Joaquin Valdes gives up projects in Manila to accept stint in Miss Saigon U.K.

IMAGE From Instagram account of Noel Ferrer

(L-R) Joaquin Valdes is the understudy of Gerald Santos (not in photo) in Miss Saigon U.K. He is shown in this photo with wife Atty. Agee Romero-Valdes and fellow thespians Iroy Abesamis and Aicelle Santos. 


Umalis noong March 22 ang TV/stage actor na si Joaquin Valdes para sa U.K. Tour ng Miss Saigon.

Kasama si Joaquin sa ensemble ng naturang international musical play at understudy rin siya ni Gerald Santos bilang Thuy.

Kasabay umalis ni Joaquin sina Aicelle Santos na gaganap namang Gigi sa Miss Saigon at si Iroy Abesamis na parte rin ng Miss Saigon ensemble.

Nilinaw ni Joaquin na hindi niya papalitan si Gerald bilang Thuy.

“No! Gerald is still on tour, he is still the Thuy. I’m in the ensemble but I’m his understudy.”

Kapag hindi puwede si Gerald sa isang performance ay si Joaquin muna ang hahalili sa kanya.

“Yes, pag nagkasakit siya or nagpapahinga siya.”

Wala raw problema kay Joaquin kung understudy siya ni Gerald.

“Okay na yun! I mean honestly parang sa level na yun hindi na kami magiging choosy,” at tumawa si Joaquin na nakausap namin sa National Breakfast Day ng McDonalds sa Madison St. branch sa Greenhills noong March 19.

Bukod kay Joaquin ay nandun rin ang ibang mga alaga ng talent manager na si Noel Ferrer tulad nina DJ Myke Salomon, Akihiro Blanco, Reuben Laurente, Hidilyn Diaz, Arman Ferrer, Joanna Ampil, Joross Gamboa, Mitch Valdez, Edgar Allan Guzman, Adrienne Vergara, Marco Alcaraz, Atom Araullo, Iza Calzado, Richard Quan, Ruby Ruiz, Rowell Santiago, at Dedet dela Fuente (Lechon Diva and owner of Pepita’s Kitchen).

Unang international musical play na sasalihan ni Joaquin ang Miss Saigon.

“Pero twenty years na akong nagte-theatre here [sa Pilipinas].”

Bakit ngayon lang siya napasali sa isang play abroad?

“Kasi siyempre, aminin natin na although mahal ko yung teatro, it’s hard to build a career as a theatre actor here. So binabalik-balikan ko siya pero ang naging career ko talaga filmmaking.

“Nagtapos ako ng Film, nag-direktor ako for a while, and then I directed commercials for the past eight years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang first love ko talaga teatro, kasi dun ako lumaki, e. So nung dumating ang pagkakataon ng Miss Saigon, nag-audition ako, hindi ako natanggap nung first round, pero nung November, in-email na ako para mag-audition via video.

“Ang bilis ng pangyayari kasi in all honesty I was about to leave the country for my masters in Theatre, in the U.K. rin.

“Tanggap na ako, nabigyan na ako ng scholarship so matatanggap na ako sa September.

“And then pumasok yung offer for Miss Saigon. Siyempre ang hirap tanggihan nun.”

Isang taon ang kontrata ni Joaquin sa Miss Saigon kung saan makakasama nila ang recent batch ng mga Filipino artists na kasali sa ongoing U.K. tour ng Miss Saigon tulad nga ni Gerald.

Ano ang mga tatalikurang trabaho ni Joaquin sa Pilipinas?

“Medyo marami. In fact, last year nagsubok akong mag-teleserye, I was in ABS-CBN, I did Till I Met You and then yung kay Eula [Valdes] recently, The Good Son, isa ako sa mga pulis.

“Maraming theatre projects sana na nakasalang for this year.”

Mahirap bang desisyon ang ginawa niya, na mawawala siya ng isang taon sa Pilipinas?

“Theatre has always been my first love. It’s hard to do theatre here because siyempre hindi siya kasing-lucrative, di ba? Hindi siya talaga nagbabayad ng maganda pero mahal na mahal namin. Sabi nga ng kaibigan ko, ang teatro dito, bisyo!

“Kasi fulfilled ka pero dehado… abonado ka pa!

“So this opportunity in the U.K., trabaho talaga siya. Professional, suwelduhan, so parang… kakaunti lang ang nabibigyan ng biyaya to get to do what you love and get paid for it professionally.”

Ang mga lugar kung saan sila magpe-perform…

“Manchester muna then mga iba’t-ibang cities sa United Kingdom, siguro mga anim o pito sa U.K., tapos lilipat kaming Europe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Andun na sila, so ang mangyayari yung current cast sumasalang habang nagre-rehearse na kaming mga bago. Tapos by the end of the run sa Manchester, magsu-switch na.”

Sa April 28 raw ang salang mga mga baguhan sa cast.

Kasama ni Joaquin sa U.K. ang misis niyang lawyer, si Atty. Agee Romero-Valdes.

“They helped her process the visa also.

“She was working as a staff for a Congressman, she left her job na, she’s gonna join me.”

Magiging housewife ba ang misis niya kapag nasa U.K. na sila?

“Gusto niyang housewife muna pero ang gracious ng production, yung Cameron Macintosh kasi they covered her visa as well, she can work full-time and abogado siya so mas malaki ang chance niya na ma-hire siya kaysa sa artista,” at tumawa si Joaquin.

“So it’s a blessing talaga.”

Wala pa silang anak.

Hindi kaya siya manibago? Iba ang local sa international theatre.

“Well, that’s the thing, ang pinaka-difference talaga is… eight shows a week 'yan, araw-araw, vocal health, physical health, professional talaga ang trato, and I was lucky enough because the past few shows I’ve been is with Atlantis Productions, the one that did Kinky Boots, Matilda, at yung proseso nila is very similar to how they do it abroad.”

Hindi raw siya disappointed na sa ensemble siya kasali.

“Not at all!”

Para saang role ba siya nag-audition?

“They auditioned me for Thuy and for Engineer. The one that originated the new Engineer, si Jonjon Briones, started out as an ensemble. So the training is priceless.

“Being the bida, kung ibibigay sa akin ni God 'yan this year, then why not? Or next year.

“Pero the fact na nandun na ako…”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN