UP Diliman's UPeepz dance group wins gold medal in Hip Hop International

IMAGE UPeepz Facebook account

UP Diliman's UPeepz dance group bagged the 2016 Hip Hop International gold medal award.



Isang karangalan na naman ang inuwi ng Pilipinas nang manalo ang UPeepz sa 2016 World Hip Hop Dance Championship nito noong August 13.

Nanalo ang University of the Philippines Diliman-based dance group sa Megacrew Division ng nasabing international dance competition na ginanap sa The Westin Lake Las Vegas Resort And Spa.

Nahahati ang kumpetisyon sa apat na divisions: ang junior division, megacrew division, varsity division, at adult division.

Nakuha ng UPeepz ang gold medal sa top score na 8.69 na sinundan ng Lock ‘n Lol ng South Korea sa score na 8.37, habang pangatlo ang Royal Family ng New Zealand sa score na 8.29.

Sa kanilang Facebook account ng grupo, ipinost nila ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa grupo at inalay ang tagumpay sa bansa at sa kanilang mga pamilya.

“Thank you to everyone who has been a part of this journey, and thank you to the whole world for having us! It has been such an honor!” ayon sa kanilang Facebook account.

Kwento pa nila, sumali ang kanilang grupo sa HHI (Hiphop International) noong 2014 subalit hindi sila nakapasok sa semi-finals.

Mula raw noon, binuhos nila ang kanilang oras, pawis, at panahon sa paghahanda para sa susunod na competition.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN