Perci Intalan confident MMFF 2016 will succeed without Vic Sotto, Vice Ganda

Perci Intalan is assured MMFF 2016 is a step in the right direction. He notes, "Tinignan muna nila kung ano ang good films… kung ano ang maganda. 'Tapos tinignan nila kung magugustuhan ng mga tao. They were satisfied na papanoorin ng mga tao. Hindi sila nag-second guess."



Ang mga pelikula na tried and tested hitmakers ay hindi napili para sa Metro Manila Film Festival 2016.

Kaya ang malaking tanong ngayon sa showbiz ay kung makaka-survive ang MMFF 2016 na wala ang mga katulad nina Vic Sotto at Vice Ganda?

“Makaka-survive naman,” ayon sa direktor na si Perci Intalan.

“Ang tingin ko, mami-miss ng tao [sina Vic at Vice].

“Pero makikita pa naman ng mga tao ang Enteng at si Vice sa ibang pagkakataon.

“So sana ay mayroong bagong mahalin ang mga tao sa line-up na ito.”

And tinutukoy ni Direk Perci ay ang walong pelikula na nauprabahan ng MMFF selection committee: Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough; Die Beautiful; Kabisera; Oro; Saving Sally; Seklusyon; Sunday Beauty Queen, at Vince & Kath & James.

(To find out why these movies were chosen, read: MMFF 2016 boldly touted to be "renaissance in Philippine cinema")
 

Masasabi ba niyang na-sacrifice yung box office appeal ng mga pelikula sa desisyong ito ng selection committee?

Ayon sa direktor, “Sana hindi naman, sana ang term is tinignan muna nila kung ano ang good films.

“Tapos tinignan nila kung papanoorin ba ito ng mga tao, kung magugustuhan ng mga tao?

“They were satisfied na papanoorin ng mga tao.

“Kumbaga, hindi sila nag-second guess kung ano ang magugustuhan ng mga tao.

“Tinignan muna nila kung ano ang maganda.

“Siyempre ang kapal ko naman para sabihin na, ‘Oo, sa quality sila nag-concentrate.’

“May pelikula kami rito. Hahaha!

“Pero roon na lang sa seven pa… hindi naman biro yung sampung taon sa Saving Sally.

“Siguro naman ay kinarir talaga nila yung pelikula.

“Iyong Kabisera… iyong Seklusyon, may nagsabi sa akin ang ganda raw at nakakatakot talaga.

“And iyong Septic Tank, nakita na natin ang trailer, kaya nga nagte-trending, e.”

Nakapanayam si Direk Perci ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang coffee shop sa Promenade, Greenhills, last November 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BUMPER CROP. May nagsabi raw kay Direk Perci na baka maulit sa MMFF 2016 ang taong 1976.

Naggagandahan kasi ang lahat ng pelikulang ginawa ng taon na iyon.

Kabilang sa mga award-winning movies noong 1976 ang Insiang; Tatlong Taong Walang Diyos; Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, at Minsa’y Isang Gamo-Gamo.

Dugtong naman ni Direk Perci, ‘Tsaka ito ang taon ng Ma’ Rosa, Ang Babaeng Humayo, at di pa kasama iyong sa film fest.”

Sa kabilang banda, nabanggit rin niya ang ilang pelikulang hindi na kailangang ang film fest para ma-promote dahil subok na ang mga ito sa takilya.

Kabilang na rito ang Super Parental Guardians nina Vice Ganda at Coco Martin, ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers, at ang Mano Po 7: Chinoy.

Aniya, “Ang Mano po 7, ang dali-daling hanapan ng playdate.

“Etong Enteng at movie ni Vice, kapag lumabas ito ng regular run, mas malakas pa ito, e.”

Sabi pa niya, “Kung hindi nakapasok ang Die Beautiful, hindi namin alam kung kailan namin ire-release ito.”

Isa si Direk Perci sa mga producer ng pelikula.

May nagsabi rin daw na sa buong taon, sa dalawang linggo lang naman daw ng MMFF mapapanood ang mga ganitong pelikula.

“Iyong ibang mga pelikula naman ay tatayo kahit na sa ibang playdate.

“At kayang makipagsabayan sa mga Hollywood films.

‘So ang sabi nga eto lang yung chance mo to watch these films.

“May nagsasabi nga, parang may part two ang MMFF 2016 sa bandang January 2017 after ng filmfest,” nakangiting paliwanag pa niya.


INSPIRING. Ayon pa kay Direk Perci, inspiring daw sa mga indie filmmaker ang development na ito sa MMFF.

Pahayag niya, “Inspiring ito kasi suddenly, ‘Uy, may pagkakataon pala!’

“Nang kumita ang Septic Tank, Zombading, ang Heneral Luna, yung [That Thing Called] Tadhana, lahat kami ay na-inspire talaga.

“Na puwede pala, na hindi pala kailangan ng malaking star, lalo na noong Heneral Luna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pala kailangan ng bida na sikat na sikat, kaya pala kahit biopic ka… lahat iyan ay inspiring.

“Kung ikaw ang filmmaker na bata at nakita mo ito, masasabi mo na puwede pala itong mangyari.”




Stories We Are Tracking

MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films
MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films
MMFF 2016 touted to be
MMFF 2016 touted to be "renaissance in Philippine cinema"







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN