Veteran theater actor Bernardo Bernardo does cameo role in Lenten play

Veteran theater actor Bernardo Bernardo, who plays a cameo role in the Lenten play Senakulo 2015, shares his insights on coming back to the Philippines for good, his memoirs, his fond memories of Dolphy and Nora Aunor, and even his close brush with death.



Masaya ang veteran actor na si Bernardo Bernardo sa kanyang pagbabalik-showbiz matapos ang ilang taong pamamalagi sa Amerika.

??Sobra, sobra, sobrang nag-enjoy ako sa aking pagbabalik showbiz!

??Salamat sa Diyos! Salamat dahil ngayong March, I celebrate my one year dito sa Pilipinas, and I??ve never been happier!?? saad ni Bernardo nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isa sa rehearsals ng musical play na Senakulo 2015 na tinatampukan ni Lance Raymundo.

NO PLACE LIKE HOME. Siya ba ay nagbabalik-bayan lang or back for good na?

??Hindi lang back for good, back for better.

??Mahirap ipaliwanag kung gaano ako kasaya, nandito ako sa sarili kong bayan, ginagamit ko ang sarili kong lengguwahe, gumagawa ng palabas ng mga kapwa Pilipino.

??Malapit ako sa mga kamag-anak ko, malapit sa mga kaibigan.

??Kapag nasa America ka, iba ang buhay. No matter what they say??dollars, credit cards, and pension, and health benefits??iba ang buhay sa Pilipinas.

Maski mas mahirap economically ang buhay. Iba ang buhay, ang puso, ang kaluluwa, ang pag-iisip ng Pinoy, dito lang at walang ibang lugar talaga,?? pahayag pa niya.

MEMOIRS. Inilahad din ni Bernardo ang mga plano pa niyang gawin sa kanyang career, pati na ang pagsusulat ng kanyang memoirs.

Pagmamalaki niya, ??Seventy years old na ako pero awa ng Diyos malakas pa, malinaw pa ang pag-iisip.

??Pero inamin ko sa sarili ko, legacy time, gusto kong gumawa at i-share yung experiences ko, ang expertise ko, kaalaman ko sa mga bata. Kasi, sila naman yung susunod, e.

??Magdidirek ako, aarte pa ako, susulat pa ako. Sinusulat ko ang memoirs ko ngayon, kasi yung karanasan ko sa theatro, pinagdaanan ko yung mga pinakamagagaling e.

??Nakatrabaho ko sina Lamberto Avellana, Zenaida Amador, Rolando Tinio? mga legends iyan, e.

??Kailangang ma-document, kasi historical document na ??yan. These are national artist or legendary figures in theater and cinema and television.??

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIE WORK. Mula nang nagbalik-showbiz, nakagawa na siya ng ilang indie movies at stage play. Kasama siya sa indie movie na Ronda na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas.

Sa Imbisibol, kasama niya sa pangunahing papel sina Allen Dizon at JM de Guzman. Isa rin siya sa aktor sa Whistleblower na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

??Sa pagbabalik ko, gumawa agad ako ng indie, gumawa ko ng mga plays, mga musicals pero hindi ako nag-kumbaga, mainstream.

??Kasi ang passion ko is acting sa teatro, e. So yun ang inuna ko, binigyan ko ng priority. Nagbubunga naman.

??Nag-umpisa ako sa teatro talaga, e. Well, even bago pa ako mag-Repertory Philippines ay lumalabas na ako ng teatro.

??Pero sa Repertory Philippines ang pinakamahaba kong karanasan bilang artista sa entablado, 1973 hanggang ??89, e.

??Nagdidirek ako sa kanila, nagde-design, gumagawa ng press releases, umaarte? all around.

??Kasi, parang community theatre nag-umpisa at lumaki ng lumaki, gumaling ng gumaling,?? nakangiting saad niya.

Kuwento pa ni Bernardo, ??Iyong Whistleblower ??di pa naipapalabas ito, trak-trak ang mga support actors ni Nora dito, na award winning. So it was an excellent experience.??

LENTEN PLAY. Nagkuwento rin siya sa papel niya sa Senakulo 2015.

??Herodes ang papel ko rito. Sana nga Mary Magdalene, e. Wala yatang papel na ganoon,?? biro niya.

Anong masasabi niya sa play na ito?

??Maganda yung ginawa nila, ginawa nilang kontemporaryo na sa akin ang dating, ang mga lessons daw ng buhay ng kasaysayan ay paulit-ulit lang.

??Ang kailangang hindi mawala yung pananalig, yung pagpapahalaga sa buhay sa mga bahagi ng buhay na spiritual para mailagay sa tamang landas

??Hindi lahat ng daan na dinadaanan na matuwid, ay matuwid. Kailangan yung bawat hakbang sa daan na yun ay maayos.

??Para mas konti ang nasasaktan, napapabayaan at hindi nabibigyan ng halaga,?? esplika pa ni Bernardo.

Pahabol pa niya, ??Cameo role lang ito, maigsi lang ang role ko, isang eksena lang ako rito.??

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit cameo role, okay lang sa kanya?

