Rachelle Ann Go posts first-day rehearsal for Tony Award-winning musical Hamilton

IMAGE From Twitter account of Baz Bambigoye

Rachelle Ann Go recently posted on her Instagram account about her first rehearsal day for her latest stage musical, Hamilton. Before flying to London, she and her fiancé Martin Spies also met up with their wedding planner.


Nag-post sa Instagram ang Pinoy Broadway and West End star na si Rachelle Ann Go noong October 3 ng kanyang first-day rehearsal para sa bago niyang stage musical na Hamilton.

Ang Hamilton—na tungkol sa buhay ni Alexander Hamilton, isa sa Founding Fathers ng America—ay isa pa rin sa mga pinakamainit na musical sa Broadway, New York.

Napakahirap kumuha ng tickets para sa Tony Award-winning musical ng actor-singer-songwriter na si Lin-Manuel Miranda.

Ngayon naman ay itatanghal na ang Hamilton sa West End ng London, sa refurbished Victoria Palace Theater, sa December 2017.

Sa London presentation, gaganap si Rachelle sa role ng karakter na si Eliza Schuyler, ang maybahay ni Alexander Hamilton.

Nabanggit ni Rachelle na na-challenge siya sa unang araw pa lang ng rehearsals niya para sa musical.

Narito ang kanyang post:

Noong nakaraang August, nagpaalam si Rachelle sa current cast at crew ng Miss Saigon para paghandaan ang rehearsals niya para sa Hamilton.

FIRMING UP WEDDING DETAILS. Sa gitna ng pinaka-latest na development sa kanyang international stage career, matatandaang engaged na si Rachelle sa American boyfriend nitong si Martin Spies at pinaplano na nila ang kanilang wedding sa late 2018 or early 2019.

Bago lumipad si Rachelle mula Pilipinas patungong London, nakipag-meeting na ito sa kilalang wedding planner-to-the-stars na si Teena Barretto, kasama ang kanyang fiancé na si Martin, noong nakaraang September 17.

Kilala si Barretto sa pagiging wedding organizer ng ilang big celebrity weddings, tulad ng kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Dingdong Dantes at Marian Rivera, Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes, at marami pang iba.


   


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN