PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NM Artwork as TikTok Phone Stand

“Uncultured."
by Bernie V. Franco
Published Feb 21, 2023
tiktok national museum
A freelance artist posts on social media a video of two teens who used a marble artwork as a cellphone stand while recording a TikTok dance. The 'shoot' was held inside the National Museum.
PHOTO/S: Rodney James De Guzman

May follow-up post na “for awareness” ang freelance artist na si Rodney James De Guzman kasunod ng pag-viral ng kanyang video ng ilang kabataan sa loob ng National Museum of Fine Arts sa Manila.

Umani ng maraming atensiyon at reaksiyon ang Facebook post ni Rodney noong February 15, 2023.

Sa 17-second video clip, ipinakita ni Rodney ang dalawang kabataan—isang babae at lalaki—sa isang sulok ng museum.

Makikitang sumasayaw ang mga ito at kinukunan ang kanilang dance steps gamit ang cellphone camera.

Ginawang sandalan ng cellphone ang isang puting marble art piece na nakapatong sa pedestal.

May nakalagay pa nga raw na reminder na bawal hawakan ang artwork.

Caption ni Rodney sa kanyang post (published as is): “mag appreciate at matuto, magTIKTOK at patungan ng cellphone ang artwork."

Sundot ni Rodney, “FYi that is a marble artwork, nakalagay na do not touch, PINATUNGAN NAMAN!”

Mayroon nang 1.1 million views ang video ni Rodney at 23,000 reactions, as of this writing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-pick up na rin ito ng ilang media news outlets sa TV at online.

Pagbubunyag pa ni Rodney, hindi ito isolated case. Aniya, maraming kabataan ang nakita niyang nagti-TikTok sa loob ng Pambansang Museo.

Read: Paintings na parang gawa lang ng bata, nasa PHP2 bilyon ang halaga!

NETIZENS DISMAYED ABOUT TEEN TIKTOKERS IN NATIONAL MUSEUM

Dismayado ang maraming netizens na nakapanood ng video ni Rodney.

“Nakakabwisit. Nakakainis,” komento ng isang netizen.

Binanggit din ni Rodney na (published as is), "di ko na mabilang sa dami nila nag titiktok sa loob ng museum."

Ito ay sa kabila ng pagbabawal sa pagkuha ng videos.

“Kids these days,” dismayadong sabi ng isa pang netizen.

Pagsang-ayon ni Rodney, “nawala yung respect sa mga art don sa loob.”

netizens comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

netizens comment

Nalulungkot naman ang ilang netizens ukol sa mga kabataang walang pagpapahalaga sa sining.

“Uncultured,” paglalarawan ng isa pa sa nakapanood ng clip.

“Sana matuto mahiya ang kabataan na di marunong rumespeto sa art,” komento ng isa pa.

netizen comment

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

netizen comment

netizen comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ni-repost ni Rodney ang link tungkol sa balita kung saan nabasag ng isang gallery visitor ang isang art piece worth PHP2.3 million sa Miami sa U.S.

Katuwiran ni Rodney: “This is what i meant in the video interview recently, para maiwasan ung ganitong insidente... pero madami pa din hindi makaunawa.”

Read: Art piece worth PHP2.3M, aksidenteng nabasag ng isang ale sa exhibit

Sa visitor guidelines ng National Museum na available online, kasama sa ilalim ng General Guidelines ang tungkol sa pagkuha ng larawan at videos.

Nakasaad dito: “PHOTOGRAPHY. Taking of pictures is allowed inside the museum premises. However, the use of camera flash and the recording of videos are strictly prohibited.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A freelance artist posts on social media a video of two teens who used a marble artwork as a cellphone stand while recording a TikTok dance. The 'shoot' was held inside the National Museum.
PHOTO/S: Rodney James De Guzman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results