Lovi Poe, Erich Gonzales, and Carla Abellana: Different strokes for scaring viewers of Shake, Rattle and Roll XV

Ayon sa Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde (second from left) ang Shake, Rattle and Roll XV raw ang pinakamaganda at pinakanakakatakot sa lahat. (L-R) Sina Erich Gonzales, Carla Abellana, at Lovi Poe ang mga leading ladies sa kanilang respective Shake, Rattle and Roll XV episodes na Ahas, Ulam, at Flight 666.


Kumbaga sa “handaan,” nakasanayan na ng Pinoy na sa tuwing sasapit ang Pasko, may entry ang Regal Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ay ang maituturing na pinakamatagumpay na horror trilogy series na Shake, Rattle and Roll, na ngayon ay nasa ika-15th version na.

May mga pagkakataon din naman na hindi gumagawa ang Regal Films ng Shake, Rattle and Roll tuwing MMFF, pero parang kulang ang panonood tuwing Pasko kapag wala ito sa list of official entries ng annual film festival.

Ngayong December 25, tatlong leading ladies ang magbibida sa tatlong episodes ng Shake, Rattle and Roll XV.

EPISODE 1: LOVI POE SAKAY NG FLIGHT 666

Si Lovi Poe, na pangatlong beses nang gumawa ng Shake, Rattle and Roll, ang bida sa Flight 666 sa ilalim ng direksyon ni Perci Intalan.

Kakaiba raw kay Lovi ang Flight 666 episode niya dahil sa totoong buhay, may takot raw siya sa eroplano kahit na ilang beses na siyang nakakasakay nito tuwing siya'y lumalabas ng bansa.

Ano ang naging challenging sa role niya?

“Well, unang-una, our only location is inside the plane. Totoong plane siya talaga. Pati yung way ng pananalita ng isang flight attendant, inaral ko rin dahil siyempre, iba yung way of speaking nila. And nakakatakot talaga. Sa dami ng horror movies na ginawa ko, iba yung creature na ginamit nila rito kaya grabe, nakakatakot kahit alam kong props lang yun.”




Lovi Poe as flight stewardess Karen in "Flight 666" of Shake, Rattle and Roll XV. Photo by Jean Saturnino.

EPISODE 2: ERICH GONZALES BILANG AHAS

Ang ABS-CBN star na si Erich Gonzales naman ang bida sa episode na Ahas sa ilalim ng direktor na si Dondon Santos. First time ni Erich na gumawa ng movie sa Regal at malaking bagay sa kanya na sa Shake, Rattle and Roll pa raw siya napasama.

Isang malaking ahas si Erich sa pelikula na may dual role. Paglalagay pa lang daw ng prostethics para magkaroon siya ng balat ng ahas ay malaking challenge na sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Yung role ko rito, masasabi kong challenge na siyang talaga. Hindi lang siya physically demanding, sobrang emotionally draining din.”

Natatawa na lang si Erich kapag iniuugnay sa isang matagal nang “urban legend” ang episode niya sa diumano’y ahas sa isang department store na nangunguha ng babae sa dressing room.

“Hindi ko po alam kung based po doon ang story. Basta ako po, ang masasabi ko lang, ahas po ako rito na may dual role. Ako mismo nakikipag-confront po sa sarili ko.”

EPISODE 3: ANO ANG ULAM NI CARLA ABELLANA?

Ang ikatlong episode naman na may pamagat na Ulam ay pinagbibidahan ni Carla Abellana, sa direksiyon ni Jerrold Tarog. Marami ang nagkagusto sa pinagsamahan nila ng director na Shake, Rattle and Roll XII episode na Punerarya.

Maganda nga raw ang Punerarya at naniniwala naman si Carla na kakaiba at magugustuhan din lalo ng manonood ang Ulam episode niya. Para naman sa kanya, pinakamatinding challenge raw sa kanyang role ang pagkain niya ng kung anu-anong insekto.

Muli naman niyang makakatambal sa Ulam episode ang Kapuso actor na si Dennis Trillo.

SHAKE, RATTLE AND ROLL XV: PINAKANAKAKATAKOT NGA BA?

Sa isang banda, maging ang Regal producer na si Mother Lily Monteverde ay naging vocal sa pagsasabing sa lahat daw ng ginawa niyang Shake, Rattle & Roll, ito raw ang pinakanakakatakot.

Para rin kay Mother Lily, ito ang pinakamagandang series ng Shake, Rattle & Roll.

Trailer pa nga lang daw ay talagang bongga na.

Bukod dito, sinabi rin niyang dito raw siya pinakamaraming ginastos.

“For the first time in my life, I spent so much! Ayokong sabihin kung magkano!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN