Mother Lily on new MMFF system: "I think the Filipino movie industry will fall."

IMAGE Noel Orsal

Mother Lily Monteverde claims organizers had promised that four indie and four mainstream movies would be chosen as official entries of MMFF 2016.



Hayagang sinasabi ni Mother Lily Monteverde ang naramdamang lungkot at pagkadismaya nang hindi nakapasok ang pelikula niyang Mano Po 7: Chinoy sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Pinagbibidahan ito nina Richard Yap, Jean Garcia, Janelle Salvador, Marlo Mortell, Enchong Dee, Jessy Mendiola, Jake Cuenca, Eric Quizon, at iba pa, sa direksyon ni Ian Lorenos.

Kabilang ang nasabing pelikula sa iba pang commercial at big-budgeted movies, tulad ng The Super Parental Guardians at Enteng Kabisote, na hindi napili bilang official entries sa MMFF 2016.

Pag-amin ng Regal Entertainment matriarch, “Of course, I feel sad. Talagang we did something more than previous Mano Po. Talagang yung intention namin is to make the best for that.

“Saka sa yung time frame, so pressure, sagad.  Talagang walang tulugan."

Bagamat nalungkot siya, sinabi ni Mother Lily na hindi naman sumama ang loob niya sa mga indie filmmakers na nakasama sa Magic 8.
 
“I feel sad, but I don’t take it against indie movies. Talaga, of course, ako naman ang original diyan, di ba?  

"Sina Lav Diaz, Jeffrey Jeturian, Mario ‘O Hara.  We also had a festival, di ba?" Mother Lily said, referring to these respected directors whose films she had produced.

Naniniwala si Mother Lily na mainstream movies ang siyang nababagay sa MMFF, na nangyayari tuwing Kapaskuhan.

“There is a proper time for the indie. There is also proper time for the mainstream, like sa MMFF. 

"As I said again, yung mga kids, lalo na yung mga C-D crowd, talagang nag-ipon sila ng bonus para mapanood ng mga GP [General Patronage] movie, like the Tito, Vic & Joey movie.  Yun ang gusto nila. Like Vice Ganda.”

Sa mas lalong malaking isyu, pinaninindigan ni Mother Lily na hindi tumupad ang MMFF 2016 sa usapan.

Ayon sa prodyuser, sinabi diumano ng MMFF 2016 na apat na indie films at apat na mainstream movies ang ipapalabas sa festival.

“Pero hindi nila na-fulfill yung usapan,” sabi ni Mother Lily, nang nakapanayam ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa November 22 presscon ng Mano Po 7: Chinoy, sa Valencia Events Place, San Juan.

Wala naman daw plano si Mother Lily na maghain ng reklamo sa MMFF Executive Committee.

Pahayag niya, “How I wish na lang na sana we can organize for next year. How I wish we can talk to them. Lahat ng producers, we should come out with a meeting and also talk to the committee, na what is the system, what is going to be…during the festival.”

Ayaw magsalita nang patapos ni Mother Lily kung sasali pa siya sa MMFF next year dahil sa sinasabi niyang hindi pagtupad sa usapan ang mga namamahala sa festival.

Ani pa ni Mother, “Of course, titignan natin.  Because after all this na natanggal lahat ng mga mainstream.  Siyempre, we will see the situation, how is it going to be?”

Nalaman ba niya kung bakit hindi nasunod ang pagpili sa apat na indie films at apat na mainstream movies?

Sagot niya, “Wala, hindi pa namin alam.”

Dagdag pa niya, “Wala, e, never kaming [producer] mineeting with them.  Sana naman...we also need [an] audience."

“I think naman President [Rodrigo] Duterte will also understand the situation.

“I think he’s too busy. Hindi niya nakikita. Hopefully, sana we have a chance to gather together and see how it’s going to be done, di ba?”

Ano ang natutunan niya sa buong sitwasyong ito sa pagitan nilang mainstream producers at organizers ng MMFF 2016?

Tugon ni Mother, “I think the Filipino movie industry will fall. Because, as I said again, Christmas season is for the children, for the family.”

Ano ang opinyon o reaksyon niya sa sinasabi nilang pagbabago?

Mabilis na sumagot si Mother Lily, “Well, it's for them to see if it’s going to be that way. Let’s see. Because I don’t think naman they have a bad intention.

"Meron naman silang magandang intention which they have to have proper audience with the movie producer.

“Iba ang set-up ng indie. Iba naman ang set-up ng mainstream especially pag Christmas.”

Hindi pa alam ni Mother kung magpoproduce siya ng indie film para sa MMFF sa susunod na tao para siguradong makapasok sa festival.

Sabi niya, “Let see. But they’re trying their best. I don’t take it against them.”


MMFF EXECOM ISSUES STATEMENT. Kaugnay nito, kinuha ng PEP.ph ang pahayag ng MMFF Execom tungkol sa plano diumanong pumili ng apat na indie films at apat na mainstream movies para sa Magic 8.

Narito ang statement na binigay sa PEP.ph ni Boots Anson-Rodrigo, MMFF Execom spokesperson:

"The night of the selection, Roselle Monteverde already texted me saying they were made to believe that there would be four indies and four mainstream films among the eight final entries.

"I told her I did not know of any such arrangement, and that once policies, criteria, and guidelines were discussed with the Selection Committee at the onset in June, the Execom insulated itself from the committee and its proceedings, until the results were announced on November 18.

"We gave full trust and respect to the Selection Committee's prowess and integrity."

Bilang tugon sa mga bumabatikos sa mga napiling eight official entries para sa 42nd edition ng MMFF, narito naman ang ang statement ng MMFF Execom:

"The MMFF invites everyone to support this year's edition of the festival. We are thrilled and excited to share these 8 films with moviegoers of all ages, and not just in Metro Manila but throughout the Philippines.

"It has truly become a Filipino festival whose tradition and renewed vision we can be proud of.

"We thank and congratulate the Selection Committee for rising to the challenge despite the difficult task. The arduous, clean, and honest process of choosing 8 entries has resulted in a lineup that is fresh, diverse, and exciting.

"This year, no compromises were made to favor any particular production outfit or brand of filmmaking.

"The quality of the movies as well as their capacity to engage and entertain audiences are the main principles that guided this selection process.

"Let's celebrate this new renaissance in Philippine cinema and watch these 8 wonderful movies starting December 25!"


(To stay updated about the latest news about the MMFF, visit http://www.pep.ph/guide/mmff)



Stories We Are Tracking

MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films
MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films
MMFF 2016 touted to be
MMFF 2016 touted to be "renaissance in Philippine cinema"




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN