Director fulfills dream of doing a musical film; I Do Bidoo Bidoo will feature songs of the APO Hiking Society

The musical comedy film I Do Bidoo Bidoo stars (from left) Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Eugene Domingo, and Ogie Alcasid. They are joined in this photo by the film's writer-director Chris Martinez (rightmost).


We can say na ambitious ang pelikulang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila from Unitel Pictures and Studio 5. The musical comedy na ito ay naglalayon na magbigay tribute sa musika ng APO Hiking Society na ang mga dating miyembro ay sina Jim Paredes, Buboy Garovillo, at Danny Javier.


Award-winning director Chris Martinez wrote and directed the movie based on the idea of Unitel Pictures' top man Tony Gloria.


I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila has a powerhouse cast na marahil ngayon lang mapapagsama at baka hindi na maulit--Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Eugene Domingo and Ogie Alcasid, plus Sam Concepcion and Tippy dos Santos.


Ang musical comedy na ito ay tungkol sa teenage couple (played by Sam Concepcion and Tippy dos Santos) na nais nang magpakasal. Ngunit, hindi magkakasundo ang mga magulang ng dalawang bata sa katauhan nina Gary V at Zsa Zsa (mga magulang ni Tippy) at Ogie at Eugene (mga magulang ni Sam). Ano ang gagawin ng dalawa upang magka-ayos ang kanilang mga pamilya?

“Masaya pero actually, pressured na pressured ako na mas galingan kasi nakita ninyo naman ang kalibre ng cast--Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid and Eugene Domingo--so extra effort talaga na pagandahin ang movie na ito. Tapos, yung bawat shooting ay binantayan talaga," ani Direk Chris nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa recent press conference ng pelikula.

“Matindi talaga ang pressure pero habang nasa set, we were having fun, eh. Pag ang eksena, dialogue-dialogue lang, parang steady lang kami. Pero pag musical number na, pag kantahan na, nabubuhay kaming lahat. Yung lahat kami nakatutok dahil sa kantahan at sayawan. Pag iyon ang kukunan, lahat nang tao gising na gising at hyper na hyper," kwento pa ng director.

Except for Eugene Domingo, first time pa lang niyang nakatrabaho sina Gary, Zsa Zsa at Ogie. Ipina-describe namin kay Direk Chris ang bawat isa at kung ano ang pakiramdam working with each one of them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Gary, I am overwhelmed na nakatrabaho ko siya. Ang tingin ko sa kanya, he’s a gift in himself. Sa recording pa lang niya, na-overwhelm na ako. Kumakanta siya ng 'Batang-Bata.' Na-experience ko firsthand kung paano siya kumanta sa recording. Parang ang swerte-swerte ko na kasama siya sa cast at nakatrabaho ko siya.

“Si Zsa Zsa, totoo ang sinabi niya na she’s really the peg. Sa totoo lang, I really wrote the role for her. Sinulat ko talaga ang role, telling myself na si Zsa Zsa Padilla ito. Walang iba. So sobrang saya ko na pumayag siya, na tanggapin ang role kasi para talaga sa kanya.

“Si Ogie…Ogie is a comedian, songwriter, ganyan but dito, kanina sa presscon masyado tayong masaya, wala akong chance na sabihin ito but Ogie is a revelation. May mga dramatic scenes siya na gulat na gulat ako. Ganun ang attack niya. Totoo ang sinabi ni Uge na may laban si Ogie Alcasid dito as best actor. At talagang damang-dama mo ang acting niya

“When I wrote the script, naka-peg na rin si Uge as one of the stars. Masaya kami na tinanggap niya ‘yung role na ini-offer sa kanya. At saka para maiba rin naman ang ginagawa niya. Di ba lagi naman natin siyang iniiba-iba para hindi magsawa sa kanya ang tao. Kaya dito ay may singing, dancing at acting siya.

"Actually, medyo na-touch ako kasi she took it upon herself na mag-voice lessons talaga kasi siyempre hindi naman talaga siya singer. Without me telling her, on her own, kumuha siya ng voice lessons. Nag-prepare siya. Siya ang naghanap ng teacher niya."

Ano ang hindi mo malilimutan sa four major actors mo?

"Marami, eh, with Gary kasi, pag nandiyan si Gary talagang behaved kami. Ewan ko kung anong meron siya pero behaved kami. Seryoso, tahimik, bawal ang magulo, ganun. Mayroon siyang ganung presence. Lahat kami ganun pag nandiyan siya, maayos kaming lahat. Tapos siguro ang hindi ko malimutan kay Gary was when we did 'Batang-Bata.' That was actually the first scene that we shot. So he set the mood kung saan papunta ang pelikulang ito. So sabi ko, 'ah oo nga.' It’s still dialogue kaya lang kinakanta. So yun ang din ko malilimutan with Gary V.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"With Zsa Zsa, di ko malimutan yung 'Tuyo Na'ng Damdamin' kasi yun yung may eksena siya sa bathtub. Sabi ko, ang ganda-ganda ni Zsa Zsa. Lahat kami tuwang-tuwa na kumakanta siya na nasa tubig. Lahat kami nakatingin sa monitor. Yung image amg ganda-ganda.

"Kina Ogie at Eugene, yung love scene talaga, di ko malimutan kasi mga alas dos, alas tres ng madaling araw yun kinunan. Tapos tawa kami ng tawa. Kailangan niyo talaga itong panoorin kasi yung mga nakapanood, gumugulong sa katatawa. Ganoon siya ka-grabe."

Para kay Direk Chris, everyday na nasa set siya ng I Di Bidoo Bidoo is a challenge. Bawat kanta ng APO na ginamit nila sa pelikula was done as a big production number.

"Like what I said, bawat kanta pinagkaabalahan. Bawat song is a production number. Eh ang song, minimum na three days naming kinukunan so may mga eksena na hindi mga kanta. Malaki ang pelikula. Malaki ang production numbers. Maraming surprises na hindi pa nakikita sa trailer. At makikita mo lang talaga sa movie. Maraming gamit na sa shooting ko lang na-experience, and even technology. Gumamit kami ng motion control. May mga special effects din kami na gagamitin. Maraming bago na makikita ang manonood."

Direk Chris had a hand in choosing the stars of I Do Bidoo Bidoo. "Ang idea ko talaga is really to get actors, singers or dancers, the whole package kasi kakanta at sasayaw tapos aarte so ganyan caliber ang kailangan ko. Even with the casting of Sam and Tippy, kailangan ko na kahit paano ay may experience sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte nang sabay-sabay ginagawa. Yung kaya mag multi-task, eh, most young performers you can find sa theater so perfect si Sam and Tippy kasi galing sila roon. They look the part. Okay ako roon," kwento niya.

Did they have to audition?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, nag-audition ang dalawang bata for the roles that they play [Sam and Tippy]. Maraming mga nag-audition. May mga sikat na singers silang tinalo. When they came sa audition, sabay sila agad. Tapos medyo maputi lang si Sam. Yun lang ang initial reaction ko. Sabi ko pwede naman paitimin ito. Eh yung Tippy, eto yun, ganito yung senorita, pampered, mayaman, mestiza. Nag-reading tapos sige kanta kayo, kantahin ninyo ang 'Panalangin.' Kumanta sila. Ang ganda ng blending ng dalawang boses."

Kumusta naman ang dalawang bata: sina Sam Concepcion at Tippy dos Santos?

“Masaya silang kasama. They grew up together, eh. Parang matagal silang dalawa na nagkasama sa theatre kaya they grew comfortable with each other, sa isa’t-isa. Si Tippy kasi, first movie niya tapos siyempre ang pinagkakaabalahan nila at ikinakaba nila ay ang kissing scene. Pero nung natapos na ang eksena na iyon, relax na kami. Pero alam nila na may kissing scene dahil nasa script at kailangan talaga. Pero very sweet lang.

Dream come true para kay Direk Chris na he was able to direct I Do Bidoo Bidoo.

“Oo kasi bata pa lang ako, fan na ako talaga ng musical, eh. Bata pa lang ako pinapanood na sa akin ang Sound of Music, My Fair Lady, West Side Story. Di ba, Betamax pa noon so maaga akong na-expose sa ganoon klaseng format ng movie. Tapos eventually, nag-theater ako so lalo pa akong na-expose on how to do it. Nakatrabaho ko si Vincent [de Jesus] sa Zsa Zsa Zaturnnah. Na-experience ko uli ang theater. Tapos more recent ang nanalo sa Oscar ay musical like Chicago tapos ipinalabas pa ang Mamma Mia.


"Parang dream ko rin and dream ni Mr. Gloria na makagawa ng isang musical film na Pinoy naman ang panggagalingan, ‘yung Original Pilipino Music naman."

Tuwang-tuwa rin siya na sa kanya ipinakagtiwala ni Mr. Tony Gloria ang pagdidirek ng movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre tuwang-tuwa ako. Hinihintay ko lang naman na i-offer sa akin (laughs). Tuwang-tuwa ako siyempre na finally ibinigay niya sa akin. Finally nu’ng sinabi niya na it’s yours, you do it. Noong una, parang kinuha lang niya ako as a writer. Di pa siya desidido noon kung sino ang director. Ganoon na yung katagal. He just hired me to write it. Pero siguro napanood niya ang Here Comes the Bride. Siguro napanood niya ang Temptation Island. Nakita niya na kaya ko kaya ipinagkatiwala niya sa akin pati ang pagdidirek. Hindi siya yung parang ibinigay niya sa akin agad-agad na writer-director. Parang he made sure na I’m ready and I can deliver."

Sinabi pa ni Direk Chris na ang una niyang kaba when he was entrusted to do I Do Bidoo Bidoo ay kung handa na ba ang Filipino audience para sa isang musical film na gawa ng mga Pinoy.

"Siyempre iyang unang-una kong concern kasi iba yung form. Hindi siya yung straight na nagda-dialogue. May biglang kakanta tapos yung kanta nakapasok talaga siya sa movie. Pero ako naman ang feeling ko, ang dami nang exposure ng Filipino sa ganung klaseng format.


“We have Glee, Smash, tapos mayroon din tayong Mamma Mia and recently, Rock of Ages sa theater so feeling ko naman exposed na ang Pinoy audience sa ganitong klase. We just have to present them something na sa atin, local flavor, very Pinoy. Saka yung kilala natin ang mga songs, kilala natin ang mga artista, popular ang mga songs. So doon kami nakakapit. Ito yung mga kantang kinalakhan mo. Bata ka pa ito na ang mga kanta tapos naririnig na siya ulit recently kasi may mga nagremake ng mga songs ng APO like Kamikazee, SpongeCola, Barbie Almalbis. So doon kami nananalig na these songs are tanggap ng mga tao," pahayag ni Direk Chris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahat ba silang anim na artista mo--Gary, Zsa Zsa, Eugene, Ogie, Sam and Tippy--ay lead actors and actresses?


“Yes, anim talaga sila. Malamang maglabo-labo sila. Gusto kong manalo roon, eh, sa Enpress kasi wala naman nagmu-musical talaga. Sana mag-start talaga ito ng trend. Before there was Emir tapos ito naman. Sana sa Enpress Golden Screen Awards mapansin ang trabaho namin dito sa I Do Bidoo Bidoo.”

Kung may ibang singers na gusto mo gawin ang mga songs into a musical, sino kaya ito?


“Well sana pero sana iba naman. Iba naman ang bigyan natin ng tribute. Marami kasi tayong magagandang songs. Marami pa like ibang composers natin like si Willy Cruz, hindi rin matatawaran ang contribution nila sa music. Rey Valera, Ryan Cayabyab, George Canseco, di ba? Magaganda rin ang kanilang mga songs, very very Pinoy," sabi pa ni Direk Chris.


Ang kanyang next film project ay Mga Kuwento ni Lola Basyang with Zsa Zsa Padilla and Sam Concepcion as his stars for the episode titled “Mariang Alimango.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN