Francis M fan Nicco Manalo wants to improve singing skills for rap musical 3 Stars and a Sun

Nicco Manalo says "3 Stars and a Sun" is his favorite Francis Magalona song: "Kasi parang first time namin ginawa siya ngayon sa stage na with mics and everything, the sound. And just very excited na mas pagandahin pa yung tunog. Uulit-ulitin ko yung tunog ang gusto kong mas pukpukin ang sarili ko na mas galingan ko pa, pagbutihin ko."


Isang gang leader ang role ni Nicco Manalo para sa original Filipino musical na 3 Stars and a Sun.

Ang futuristic rap musical na ito ayhandog ng Philippine Educational Theater Association (PETA) para sa pagtatapos ng kanilang 48th season.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nicco sa preview at press conference ng nasabing stage play sa PETA Theater Center sa Quezon City.

Ipapalabas ang 3 Stars and a Sun musical sa PETA Theater sa Quezon City mula February 4 hanggang March 6, 2016.

"Ang role ko dito ay si Sol. Siya ang leader ng gang ng Diliman," kuwento ni Nicco tungkol sa kanyang karakter.

"Kasi sa story, nahahati yung mga tao sa dalawang grupo, yung mga taga-Lumino at yung Diliman.

"Bale yun yung tawag sa lugar nila--Lumino kung saan maaliwalas ang paligid at Diliman kung saan naghihikahos ang mga tao.

"So part ako ng gang na yon. Ako na yung matagal nang question. Kumbaga, kung titingnan yung story sa aming lahat na parang nagtrabaho kami araw-araw. Ginagawa lang namin yung kailangan sa amin.

"Ngayon, may tanong si Sol, 'Bakit nangyayari 'to?' And then, from there madadagdagan pa. Kumbaga mapapalaki pa ang apoy ng tanong niya sa sarili niya because of that person na hindi ko muna sasabihin, hindi ko muna ire-reveal.

"Meron siyang parang wise man, ganun. Guide siya."

THEATER ACTOR. Ayon kay Nicco, kinailangan mag-audition at mag-aral ng buong cast upang magkaroon ng karakter na gagampanan.

Kuwento niya, "I auditioned noon pa nung nalaman ko pa lang kay Myke [Salomon, musical director ng project], idea pa lang. Siya, parang sabi niya parang, "We might do 3 Stars and a Sun, a Francis Magalona musical."

"Sabi ko, 'Game ako diyan. Sabihan niyo ako kung kailan.' And then, yun nga funny story is when they asked us to audition.

"Yung song na kailangan nilang aralin namin walang lyrics online. Siguro sa song hits pa siya makikita. Ganun kaluma yung kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ako personally, minano-mano ko. Tapos binigay ko sa mga kaibigan ko."

Dagdag ng indie film at theater actor, "Tapos parang they asked us to learn parang two songs. Tapos sabi niya [Myke], 'Yon yung importante, yung 'Jolog' kasi nga rap siya, mabilis.'

"Parang, I think yun yung pinakamabilis na rap ni Francis M.

"So yun, minano-mano ko yon tapos binigay ko sa mga kaibigan ko. Sabi ko, 'Ito yung lyrics.'

"And then, finally nag-surface ang lyrics. Di namin alam kung saan galing. Di ko alam baka nilabas lang ni Myke finally.

"Mali yung mga ibang [words], e, kasi may mga baliktad na salita, you know.

"It was in the '90s so talagang, uso yung mga ganung klaseng ano lingo, ganun."

Hindi bago kay Nicco ang teatro dahil bata pa lang siya ay sumabak na siya sa mga stage play at naging parte na rin ng iba pang theater production ng PETA.

"Actually, I started acting siguro high school. And then, I took up technical theater in Benilde [De La Salle - College of St. Benilde] pero di ako nag-technical theater. Umarte lang ako nang umarte. Doon ako nagsimula.

"As in you know, laman ako ng mga thesis productions, laman ako ng mga films pero puro sa school lang.

"And then when I graduated, I auditioned for Tanghalang Pilipino Actors' Company.

"I stayed there for you know brief lang, sandali lang. And then umalis ako and then I tried auditioning for different companies. Yun lang talaga.

"I wanted to train, but then sabi ko, baka kayanin ko na tumalon from one company to another. One of my earlier plays was actually from PETA--Batang Rizal and Lola Basyang.

"One of their longest-running plays, I think nine to 10 years na ata yung mga plays na 'yon.

"It's great to be back sa PETA with hindi na children's musical. Medyo matanda na yung role ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parati akong bata dati. Grade school ginagampanan ko pa, e. Ngayon ata parang, 'Sige Nicco, lagay ka namin sa medyo adult.'"

FRANCIS M FAN. Ikinatuwa ni Nicco na makasama sa musical na ito dahil fan siya ng Master Rapper.

Sabi pa ni Nicco, "Oo, nagra-running man ako nung bata ako, e, di ba?"

"Sabi nga nila, bawal mag-hip hop. Sabi ko, 'Bakit ganun? Kasi masarap mag-running man sa kanta ni Francis M.'

"I mean ang una kong sinayaw sa school remember ko talaga Francis M, 'Mga Kababayan Ko.'

"Classic talaga siya and '90s kid ako, '90s ako lumaki so talagang visible. Alam na alam ko si Francis M."

Tatlo sa mga kantang gagamitin sa musical ang kinanta ng buong cast sa presscon. Ito ang "Mga Kababayan Ko," "Bahay Yugyugan," and "3 Stars and a Sun," kung saan kinuha ang titulo ng musical.

Ang "3 Stars and a Sun" na kanta ni Francis M ang pinakapaborito ni Nicco sa mga ito.

Paliwanag niya, "Yeah, kasi parang first time namin ginawa siya ngayon sa stage na with mics and everything, the sound.

"And I'm just very excited na mas pagandahin pa yung tunog. Uulit-ulitin ko yung tunog. At gusto kong mas pukpukin ang sarili ko na mas galingan ko pa, pagbutihin ko."

PRESSURE? Hindi man sigurado sa pressure na kanyang nararamdaman, ibinibigay ni Nicco ang kanyang buong tiwala sa creative team ng PETA para sa musical na ito.

"It's just that I want to trust my thing, and I want to trust the whole, the PETA team, and you know our artistic staff, na malinaw sa kanila ang vision nila. And that's it.

"I think with any production naman na ginagawa ko that's what they have to do. You have to trust your thing.

"You're gonna go through a lot, you know. Mahihirapan kayo. It's an original material.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko lang na hindi naman papayag yung PETA na you know, talagang they always go for excellence. And kagaya nung sinabi ni Tyang Maribel [Legarda, PETA artistic director] kanina, that meron 'yang heart, may content and also definitely entertaining."

Inamin din ni Nicco na kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagkanta.

"I think I'm more challenged. Parang honestly, singing is kind of my ano, yung sobrang medyo nahihirapan akong gawin.

"Kunyari pasayawin mo na ako 'wag lang kanta. Mas insecure ako about my singing.

"And you know, knowing how Myke makes his music, he's very particular, he's very precise.

"You know, I think mas macha-challenge ako to be a part of that ensemble. I mean using Myke's music.

"Mas tinututukan ko yun na parang sabi ko I know that I can act it out. But really to sound [like] it and to be a part of ensemble that everyone is great, you know with singing parang ako yung nahihiya.

"So ako, yun talaga yung tatrabahuhin ko. I think that is the challenge that I have to face for this particular musical."

Nagbigay ng tips ang kanilang musical director upang ma-improve pa ng cast ang kanilang husay sa pag-awit.

Kuwento ni Nicco, "Sabi niya [Myke] sa amin practice-in namin yung tenga namin.

"Because yun nga precise siya. Marami siyang notes na half ganyan, half-up, half-down.

"May mga binigay siya sa amin na hanapin namin online para makatulong sa amin.

"Ang just listen to the song ng paulit-ulit, and mas alagaan ko siguro ang voice ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN