Kilala ang Maynila sa historical churches na dinarayo hindi lamang tuwing Mahal na Araw, kundi kahit ordinaryong araw.
Pero in the spirit of Lent, PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) gives you a Visita Iglesia itinerary na hindi lamang nakakabusog ng kaluluwa, kundi pati sa mga mata dahil sa naggagandahang arkitektura ng mga lumang simbahang ito.
Our Lady of Remedies Parish, Malate
Taong 1588 nang unang itinayo ang Malate Church.
Katulad ng ibang matandang mga simbahan, sumailalim na ito sa iba-ibang reconstruction, ang pinakahuli ay noong 1680.

Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia, Ermita
Main feature sa Ermita Church ang lumang imahe ng Nuestra Señora de Guia simula pa noong 1571.
Gawa sa kahoy ang orihinal na structure ng simbahan, pero ginawa itong stone chapel noong 1606.
Nasira ang simbahan noong World War II, at ang kasalukuyang structure ay itinayo noong 1947.

National Shrine of Our Lady of the Abandoned, Santa Ana
Malalim ang kasaysayan na nakaukit sa magandang simbahan ng Santa Ana.
Nagsilbi itong barracks ng mga sugatang Amerikano noong 1899. Himala ring hindi ito naguho ng mga pagbomba noong 2nd World War.

Archdiocesan Shrine of Our Lady of Consolation and Cincture (San Agustin Church)
Ito ang pinakamatandang stone church sa Pilipinas at itinuturing bilang UNESCO World Heritage Site.
Ang Spanish-era baroque-style church ay itinatag noon pang 1607 mula sa orihinal na bamboo structure noong 1571.

Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception (Manila Cathedral)
Isa sa mga pinakapamosong simbahan sa Maynila ang Manila Cathedral, ang seat ng Roman Catholic Archdiocese of Manila.
Na-establish ito noong 1581 at sumailalim sa walong reconstruction, na ang pinakahuli ay noong 1954-1958.

Our Lady of the Pillar Parish Church (Santa Cruz Church)
Itinatag ang simbahang ito noong 1619, ngunit dalawang beses itong nasira—una ay nang dahil sa lindol noong 1863, at pangalawa ay dahil sa Battle of Manila noong 1945.
Itinayo itong muli noong 1957 with baroque-style architecture.

Shrine of Our Lady of Mount Carmel (San Sebastian Church)
Ito ang kaisa-isang simbahan sa Pilipinas na gawa sa bakal at naitatag noong 1891. Ginawa ito gamit ang 1,500 tons ng prefabricated steel na iniluwas pa mula sa Belgium.

Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church)
Dinarayo tuwing Pista ng Itim na Nazareno tuwing Enero, hindi pinapalagpas ng maraming debotong Katoliko ang pagdalaw sa Quiapo Church sa mahahalagang okasyon.
Malapit lamang ito sa San Sebastian Church.

AN AGELESS TRADITION
Maraming debotong Katoliko ang gumagawa pa rin ng iba’t ibang panata tuwing Semana Santa.
Hanggang ngayon, makikita sa iba-ibang lugar ang mga mananampalatayang nagpepenitensya, o di kaya ay taimtim na nagdarasal bilang pag-alala sa sakripisyong ginawa ni Hesus sa krus.
Isa sa mga tradisyong hindi nakakalimutan ay ang pagsagawa ng Visita Iglesia tuwing Huwebes Santo o ang pag-ikot at pagbisita sa mga simbahan habang nakatanghal ang Banal na Sakramento.
Ginagawa ito tuwing Huwebes dahil itinatanghal ang Banal na Sakramento matapos lamang ang Misa ng Huling Hapunan.
Iba-iba ang diskarte ng mga Katoliko upang matapos ang pagbisita sa pito, walo, o labing-apat nang simbahan bago sumapit ang hatinggabi, dahil dito rin magtatapos ang pagtatanghal sa Altar Repositoryo.
Karaniwan ay namimili sila ng magkakalapit na simbahan upang maidaos ang pananalangin o pilgrimage.
O kaya naman ay dumarayo sa pinakamagagandang bahay dalanginan.
Pero anuman ang plano tungkol sa Visita Iglesia, pinakamahalaga pa rin ang diwa nito.