??Oo. Kasi, wala raw maliit na role, mayroon lang maliit na artista, ganoon e. Saka ito, malay natin, ito yung maging panata ko na.??

Nabanggit pa niyang first time siya lumabas sa Senakulo.

??Oo, kauna-unahan at saka maganda eto dahil medyo makabago ang approach nila sa Senakulo. Dito mapapansin mo rin, binigyan ng tribute ang SAF 44.??

Anong masasabi ninyo sa direktor dito na si Lou Veloso?

??Very good friend ko iyan from way back, e. Madaming history namin together, nakasama ko na siya, nai-direk ko na siya. So first time niya akong idi-direk ngayon,?? saad niya.

IMPRESSED WITH LANCE'S ACTING. Nabanggit din niya na nasorpresa siya sa ipinamalas ni Lance sa play na ito.

??I was surprised and when I say surprised, very-very pleasantly surprised. Kasi, ang pagkaka-alam ko sa kanya, he is a singer.

??May truth ang acting niya which is very important,?? saad pa niya ukol kay Lance.

Aware ba siya sa nangyaring aksidente kay Lance last year?

??Which is even better. Na ngayon, one year later, you see a new Lance. And that mayroon siyang dedication and something deeper na inu-offer.??

Noong nakita niya ang mukha ni Lance ngayon, naniwala ba siyang nabagsakan iyan ng barbell last year?

??Mas gumuwapo pa nga, e. Pero ayaw ko namang magpabagsak ng barbell sa mukha para lang gumanda,?? pabirong wika pa niya.

Sa tingin ba niya ay milagro yun?

??Sa buhay ko na lang, may mga milagro na, e. Iyong sa kanya ay kakaiba, I??m not comparing may experience...

??Sa akin, mayroon din akong near death experiences also. Na alam ko na there is beyond what we see and what we live with everyday. There is a higher being, in charge of everything,?? makabuluhan niyang pahayag.

Ang Senakulo 2015 ay magkakaroon ng special presentation sa Greenfield sa may Shaw Boulevard sa March 29. Mapapanood din ito sa March 30 sa Pagsanjan, March 31 sa Pila, Laguna, at sa April 1 sa Sta. Ana, Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SADDENED BY DOLPHY'S PASSING. Hinggil naman sa pagkamatay ni Dolphy, nasabi rin ni Bernardo na sobra siyang nalungkot sa balitang ito.

??Nasa Amerika ako noong nabalitaan ko yun. Oo, parang nadurog ang puso ko, kasi parang kamag-anak mo na, e. Nakikita mo linggo-linggo for ten years.

??Mahal ako ni Kuya Dolphy at mahal na mahal ko rin siya, alam niya yun. Sasabihin ko sa iyo, tatlong beses akong tinanggal sa Home Alone?, ibinabalik ako ni Dolphy, ganoon niya ??ko kamahal.

??Tinanggal ako kasi, madada ako, e. Ayaw ko na naaapi yung character ko at saka kapag ??di tama ang ginagawa? kumikibo ako.

??Ayaw nila ??yun e, ayaw nilang nag-iisip iyong artista.??

Isa ba si Mang Dolphy sa nirerespeto at hinahangaan niyang artista?

??Sa akin, wala nang ibang Dolphy na darating pa.

??Siya ang kaisa-isang artistang Filipino na itinulay niya mula sa panahon ng vaudeville hanggang sa panahon ng radyo, ng telebisyon, pelikula.

??Hanggang internet, nand'yan pa yung kanyang mga pelikula ??tsaka television shows.

??Maituturing ko na si Nora Aunor, next sa level niya.

??Wala namang Filipina na mababanggit mo of recent or even the distant past na nanalo, na acclaimed at saka nanalo ng international awards.

??International awards ha? Walang iba, wala. Sina Dolphy, Nora Aunor, iyang dalawang iyan, bow ako!

??Bow din ako doon sa marami pang iba, like si Fernando Poe Jr. at marami pa. Pero yung dalawang iyon, sa akin ay nangunguna,?? saad pa ni Bernardo.

HAPPY FOR THE SUPERSTAR'S RESURGENCE. Nasabi rin niyang natutuwa siya sa nangyayari ngayon sa career ng Superstar.

Ani Bernardo, ??Nakita ko like most? na karamihan ng mga artista nagdadaan sa mga lubak ng buhay, tuwang-tuwa ako na yung mga lubak ay? natapilok man siya, pero tumayo at higit pang maningning ngayon.??

Mayroon pa po ba kayong gustong magawa bilang actor?

??Yes, akala ko hindi ko sasabihin ito, pero aabot ka pala sa isang edad na, basta maganda yung papel at magagaling yung mga kasama mo, hindi na ganoon ka-significant yung laki o haba ng papel, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Kahit ano na magandang role, magandang working situation, magandang proyekto.

??Kasi, yun lang naman ang panalangin ko, ??Magandang proyekto Lord na magamit ko pa yung ibinigay mong talento habang puwede pa.??

??Iyon lang naman ang panalangin ko,?? nakangiting saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN