa ko pa lang pong mag-try. Ang tawag po dito ay pencil sculpture.

“Nakikita ko lang po ito sa TikTok."

Photo of Renz Calalo and some of his artworks

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod naman sa pencil sculpture ay mahusay rin sa portrait painting si Renz.

Isa sa paborito niyang iguhit ang actress na si Anne Curtis.

Portrait of Anne Curtis

Batay sa ulat ng Bicol News noong September 19, 2022, last year ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa problemang pinansiyal.

Hindi siya nakabili ng gadgets na gamit sa online class.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay ng pag-ukit sa imahen ng Birhen ng Peñafrancia, dasal ni Rence na tuluyan nang matapos ang pandemya para makabalik na sa normal ang sitwasyon sa buong Pilipinas.

Idinaos ang pista ng Birhen ng Peñafrancia noong September 8.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pencil lead gumawa ng miniature sculpture si Renz Guevarra Calalo gamit ang karayom at cutter. Bukod naman sa bagong hobby, mahusay rin siyang mag-drawing.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results