Mark Bautista tapped once again to play Ferdinand Marcos in US staging of Here Lies Love

IMAGE From Instagram account of Mark Bautista



Anim na buwan na mawawala sa Pilipinas si Mark Bautista para sa musical play na Here Lies Love.

Si Mark uli ang gaganap na former President Ferdinand Marcos sa U.S. staging na itatanghal sa Bagley Wright Mainstage, Seattle simula April 9 hanggang June 18, 2017.

Unang ginampanan ni Mark ang role ng diktador sa London edition ng Here Lies Love noong October 2014. Dahil sa kanyang mahusay na performance, siya ang napili ng Seattle Repertory na muling gumanap na Ferdinand Marcos sa musical play tungkol sa kontrobersyal na buhay ni former First Lady Imelda Marcos.

Lilipad na si Mark patungong New York ngayong February 26 dahil magsisimula sa February 27 ang rehearsals niya para sa Here Lies Love.

Sa kanyang pagbabalik sa New York, umaasa si Mark na magkakaroon uli siya ng pagkakataon na makita ang kanyang iniidolo: ang CNN news anchor na si Anderson Cooper. Nakilala niya ang American broadcast journalist nang mag-aral siya ng music video directing coursesa New York Film Academy noong December 2016.


THE MEETING. Ani Mark, "One month ako na nag-aral ng music video directing sa New York Film Academy. Yan yung way na na-meet ko si Anderson Cooper. Isa siya sa mga iniidolo ko na nasa ganyang business so kinuha ko yung opportunity na mapanood ang show niya.

"Yung school namin, may connect sa CNN, so nabigyan kami ng chance na makapunta sa CNN."


ON ANDERSON COOPER. Kuwento pa ni Mark tungkol kay Anderson, "Sobrang bait niya. Pinag-usapan namin yung Typhoon Yolanda. Nag-share nga siya ng isyu niya dito. Ayoko nang banggitin, siyempre, di ba?

"Tapos tinatanong niya ako tungkol kay President Rodrigo Duterte. Ako naman...teka lang ready ba ako sa isasagot ko?

"Baka may masabi ako na hindi makakatulong sa Pilipinas pero sinabi ko na I actually voted for him.

"Sabi niya, ‘Oh that’s interesting’  kasi sometimes yung ipinapalabas sa international media, minsan iba pero nakarinig siya ng ibang point of view.

"Actually, happy ako na na-meet ko siya. Alam mo yung taranta ka na? Alam mo yung pag nakikita mo siya, ang feeling mo lutang ka lang, kinakabahan ka?"

Pinasalamatan niya ang broadcaster sa tulong niya sa Pilipinas.

"Nag-thank you ako na nakapunta siya sa Pilipinas, nag-cover siya sa Typhoon Yolanda and nakatulong siya nang malaki sa Pilipinas and yun nga lang daw, ang daming ibinatong isyu na medyo hindi siya ready.

"Tapos binigyan niya ako ng libro ng nanay niya and pina-meet niya sa akin yung partner niya. Maganda, magandang experience.

"Happy ako na may nami-meet ako doon and siguro nakatulong din yung na-meet ko do doon yung direktor namin sa Here Lies Love sa New York.

"Sinabi ko kay Anderson na I’m actually going back to New York for a rehearsal and we have a show in Seattle.

"Gusto ko nga siya i-invite para mapanood niya, para makita niya ang Here Lies Love."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN