Nora Aunor comments on rejection of Kabisera in last year's MMFF

IMAGE Noel Orsal

Nora Aunor feels that it was a blessing in disguise that her film, Kabisera, was not included among last year's MMFF entries: "Blessing iyon na hindi nakasali itong pelikulang ito noong nakaraan, sapagkat mas lalong napaganda, napabuti."



Ayaw sabihin ng Superstar na si Nora Aunor na vindicated ang pinagbibidahan niyang pelikulang Kabisera ngayong nakapasok ito bilang isa sa walong official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival.

Pero naniniwala si Ate Guy na ngayong taon ang tamang panahon para makapasok ang pelikula niya sa MMFF.

Sinubukan kasing ipasok ang Kabisera noong MMFF 2015, kunsaan script pa lang ang pinagbasehan ng selection committee sa pagpili ng entries, pero hindi ito pinalad na mapabilang sa official entries.

Ngayong taon nagbago ang rules gayundin ang criteria sa pagpili ng entries, kung saan finished film o di kaya’y picture-lock na ang pinagbasehan ng desisyon, ay nakapasok na ang Kabisera sa MMFF 2016.

Para kay Ate Guy, imbes na vindication, mas nakikita niya ito bilang blessing.

“Dapat nga ito ay noong nakaraan [MMFF], pero hindi tayo pinalad.

“Blessing iyon na hindi nakasali itong pelikulang ito noong nakaraan, sapagkat mas lalong napaganda, napabuti.

“Ang Diyos naman alam kung ano ang gagawin, at nakikita Niya kung anong mga dapat ituro sa mga tao,” sabi ni Nora.

Ibinahagi rin ni Ate Guy ang pananaw niya sa bagong guidelines at sistema ngayon na pinatupad sa MMFF 2016.

“Pag nabasa mo yung script, masasabi mo kaagad, ‘Ay, ang ganda nitong script. Baka pag labas nito maganda yung pelikula dahil maganda yung script.’

“Pero may mga nangyayari na kahit maganda yung script na nabasa mo, pagkatapos mong gawin yung pelikula mismo at naipalabas, may insidente na may hinahanap ka, e, parang kulang.

“Para bang hindi na-execute yung script na nabasa mo.

“Meron namang iba na hindi masyadong maganda yung pagkakagawa ng script, tapos nang ginawa ay maganda ang pagkagawa ng pelikula ay iyon ang talagang ano…

“Kaya hindi natin puwedeng sabihin na indie iyan o mainstream.

“Nasa paggawa pa rin pelikula.

“Nasa mga artista mo na gumagawa ng pelikula na nandoon na magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sapagkat katulad nila na magagaling na nakasama ko, sina Direk Ricky [Davao], yung dalawang direktor na nag-ano sa akin, ay masasabi kong talagang pinagpaguran, at pinaghirapan talaga ang pelikula,” paliwanag ni Ate Guy.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Nora sa presscon ng Kabisera, na ginanap noong Disyembre 6 sa Salu restaurant sa Scout Fernandez, Quezon City.


IN FAVOR OF MMFF NEW GUIDELINES AND SYSTEM. Pabor ba si Ate Guy na ituloy na taun-taon ang ganitong sistema sa MMFF na finished film na ang maging basehan ng pagpili ng entries at hindi na script o screenplay lang?

“Siguro yung finished product puwede nilang panoorin, huwag lang sa script.

“Kung ako, sana ipagpatuloy nila yung pagpili ng mga pelikulang katulad nitong Kabisera at iba pa sa mga ganitong okasyon, kagaya ng Metro Manila Film Festival.”

Pabor din ang isa sa mga direktor ng Kabisera na si Arturo “Boy” San Agustin sa bagong sistema ito.

Aniya, “Palagay ko, tama itong nangyari ngayon.

“Kasi noon script, di ba?

“Ang script babasahin mo lang.

“Pero pag pinanood mo yung movie, yung buo na may galaw na, e.

“Pag finished product, nakikita mo na iyong script na-execute nang tama.

“So, doon ako sa buo na, finished product na.”


MMFF IS SPECIAL FOR ATE GUY. Gaano ka-espesyal ang MMFF para kay Ate Guy?

“Masaya, dahil unang-una nakapasok kami.

“Sa parada na lang, mabibigyan mo na ng kasiyahan ang mga tao, ang mga bata, at siguro yung excitement pagkatapos panoorin yung mga pelikula sa first day.

“Pagdating ng second day, mag-aabang ka, ‘Sino na ba ang nangunguna ngayon?’

“Bilang producer iyon ha? Ksi nagpu-produce din ako ng pelikula.

“Kaya nga kailangan ipagpatuloy nating tulungan at suportahan ang Kabisera sapagkat matagal na panahon na wala akong pelikulang ginawa para sa Metro Manila Film Festival.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa cast ng Kabisera sina Ricky Davao, Jason Abalos, JC de Vera, Victor Neri, Karl Medina, Ronwaldo Martin, Kiko Matos, RJ Agustin, Alex San Agustin, Perla Bautista, Ces Quesada, at Menggie Cobbarubias.

Sa direksyon nina Arturo San Agustin at Real Florido, ang Kabisera ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa Pasko, December 25.


(To stay updated about the latest news about the MMFF, visit http://www.pep.ph/guide/mmff)



Stories We Are Tracking

Scenes from the trailer of <em>Kabisera</em>
Scenes from the trailer of Kabisera
MMFF 2016 touted to be
MMFF 2016 touted to be "renaissance in Philippine cinema"




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN