Maja Salvador-Jason Abalos loveteam being pushed by Regal

by Ruel J. Mendoza
Aug 26, 2007
"Kami naman ni Jason, okay ang chemistry namin. Though ngayon lang kami nagkasama sa movie at maging sa TV, kasi never pa kaming nagkakasama. Hopefully, after My Kuya's Wedding, maging okay ang lahat," says Maja Salvador about her loveteam with Jason Abalos.


Kakagaling lang ng young actress na si Maja Salvador mula sa Canada kaya medyo nahihilo pa ito noong makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Kuya's Wedding.



Kuwento ni Maja, five days lang daw siya sa Canada at kasama niya si John Prats na nag-show roon. Isang araw lang daw ang show at naubos ang ibang mga araw nila sa kakabiyahe. Ni hindi nga raw nakapag-shopping si Maja.



"Wala nga akong nauwing pasalubong man lang," emote ni Maja. "Sa sobrang hectic kasi ng schedules doon, hindi ko na namalayan na pauwi na pala kami. Siguro sa susunod na lang kapag nagkaroon ng chance ulit."



Ang loveteam nina Maja at Jason Abalos ang pinu-push ngayon ng Regal Entertainment. Mukhang positive naman ang tingin ni Mother Lily Monteverde sa team-up ng dalawa kaya nagpapagawa na siya ng isang follow-up movie.



Natutuwa si Maja dahil ang laki ng tiwala sa kanila ni Mother Lily. Sana nga raw ay matupad niya ang mga expectations sa kanya ng maraming tao na nagsasabing siya ang "It Girl" ng kasalukuyang henerasyon.

Continue reading below ↓



"Nakaka-pressure lang talaga because people expect a lot from me," sabi ni Maja. "Ako naman, kung ano ang kaya kong gawin, I improve on it. Ayoko namang mapahiya sila. Kumbaga, nag-invest sila sa akin, kailangan makuha nila ang interes ng pinasok nilang investment.



"Kami naman ni Jason, okay ang chemistry namin. Though ngayon lang kami nagkasama sa movie at maging sa TV, kasi never pa kaming nagkakasama. Hopefully, after My Kuya's Wedding, maging okay ang lahat."



Inamin ni Maja na noon pa siya niligawan ni Jason, pero bigla raw itong natigil sa hindi niya malamang dahilan.



"Hindi ko alam kung bakit siya tumigil. Siguro may kinalaman sa pagiging busy namin noon. 'Tsaka may pinapares sa kanyang iba dati, at sa akin, may pine-pair din na iba. Pero ngayon magkasama na ulit kami."



Umaasa ba si Maja na ligawan siya ulit ni Jason?



"Depende sa kanya," sagot niya. "Iyon ay kung wala siyang ibang nililigawan ngayon, di ba?

Continue reading below ↓



"Nagbibiruan nga kami ni Jason. Sabi niya, ang dami raw na nali-link sa akin na lalake. Sinagot ko siya, ‘Bakit, ikaw ba walang ibang mga babae?' Sabay nagtawanan kami.



"Na kay Jason naman 'yung sagot kung manliligaw ulit siya. Ang sa akin lang, gusto naming mag-work ang team-up namin para maging happy si Mother Lily."

Read Next
Read More Stories About
Maja Salvador, Jason Abalos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kami naman ni Jason, okay ang chemistry namin. Though ngayon lang kami nagkasama sa movie at maging sa TV, kasi never pa kaming nagkakasama. Hopefully, after My Kuya's Wedding, maging okay ang lahat," says Maja Salvador about her loveteam with Jason Abalos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results