Maja Salvador's character will do crazy antics for love in upcoming Star Magic movie










Maja Salvador says receiving acting nominations makes her family feel proud of her. “Sobrang proud sa akin ‘yong family ko. ‘Yong mama ko, ‘yong kapatid ko, sobrang natutuwa sila sa akin,” says the lead star of the drama film Thelma.


Patuloy ang pagkilala sa kahusayan ni Maja Salvador bilang pangunahing aktres sa pelikulang Thelma sa iba’t ibang award-giving bodies.

Ang pinakahuli ay ang nominasyon mula sa grupong Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa Best Actress category ng 35th Gawad Urian.

(CLICK HERE to read related article)

“Ang sarap ng pakiramdam na maraming nagtitiwala sa talent ko,” sabi ni Maja nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa set ng ginagawang pelikula ng Star Magic noong nakaraang linggo.

Matatandaan na nauna na ring naging nominated si Maja para sa Best Actress category sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. (EnPress) at Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Kahit nominated pa lang, lubos na raw itong ikinatutuwa ni Maja dahil, “ang dami na ng narating ni Thelma.”

Patuloy pa niya, “Ang haba-haba na nang tinatakbo ng pelikula. Ang dami ko nang nominations.

“Hindi lang ako, pati ‘yong pelikula.

“Di ba, nanalo na rin ng bronze ang Thelma sa Mexico, ‘tapos nominated pa siya sa Madrid.”

Ang tinutukoy ni Maja ay ang pagkapanalo ng Thelma ng Bronze Palm Award sa 2012 Mexico International Film Festival. Nominado rin ang pelikulang ito para sa Best Feature Film at Best Cinematography categories sa 2012 Madrid International Film Festival sa Hunyo.

“Kahit na nominated lang ‘yong pelikula o nominated ako, masaya na ako kasi ibang karangalan na ‘yon, e, ‘yong mapansin nila ‘yong binigay mong hirap sa proyektong ginawa mo,” sabi ni Maja.

WISHES TO GET AN ACTING AWARD. Kahit alam niyang madalas magagaling ang mga makakalaban niya, hindi naman itinanggi ni Maja na minsan ay nangangarap din siya na mahirang bilang Best Actress.

Sabi pa niya, “Siyempre, ako po, nangangarap na magkaroon ng Best Actress award. Kung ibibigay ‘yon ng Diyos, sobrang nagpapasalamat po ako. Kung hindi man…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patungkol naman sa mga kapwa niya nominado sa Gawad Urian, sabi ni Maja, sino man ang tanghaling Best Actress ay karaapat-dapat para dito.

Ang iba pang nominado ay sina Lilia Cuntapay ng Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay, Raquel Villavicencio ng Bisperas, Eugene Domingo ng Ang Babae Sa Septic Tank, Opaline Santos ng The Natural Phenomenon of Madness, Maria Isabel Lopez ng Cuchera, Alessandra de Rossi ng Ka Oryang, Fides Cuyugan ng Niño, Cherie Pie Picache ng Isda, at Diana Zubiri ng Bahay Bata.

Ayon kay Maja, “ Deserving naman kaming lahat na manalo ng award na ‘yon kasi lahat kami pinaghirapan naman namin ‘yon.

“Pero kung makasungkit man ako, makaswerte man, salamat! Sobrang salamat talaga sa tiwala.”

STAR MAGIC MOVIE. Samantala, isa pang ikinatutuwa ni Maja ay ang pelikulang ginagawa ng Star Magic para sa ika-20 anibersaryo nito ngayong taon.

Excited daw siya para sa pelikula dahil bukod sa magkakasama-sama ang mga kapwa niya Star Magic talent, makakapareha pa raw niya si Diether Ocampo.

“First time ko siya makatrabaho,” sabi ni Maja. Dati di ba, noong bagets pa ako, nanonood ako no’ng mga team up niya with Kristine [Hermosa], Claudine Barretto, Judy Ann [Santos].

“Ang dami na niyang naka-team up.

“‘Tapos ngayon, sobrang swerte na ako naman, magkasama kaming dalawa.”

At dahil mas matagal na sa industriya si Diether kaysa kay Maja, hindi naman naitago ng huli na pinangarap din niya noon na makasama ang una sa isang proyekto.

“Nasa-top 10 ko ‘yan!” wika ni Maja. “Isa sa mga pangarap ko na sana makatrabaho o maka-partner.”

Maganda raw ang istory ng pelikula ginagawa nila dahil makaka-relate tiyak ang mga manonood.

Inilarawan ni Maja, “Ang kwento nito ay parang, ‘Ano ba ang kabaliwan mo para sa pag-ibig?’

“Lahat kami dito ay may kanya-kanyang kwento.

“Hindi naman per episode pero magtutugma-tugma kaming lahat, magkikita at magkikita kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At bawat isa sa amin, bawat character mare-realize ng mga manonood na, ‘Ay ginawa ko na ‘yan sa pag-ibig. Ganyan ako kabaliw sa pag-ibig.’”

Makakasama din sa pelikulang ito ang mga kilalang talent ng Star Magic tulad nina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Kim Chiu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN