Mosang explains why they tapped Polo Ravales as lead in Hercules: The Valiant Warrior of Thebes

IMAGE Rommel Gonzales

Comedienne Mosang recounts how she and her other producers got Polo Ravales to star in their stage musical, Hercules: The Valiant Warrior of Thebes: "Nung makita ko na siya in person, sabi ko, 'Pak, puwede!' Sabi ko, 'Can he sing? Nakakakanta ba siya?' Sa acting wala akong problema kasi magaling si Polo sa acting, napapanood ko naman siya."

 



Isa si Mosang sa mga producers ng musical play na Hercules:The Valiant Warrior Of Thebes.

“I’m one of the producers tsaka si Fort Sarmiento at tsaka si May Ocampo.

“Sa theater first pero sa concerts pangatlo na namin ito.”

Bakit ang Hercules ang napili nilang play na buuin?

“Well, bankable.

“Bankable?! Hahaha!

“Well, madaling ibenta sa mga schools, and everybody kilala si Hercules, di ba? Bago si Superman, sa school, si Hercules muna, di ba?

“At kami ng anak ko, fan kami ng Greek mythology, kami ni Kuya Eli [anak ni Mosang na si Elijah], favorite talaga niya.

“Alam niya yung difference ng Greek characters tsaka nung Roman characters,” pahayag ng komedyana na regular ding napapanood sa Pepito Manaloto.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mosang kamakailan sa Garage 88 Bar sa Bonifacio Global City sa presscon ng Hercules: The Valiant Warrior of Thebes.

Si Polo Ravales ang gaganap na Hercules sa musical play na Hercules:The Valiant Warrior Of Thebes na produced ng Fullblast Productions at mapapanood sa September 15, 16 & 17 at 10:00 AM, 2:00 PM & & 7:00 PM sa Star Theater sa CCP Complex.

Iiikot rin ito sa iba-ibang schools sa buong bansa.

FINDING THE PERFECT LEAD STAR. Paano nila nakuha si Polo para magbida sa play nila?

Kuwento ni Mosang, “When we were looking for Hercules talaga, lahat inisip namin, Yung kailangan magaling kumanta, kailangan maganda yung katawan.

“E, minsan may magaling kumanta, chaka yung katawan, hindi pang-Hercules yung hitsura.

“May nakita kaming okay na sana siya, full package na itsura at boses, hindi naman siya puwede, hindi siya available at sobrang mahal,” at tumawa si Mosang.

“Hindi ako ang nakipag-usap kay Polo.

“Si Fort, dahil sila ang nagkatrabaho sa mga events. Nabanggit niya sa akin, ‘Nay, kung Polo Ravales?’

“So sabi ko, ‘Sige, tingnan ko.’

“E, nung makita ko na siya in person, sabi ko, ‘Pak, puwede!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Can he sing? Nakakakanta ba siya?’

“Sa acting wala akong problema kasi magaling si Polo sa acting, napapanood ko naman siya.”

Speaking of bankable, pressured ba sila na kumita ang Hercules gayong ang bankable stars lang sa cast nila ay si Polo?

Sabi niya, “Oo, pero hindi ako masyadong natakot.

“Alam mo kung bakit? Kasi ngayon, sobrang in ang theatre, e.

“So marami na ring theater actors.

“Yes, hindi kami mga sikat pero marami nang nakakapanood ng magagaling.

“And word of mouth is very powerful.”

Ang iba pang nasa cast ng Hercules: The Valiant Warrior of Thebes ay sina Natasha Cabrera, Ronah Rostata, CJ Flores Marin, Paw Castillo, Fatima Cadiz, Hutch Perales, Jhay-R Baccol, Francelle Fetalvero, Jovito Bonita, Jasper Jimenez, Jasmin Salvo, Ren Medina, at Tina Dela Cruz.

REAL LIFE LOVERS AS LEAD STARS? Bonus ba na ang dalawang lead stars niya na sina Polo at CJ Flores Marin ay may relasyon sa tunay na buhay?

Si CJ ang nanalong Miss Earth-Philippines Water noong 2014.

Sa tingin ba niya ay mas magki-click ang dalawa onstage dahil nga magkasintahan?

“Well, yeah kasi maganda yung relationship nila ngayon, huwag silang mag-aaway,” at muling tumawa ang komedyana.

“Pag nag-away sila, dayyy, matatakot na ako! Iyon ang ayoko.

“Pero when Polo introduced CJ to me, nakagaanan ko naman ng loob, and she was very willing naman.

“Sabi niya gusto niya mag-try.

“Siyempre ako, galing din ako sa pagsisimula noon, kaya nung sinabi niya na gusto niyang mag-try, fine!

“Okay sige, tingnan natin. E, maganda naman ang boses. At walang kaarte-arte 'yan.

“Nung nagpi-pictorial si Polo tapos kasama siya, pag sinabi mong kanta, kanta si bakla! Sabi ko, 'Aba may boses!' Kaya sabi ko, puwede. Iyon na!”

NO ALTERNATES. Walang alternate o understudy si Polo sa play.

“Kasi yung iba baka ma-frustrate na sa araw na nanood sila, ‘Ay, bakit hindi si Polo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi minsan iyan ang problema namin sa theatre—pag hindi yung kung sino ang nakalagay sa poster ang napanood.

“Siguro sooner or later, there will be an alternate kapag talagang... halimbawa nakita mo yung kapasidad ng artista mo, hanggang two shows lang ito, lagyan mo ng isa.

“Pero we will make sure that the... yung hatian ng mga gagawin nila, hindi ganun kabigat, kaya alam kong hindi sila masyadong mapapagod.”

Produced ng JMJ Events Production at ng Fullblast Productions, ang Hercules: The Valiant Warrior of Thebes ay sa direksyon ni Riki Benedicto.

Ang musical direction at original music ay likha ni Erwin Lacsa, isa sa mga miyembro ng Ryan Cayabyab Singers, at si Eljay Deldoc naman ang playwright ng naturang produksyon.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN