PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Secretary Turned Full-Time Vlogger in Pangasinan

“Natupad ang aking pangarap.”
by KC Cordero
Published Apr 1, 2023
The many faces of Ponsyana
Dahil sa kanyang content, sumikat ang vlog ni Ponsyana na nakatatawa, very relatable, at gamit ang wikang Pangasinan. (Photos courtesy of Ponsyana)

Matunog ngayon ang content creator na si Apol Claveria, mas kilala bilang Ponsyana.

Ang 24-year-old vlogger ay tubong Pangasinan.

Ang “Ponsyana” sa Pangasinan ay nangangahulugan na laging nasa mga pagtitipon na maraming pagkain.

Ayon sa article ng Philippine News Agency na sinulat ni Hilda Austria last March 23, 2023, kalimitan na ang content ng vlog ni Ponsyana ay ang kanyang funny antics kasama ang mga kaibigan sa tuwing may party.

Nagsimulang mag-vlog si Ponsyana noong 2019.

Nagtatrabaho siya noon bilang online sales representative—na sapat para sa pangangailangan nila ng kanyang partner at anak.

Nang pumutok ang pandemya, nakapag-produce siya ng ilang online videos.

Ponsyana holding food packs

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Lansad Farm sa Apayao, dinarayo dahil sa sobrang sarap na strawberry

Pagbabahagi niya sa panayam ng PNA, “Nasa bahay lang ako noong pandemic kaya nakagawa ako ng mga contents.

“Kabilang doon ang 10 tips kung paano mag-take home ng food from a party, at ang top 10 containers for take-home foods.

“Isinasama ko sa aking content ang mga Marites o tsismosa.”

Hindi nagtagal, ang kanyang nakatatawa at very relatable videos ay naging viral sa social media, lalo na sa Facebook.

KUMIKITA NA SA VLOGGING

Nagdesisyon si Ponsyana na gawing career ang pagiging vlogger.

Tinalakay niya sa kanyang contents ang mga tsismisan, pagyayabang, at maging ang maingay na tambutso ng motorsiklo, sa paraang nakatatawa at nakaaaliw.

Ponsyana's social media account banner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Siargao surfer John Mark Tokong, unang Pinoy na sasabak sa World Surf League Challenger Series

Gamit din niya sa kanyang mga linya ang Pangasinan language—maging ang diction—para mabigyan ang kanyang content ng authentic na tatak-Pangasinan.

Naging successful naman si Ponsyana dahil mula sa 15,000 followers noong 2022, meron na siya ngayong 56,000 followers.

Kumikita na rin siya sa kanyang videos.

Pagbabahagi niya, ang una niyang kinita sa kanyang content ay PHP6,000 kada buwan.

Ngayon, nasa five digits na ang kanyang natatanggap.

Bukod pa rito ang kinikita niya sa promotions and deals sa mga negosyo at mobile application developers.

HINDI CONSISTENT ANG KITA SA UMPISA

Gayunpaman, dumaan din sa mga pagsubok si Ponsyana.

Noong 2021 ay napilitan muna siyang huminto sa paggawa ng content.

“Nag-stop akong mag-vlog dahil wala akong consistent income.

“Hindi pa kasi ako monetized nun.”

Naghanap siya ng ibang trabaho at natanggap bilang office secretary.

Pero hindi aniya nawawala ang passion niya sa paggawa ng online content at pag-arte sa kanyang mga videos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ponsyana taking a selfie

Read also: 100-year-old lola sa Agusan del Norte, may cash gift na PHP200K mula sa DSWD, LGU

“Last year, September, gumawa ako ng panibagong content kasi na-miss ko ang mag-vlog.

“Hindi ka in-expect na papatok, kaya itinuluy-tuloy ko na.

“Mahirap... Inabot ako ng tatlong taon bago na-monetize.”

Gumamit na rin siya ng voice-over, at nag-eksperimento sa kanyang sariling boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung una, para akong boses-lola. Hanggang natuklasan ko yung boses na dapat kong gamitin.”

HAPPY NA NAKAPAGPAPASAYA NG NETIZENS

Ani Ponsyana, bukod sa kanyang kinikita sa vlogging, masaya siya na nakikita niyang tumatawa ang mga tao, lalo na ang mga overseas Filipino workers.

Dagdag na reward umano ito sa kanya.

Ponsyana eating balut

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Meet Joneil Severino, the amazing giant-leaf artist

“Masaya ako kapag nagme-message sila at nagpapasalamat na sumisigla sila kapag napapanood ang aking videos.

“Happy rin ako para sa kanila.”

Ikinuwento rin ni Ponsyana na bilang vlogger, nagkaroon din siya ng chance na makilala ang iba pang content creators.

Ilan sa mga ito ay naging mentors pa niya.

Isa aniya ang vlogger na si Banong TV na lagi siyang ine-encourage na mas pagbutihin pa ang kanyang craft.

“Nagtutulungan kami.

“Nagpapalitan kami ng suggestions para mas gumanda pa ang aming contents.”

Dahil din aniya sa kanyang vlog, “Natupad ang aking pangarap.

“Pangarap ko talagang mag-artista.”

Siya nga naman kasi ang nasa spotlight sa kanyang videos.

Read also: Meet Jhon Rey Tayam: swimming prodigy ng Apayao

MAY BASHERS DIN

Marami na ngayon ang nakakakilala kay Ponsyana, at may mga nagpapa-selfie pa kapag nakikita siya sa labas.

Pag-amin naman niya, marami rin siyang bashers, pero hindi siya affected.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas maraming bashers, more income since sila ang nagpapataas ng views.

“Ang nagde-defend naman sa akin ay yung mga solid followers ko.”

Read also: Imahe ng Santo Entierro na dala ng pari, inakalang salvage victim ng mga pulis

Sa ngayon ay patuloy pa rin si Ponsyana sa pagdadagdag ng skills para mas mapaganda pa ang kanyang craft.

“Ang goal ko ay maka-100,000 followers ngayong taon.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa kanyang content, sumikat ang vlog ni Ponsyana na nakatatawa, very relatable, at gamit ang wikang Pangasinan. (Photos courtesy of Ponsyana)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results