Ping Medina believes Maratabat is his most important film since it depicts Rido or clan wars in Mindanao


Dalawa ang entry ni Ping Medina sa Metro Manila Film Festival ngayong 2014. Siya ang bida sa Maratabat (na entry sa MMFF 2014 New Wave) at kasama rin siya sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

“Masaya, masaya! Kasi una yung Maratabat sa New Wave at masasabi ko na first lead ko siya talaga. At first ni direk Arlyn dela Cruz.

“Napakaganda nung lumabas, it’s a very powerful film, definitely isa sa mga favorites ko sa mga ginawa ko sa buong career ko.”

Nakausap ng PEP.ph si Ping sa SM Megamall sa unang araw ng pagpapalabas ng Maratabat sa mga sinehan; ipapalabas ito hanggang December 24.

“Tapos yung Bonifacio, sobrang special din sa akin kasi first time kong makatrabaho si Robin Padilla.

“Isa yun, bucket list na yun, parang ganun. Nandun yung mga, gusto kong makatrabaho si Nora Aunor, nandun yun sa ganung bucket list, e.

“So very exciting for me na may dalawa akong pelikula na lalabas na sigurado akong maganda.”

Malaki ang tsansa na ma-nominate siya bilang Best Actor kung saan ang isa sa mga posible niyang makalaban (sa New Wave category) ay si Jake Cuenca para sa naman sa pelikulang Mulat.

May expectations ba si Ping na masungkit ang Best Actor trophy sa MMFF awards night?

“Wala, ako never akong nag-expect, e. Kung ano lang yung nandun masaya na ako.”

Mahusay si Ping sa pelikula kaya may mga nagsasabi na malaki ang tsansa niyang manalo.

“Why not,” at tumawa itong muli. “ Kung mangyari, kumbaga sinasabi nga ng mga Muslim, Insha'Alla, God’s will!”

Posible rin siyang ma-nominate bilang Best Supporting Actor para naman sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Si Ping ang gumanap bilang Ladislaw Diwa, isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Andres Bonifacio (played by Robin Padilla).

“Hindi ko alam, siguro hindi ako mano-nominate dun sa Bonifacio. Kasi marami pang nandun, si Richard Quan, nandun si Cholo Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well tingnan natin, pero marami pang mas malaki na role sa akin dun, e.

“Nandun yung mga mas meatier na role, napunta kila, I think kila Cholo Barretto, kila Richard Quan, kila Junjun Quintana, sa tingin ko, kung may mano-nominate sa pelikula namin [Bonifacio], sila yung talagang mas malaki yung chance.”

Ang Maratabat ang unang lead role ni Ping.

“Oo, more or less. Sigurado ako na lead, ha? Kasi yung sa Transit parang lead na support na, kasi ensemble cast, e. So hindi mo alam kung saan mo ika-categorize.”

Ano ang nararamdaman niya bilang bida sa Maratabat?

“Special itong film na ito para sa akin. For me it’s my most important role kasi tungkol ito sa Mindanao, sa mga kapatid natin sa Muslim Mindanao, at ito ay tungkol sa Rido or clan wars na nangyayari doon.

“Isang example nito is yung Maguindanao massacre. Nangyari yun dahil sa Rido [o clan wars].”

“Ang sinasabi ng pelikulang ito, may ganung kultura pero siguro dapat tigilan na natin yung ganung kultura kasi hindi siya maganda para sa ikauunlad natin bilang Pilipino.”

Masayang-masaya rin si Ping na sa premiere ng pelikula niya kagabi ay dumating si Robin Padilla bilang pag-suporta sa kanya ng Action King.

“Ngayon lang ako pinagpawisan sa premiere night!

“Iyon lang ang masasabi ko,” at natawa si Ping.

“Sobrang ano, sobrang hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.”

Sa Instagram lamang raw niya inimbita si Robin na manood ng Maratabat.

“At dumating siya! Tinata-tag ko lang siya dun sa mga poster namin, sa mga posts ko. Mine-message ko lang siya.

“Sabi niya, ita-try niyang humabol kasi galing siyang book signing, e. So hindi ko talaga in-expect na magdadala siya ng batalyon na ganun,” at muling tumawa si Ping pagtukoy sa pagpunta ni Robin na maraming kasama.

Ano naman ang reaction niya nang makita niya si Robin na dumating?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre kinabahan kami ni direk Arlyn, na na-excite! Si direk Arlyn biglang nataranta! Ganun.

“Wala, e, ako ito na yung highlight ng gabi ko, yung pagdating ni Robin.”

Dumalo rin sa Maratabat premiere ang Public Attorney’s Office o PAO chief na si Atty. Persida Acosta na may cameo role sa pelikula.

“Nandito rin si Governor Mangudadatu,” pagtukoy pa ni Ping sa Magindanao Governor Esamel Mangudadatu na isa sa mga tunay na karakter sa kontrobersyal na Maguindanao massacre five years ago.

Ano sa palagay ni Ping ang pang-attract ng pelikula kaya suportado ito nina Robin, Governor Mangudadatu at Atty. Acosta?

“Unang-una, it’s about Muslim Mindanao, si Robin is a Muslim.

“Pangalawa, malakas yung social/political theme niya.

“Tingin ko kailangan itong mapanood ng napakaraming tao.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN