Andrew Gan on controversies surrounding Marian: "Nami-misinterpret lang siya ng mga tao."

IMAGE From Instagram account of Andrew Gan

Andrew thought it would be intimidating to be working with Marian Rivera, but he found out that the actress is "sobrang bait" contrary to what others were saying.



Kabilang si Andrew Gan sa cast ng bagong fantaserye ng GMA-7 na Super Ma’am.
Makakasama niya rito ang mga stars tulad nina Jackielou Blanco at Marian Rivera.

Talent ng Triple A Management si Andrew, at “magkapatid” sila ni Marian Rivera sa manager nilang si Rams David.

Kumusta maging “kapatid” sa manager ang Primetime Queen?

“Nung una nakaka-pressure, siyempre, Marian Rivera ‘yan, e!” lahad ni Andrew.

“Nakaka-intimidate!

“Pero nung nakausap ko na, hindi, sobrang bait!”

Nabura raw lahat ng narinig niya before na suplada at mataray diumano ang aktres.

“Sabi ko, mali, mali ang mga sinasabi nila.

“Nami-misinterpret lang siya ng mga tao.

“Totoong tao kasi si ate Marian.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrew noong August 27 sa last run ng Romeo and Juliet sa auditorium ng Paco Catholic School sa Manila. Kasama si Andrew sa cast ng naturang dula.

MORE THAN A MORTAL. Kalahating tao, kalahating Tamawo si Andrew sa Super Ma’am, at kanang kamay siya rito ng karakter ni Jackielou.

Ang Tamawo ay mga nilalang na hindi mortal at may mga taglay na kapangyarihan.

Salbahe ang role ni Andrew sa upcoming primetime series.

Alam na ba niya ang costume niya sa naturang fantaserye?

“Uniform, kasi kanang-kamay ako [ni Jackielou na isang mayamang madam], so parang barong,” sagot ni Andrew.

“Pero feeling ko maghuhubad ako kasi nga Tamawo kami, siyempre magta-transform, magiging Tamawo.”

Paano niya ito pinaghahandaan?

“Gym-gym pag may time,” sabay si Andrew.

Papayag ba siyang maghubad sa pelikula or sa plays kung kinakailangan?

“Oo naman!”

“Siguro hanggang underwear lang.

“Basta maganda yung material.”

Handa na ba siya sa love scenes?

Natatawa uling sagot ni Andrew, “Ilang taon na ako, puwede na.”

Dream role rin daw ni Andrew ang gumanap bilang isang gay, kaya masaya si Andrew na may gagawin siyang pelikula kung saan isang closet gay ang papel niya kasama ang Superstar na si Miss Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dream role ko yun! Naiinggit nga ako kina Tom Rodriguez saka kina Dennis Trillo kasi nagawa na nila,” pagbanggit niya sa mga bida sa gay-themed TV series na My Husband’s Lover.

Pero paano kung may gay love scene?

“Siguro pag talagang established na ako,” tugon ng aktor.

DIVERSE ROLES. Pinakaunang stageplay ni Andrew ang Romeo and Juliet ng The Actors’ Repertory Theater.

Nag-alinlangan umano siya nang alukin siya ng naturang role.

Kwento ni Andrew, “May nag-offer before tapos nung time na yun, parang nagdadalawang-isip pa ako kasi sabi ko, ‘Gagawin ko ba ‘to, parang mahirap yata yung theater’, ganun-ganun.

“Pero at the end of the day, parang sabi ko sa sarili ko, ‘Gusto kong mag-grow as an actor. 

“‘So ga-grab ko ‘to.’

“Sayang, e!”

Kahit first-timer na stage actor ay naitawid naman ni Andrew ang kanyang papel bilang si Romeo.

August of last year pa raw silang nag-iikot sa iba’t-ibang schools para sa staging ng naturang adaptation ng dula ni William Shakespeare.

Bukod sa pag-aartista sa telebisyon at pelikula ay itutuloy na raw ni Andrew ang pagiging theater actor.

“May next play na kami agad naka-lineup, William Shakespeare din siya, A Midsummer Night’s Dream, saad ng binata.

“Sa September siya, ngayon nagre-rehearsal na kami.”

Same production raw ito ng kanilang “Romeo and Juliet” play.

Wala naman daw conflict ang play rehearsals niya sa taping ng Super Ma’am.


Soon on Gma Telebabad ???? #SuperMaam #blessed

A post shared by Andrew Gan (@iamandrewgan) on






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN