Jericho Rosales and Bugoy Cariño depict a kidnapping case in indie film Alagwa










Jericho Rosales (left) plays the father of Bugoy Cariño's character who is kidnapped in the indie film Alagwa.


Pinasok na rin ng mainstream actor na si Jericho Rosales ang paggawa ng independent o “indie” films, na perfect timing naman dahil sinasabing “boom” o aktibo ngayon ang local indie film community.

Halos matatapos na ang shooting ng first indie movie ni Echo na pinamagatang Alagwa, mula sa panulat at direksiyon ni Ian Loreños. Second full length movie ito ni Direk Ian after helming the 2010 Cinemalaya entry The Leaving kunsaan nanalo ng ilang awards tulad ng Best Supporting Actress (for LJ Reyes), Best Production Design at Best Cinematography.

Ang Alagwa ni Echo ay kuwento ng isang ama at anak nitong maki-kidnap at tumatalakay rin ito sa “human trafficking” na patuloy na nangyayari sa Pilipinas. Ang human trafficking ay tumutukoy sa “sale, transport and profit from human beings who are forced to work for others.”

Ginagampanan ni Bugoy Cariño of E-Boy fame ang role na anak ni Jericho sa pelikula.

Kasama rin nina Jericho at Bugoy sa cast ng Alagwa sina Smokey Manaloto, Nanette Inventor, Leo Martinez, John Manalo, Jeramiah Rosales, Gary Lim, Inaki Ting, and Carmen Soo.

Last week, may mga kinunan pang mga eksena sina Jericho at John sa Hong Kong, the rest ay sa Pilipinas na, mainly sa Binondo.

Kamakailan lang ay dumalaw ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa set ng nasabing pelikula sa isang bahaysa Commonwealth Ave., Quezon City, at habang break time (sa isang intense scene na kukunan) ay nagpaunlak ng exclusive interview si Jericho.

Executive producer ng pelikula si Gloria Lao, at producers rin ang writer-director na si Ian Loreños, at co-producer rin siJericho. First time ito ng aktor na maging co-producer sa isang pelikula.

Paano nga ba napasa-kamay niya ang materyal ng Alagwa?

Kuwento ni Jericho: “Last year, may email sina Direk Ian kay Tita Angeli [Pangilinan, his business manager]. May dumating na film offer, they sent the script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, the email landed on to my inbox to consult me, if how would I react to the script.”

Noong time na ito ba ay nagpi-“pitch” pa lang ang produksiyon kung interested si Jericho to do an indie film – for the first time?

“Yah, parang nagpi-pitch pa lang sila, pero pinadala na agad nila yung script, immediately yun… July 2011 in-email nila yun, then may inquiry nga… Sabi ni Tita Angeli, ‘Urgent, read your email… they’re looking for an actor.’ So, binasa ko.

“Funny, kasi, narealize ko na pinagdadarasal ko ang isang father-and-son story ever since. ‘Di ko naman alam at ‘di ko ine-expect na ganitong klaseng father-and-son itong Alagwa… So, binasa ko yung script… Parang swak!

“Yung naisip ko nu’ng nakita ko ang script, ‘Wow! Ang ganda ng script niya!’ As in, maganda! Hindi ‘yung maganda lang -- na maganda na lahat ng ginawa ko – kundi, maganda as in maganda na ito.”

Ayon kay Echo, sa unang pagbasa pa lang niya ng script ay nagustuhan na niya ito – tungkol nga sa human trafficking at may advocacy.

“Yes, may advocacy siya kasi, about human trafficking, ‘di ba? Human trafficking, pero basically, nu’ng binasa ko ang script, na-impressed kagad ako sa flow ng story.

“Wala akong gustong baguhin. Sabi ko, okay ang character ni Robert at ‘tsaka nu’ng anak niya, ‘tsaka yung buong story, kung saan ito pupunta … Sabi ko, ‘Game!’”

Dagdag niJericho, heartwarming story daw ito tungkol sa isang ama at kanyang anak.

“Very heartwarming … Very moving, actually, more than heartwarming. It’s heartwarming, pero very moving yung story niya. Eye-opener talaga yung story.”


EYE-OPENING MOVIE. Briefly, ano nga ba ang istorya ng Alagwa?

“Well, it’s about the relationship ng father and son, na naputol dahil sa kidnapping. Nakidnap ang anak nung character na ginagampanan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, in search yung father sa anak niya… Ito, normal na tao ako dito bilang yung tatay at hindi ako CIA agent. Single dad ako, patay na ang asawa ako.

“Biyudo ako dito, pero mahal na mahal ko yung anak niya. So, tinataguyod ko yung anak ko mag-isa… Nu’ng ma-kidnap yung bata, nahanap ko din, hanggang madiscover ko na yung anak ko ay naibenta na sa ibang tao sa abroad!

“Based on real events kasi ito, na nangyayari talaga hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba’t-ibang bansa…

“Direk Ian asked me if I want it to be part of the production as co-producer. Sabi ko, ‘Okay, yeah, gawin natin ‘yan!’ Kami nila Ian, inayos namin ‘yung deal namin, part by part, yung he has his share, may share din ako, and then someone ay may ilalabas din.”

Nagpabayad pa ba siya ng talent fee bilang artista ng film?

“I shared, e, at okay naman yung shooting for me so far. It’s my first indie venture. Ang tagal ko nang gustong gawin ang ito, I think I found the perfect project… Perfect timing, perfect project.”

Wala ba siyang natatanggap na ibang indie film offers noon?

“Merong offers, pero medyo hindi ko nagustuhan… I think, hindi pa naman late, dahil talagang pinagpe-pray ko yung tamang project dahil ayoko namang gumawa basta, ‘di ba?”

PASSING UP THE CHANCE TO DO SLOW FADE. Kuwento ni Echo, nagustuhan niya raw ang offer sa kanya noon na Slow Fade (2010), pero hindi niya ito nagawa dahil sa conflict of schedule ng kanyang mga teleserye taping that time. Ang Slow Fade ay tungkol sa isang lalaki na may malubhang sakit at ginamit ang kanyang video camera upang idocument ang buhay niya at ng kanyang community.

“’Yung first na nagustuhan ko, ‘yung Slow Fade, kasama rin namin si Rommel Sales.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rommel Sales ay director ng Slow Fade (napunta ang role eventually kay Diether Ocampo), at cinematographer naman siya sa Alagwa.

Ani Jericho, “Inoffer sa ‘kin ‘yon, hindi ko lang magawa, dahil sa schedule… Gustung-gusto ko ‘yung Slow Fade, kaso hindi ko magawa, so ginawa ‘yun ni Diet.

“Magkabarkada pala sina Ian and then eto na magkabarkada pala sila so ayun ginawa namin ito. Sabi ko, go na siguro, habang enjoy ako dito… Then next, yung mga susunod na steps, talagang pure happiness and joy na lahat.

“Maybe hindi para sa akin ang project na yun, kundi ang Alagwa ay for me. Kaya, thank you talaga. Parang it’s God style and time, He waited for the right project for me. Sakto!”

Naniniwala si Echo na hindi niya ito hinanap, kundi dumating nang kusa sa kanyang mga palad, sa tamang pagkakataon.

“Hindi ko talaga hinanap or sinearch ito. Actually, if I think about it, ‘di ba, parang answered prayer ‘yun for me? Kasi, father and son story ito.”

Bakit matagal na niyang gusto ang father and son concept for a film?

“Malapit kasi ako sa mga bata e, so gusto ko yung mga ganong story. Kami na rin yung pumili kay Bugoy.

“Talagang pinag-meetingan namin ‘yon. Enjoy ako na part ako ng pagpili ng casting. So, siyempre, nainisip namin kung sino ‘yung pinakabagay, so siya yung pinakabagay so siya ‘yung tinarget talaga naming. Casting stage is fun.”

Ano naman ang feedback o reaction na naririnig niya from his fans via Twitter?

“Supportive naman sila. Kasi, sa Twitter, ini-involve ko sila, like, ‘Ano sa tingin ninyo?’ ‘Anong suggestion niyo?’ So, excited din sila, so, I share it… Nag-e-effort ako na magshare na ito yung nangyayari, ganito-ganyan, sanasuportahan nila.

“Siyempre, gusto ko ring hilingin ang suporta nila. I believe in the project, e. Ang dami kong gustong gawin, parang nai-inspire ako. Wala naman akong masamang ginagawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa shooting namin with Bugoy, intense halos lahat ng scenes… Sa first 20% ng film, doon lang yung mga light scene, nag-eestablish kasi kami ng character ng relationship namin ng bata.

“Pero, mula simula, meron kaming mga bangayan lagi bilang mag-ama. Mangilan-ngilang mga light scenes, tapos, the rest puro intense na ng mga eksena.

“Kasi, hinahanap niya yung anak niya, so sa mga eksena, involved yung mga kidnappers at pulis. Hanapan. Takbuhan…

“I’m so proud doing this film. Sana, abangan nila,” ani Jericho.

ON BEING A CO-PRODUCER. Kumusta naman ang experience niya bilang co-producer ng isang indie film – for the first time – kumpara sa pagiging aktor?

“Well, siyempre, maraming differences--big budget and small budget, ‘di ba? But, for me kasi, it’s a message… It’s a bigger message as a film.

“And we also have that goal of showing this film internationally sa film festivals. Yun yung goal namin ng grupo, actually goal nila Direk Ian.

“Noon pa sinabi na sa ‘kin yun, sabi ko, ‘Game,tara, involve tayo diyan!’

“Sobrang saya niya kasi, meron akong artistic freedom na expression ng ideas ko, and Ian is very good… I love working with him.

“Very open siya. Punung-puno ng respeto. Punung-puno ng pagmamahal sa project niya. He believes in his project, I believe in his project, sa script niyang ito.

“Tapos yung collaboration namin dito, nagwo-work sa set. You know, wala akong eksena na hindi nagustuhan, kahit na first scene pa lang na trinabaho namin.

“Sabi ko, ‘Bakit ngayon lang ako nag-indie?’

“Ngayon, siyempre, live sound sa shooting, so, hindi ko na kailangang mag-dubbing sa studio na uulitin mo na naman yung dialogues, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN