Angel Aquino talks about the challenges of topbilling Amorosa: The Revenge

(L-R) Martin del Rosario, Angel Aquino, and Enrique Gil topbill the psychological horror-slash-family drama Amorosa: The Revenge.


Isang hamon para kay Angel Aquino ang maging bida sa Amorosa: The Revenge, isang psychological horror movie na may elemento ng family drama.

Noong 2006, naging bida na si Angel para sa indie film na Donsol, kunsaan naging leading man niya si Sid Lucero.

Ngunit nang sabihin sa kanyang magiging bida siya sa Amorosa, natakot raw si Angel dahil sa laki ng responsibilidad na ibinigay sa kanya ng management.

“Lagi kong kinu-kondisyon yung sarili ko na bida ako ngayon, hindi lang support!” bulalas ni Angel sa interview niya sa PEP.ph at iba pang kaharap na press.

Ang Amorosa: The Revenge ay prinodyus ng Skylight, ang independent-film arm ng Star Cinema.

Ayon kay Enrico Santos ng Star Cinema, ang Skylight Films ang pinakabagong unit sa ABS-CBN Films.

Itinatag ito noong 2011, pero nitong 2012 lang nagsimulang maging aktibo sa paggawa ng pelikula.

“Ang Skylight Films ang ‘maindie’, o mainstream-indie film unit ng ABS-CBN. Iba siya sa Star Cinema," paliwanag ni Enrico.

"Iba ang pelikulang ginagawa ng Skylight Films, ibang-iba sa mga family dramas ng Star Cinema.

"Ang sa amin, mas edgy. Hindi kasing-experimental ng mga indie films sa Cinemalaya, pero indie pa rin, although siyempre gusto din namin maabot at ma-entertain ang mainstream audience.”

Ang una nitong inilabas na pelikula ay ang suspense-horror thriller na Corazon: Ang Unang Aswang, na pinagbidahan nina Erich Gonzales at Derek Ramsay.

Sa Amorosa: The Revenge, makakasama ni Angel Aquino sina Enrique Gil, Martin Del Rosario, Ejay Falcon, Carlo Aquino, Empress, at child star na si Xyriel Manabat.

Introducing naman sa pelikula ang dating Goin’ Bulilit child star na si Jane Oineza.

Sina Jairus Aquino, Mosang, Richard Quan, Franco Daza, at Nico Antonio ay mapapanood rin sa pelikulang ito na idinerehe ni Direk Topel Lee.

Nagkaroon ng presscon ang nasabing pelikula noong Agosto 15 sa Patio Carlito White House sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ang presscon ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na makapanayam si Angel Aquino tungkol sa Amorosa.


Ano ang pakiramdam mo ngayon na mayroon kang title role sa isang movie?

Angel: “I know! Kaya naman sobra yung pressure sa ‘kin nito. Natatandaan ko, first few days na nag shoot kami, nilapitan ako ni Direk Topel Lee. Sabi niya sa akin: ‘Pwede po bang mas bida yung acting niyo.’

"Simula nung sinabihan niya ako nun, bigla akong na-pressure. Takot na takot ako! Tuwing isu-shoot yung eksena ko, lagi kong kinu-kondisyon yung sarili ko na bida ako ngayon, hindi lang support!

“I used to be supporting the biggest actresses, like Gretchen Barretto, also Bea Alonzo. Kumportable na ako sa ganun.

"Pero noong ibigay nila sa akin ito, I was always on my feet and my toes. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko ito pwedeng pabayaan.

"Hindi ko sila pwedeng i-disappoint kasi pinagkatiwala nila sa ‘kin ito and I’m very honored and very fortunate. I’m very thankful for that.”



Masasabi mo bang this is your time to shine kasi binigyan ka na ng title role?

Angel: “This is my time to shine? (sabay tawa!) Hahaha! Sana nga! Hindi lang ako, lahat kami in this picture, in this movie. Sana ma-capture namin yung mga puso at pag-iisip ng mga manonood. Sana talaga, marami silang manood nito.”


Tell us something about your role in this movie.

Angel: “Yung movie na Amorosa, pangalan ko siya. Ako si Rosa, ang buo kong pangalan ay Amorosa. Maririnig mo in one of the lines of the character sa movie na, ‘Alam mo ba kung bakit Amorosa ang pangalan mo? Kasi mapagmahal ka.’

"So this movie, aside from being a horror flick…it’s more of a psychological horror flick. It’s also all about love of the characters for each other. Bukod sa takot, may puso rin ‘tong pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My role here is a mother role na may dalawang anak. A mother na sobra yung guilt feelings niya kasi yung panganay niyang anak ay mabubulag at dahil yun sa genes niya. Kumbaga, na pass-on niya yung disease na yun sa anak niya.

"Yung anak niya na yun na lagi niyang binibigyan ng special attention, yung nga yung karakter ni Martin del Rosario. Amiel ang name niya rito.

"She comes to a point that she has to make a decision, at dahil nga sa desisyon niya na yun, nagbago ang relationship at buhay nilang mag-iina—si Rommel [Enrique Gil], si Amiel [Martin Del Rosario], at si Rosa.”


Paano ka naka-relate sa karakter mo bilang ina?

Angel: “Hay naku! Everytime na kailangan ko nang motivation, I talk to my AD, yung assistant director namin na si Lorna, matagal na niya akong kakilala, at alam niya yung pinagdadaanan ko.

"Kaya alam niyang malapit na malapit sa akin yung role ni Rosa. Ako yun, e, ako yung ina na may dalawang anak, na yung isang anak, may nararamdaman, na sa akin ko rin sinisisi yung nararamdaman nung bata. Kaya yung pinagdadaanan ni Rosaay pinagdadaanan ko rin sa totoong buhay.”


Ano pong masasabi niyo na sabi ni Direk Enrico Santos, na producer ng pelikula ito, na ikaw daw talaga ang first choice para sa pelikulang ito?

Angel: “My God! Siguro nga kasi alam nga nila yung pinagdadaanan ko. Kasi medyo matagal na rin naman akong kilala sa ABS-CBN. Alam nila yung pinagdadaanan ko.

"Siguro pinagkatiwala nila sa akin yung role ni Rosa dahil alam nilang kung ano yung nararamdaman ni Rosa ay nararamdaman ko rin, kaya maibibigay ko talaga yung mga pangangailangan ni Rosabilang karakter ko.”


May pressure din po ba sa inyo dahil naging successful ang horror films ng Star Cinema na Corazon at The Healing, heto po at papasok yung Amorosa na isang horror film din. May pressure ba na baka makumpara ang Amorosa sa dalawang horror films na nauna?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Angel: “Sobra! Buti sana kung kasama lang ako sa pelikula, e, ako pa yung title role nung pelikula. Kung alam niyo lang sana yung pressure na nararamdaman ko ngayon... Kaya masyado akong thankful kung talagang kumita yung pelikula, hindi lang dahil alam kong ako yung pinanood nila kundi dahil nagustuhan nila yung pelikula, and maybe me being a apart of it. My God! Ang laki talaga ng pasasalamat ko.”


Kamusta katrabaho yung mga bagets na kasama niyo rito?

Angel: “My daughters kasi are 19 years old and 17 years old, ganun din yung mga edad ng mga kasama ko sa movie na ito. I really enjoyed their company.

"Kumbaga, kung na mi-miss ko yung mga anak ko, sa kanila ko nakikita yung energy na hinahanap ko sa mga anak ko, kaya naman enjoy na enjoy ako na katrabaho sila.

"Aside from that, I’m very impressed by their professionalism and their talent. Makikita mo na kaya rin sila nandito sa pelikulang ito, kasi they’re very talented also.

"They know what they are doing, nag-iisip sila bilang artista which is very, very important. Pinoproseso nila yung karakter nila.


"Makikita mo in every scene na ka-eksena ko sila, na they are so prepared, kahit na simpleng scene lang yan, makikita mong pinag-iisipan nila how they will deliver the character.”


Tinanong din ng PEP.ph si Direk Topel Lee kung saan yung shooting venue ng movie at kung gaano katagal ang inabot ng shooting ng pelikula.

Topel: “The real scene is supposed to be in Tagaytay, pero we shot some of the scenes in Tanay, Rizal. Actually, nag-stay kami dun ng eight to ten days, dire-diretso yun.

"Tapos, pag gabi, dinidikit-dikit namin yung kama namin, kasi nga talagang nakakatakot yung lugar at nasa gitna kami ng bundok.

"Nung bumagyo, na-trap kami dun sa tuktok ng bundok kaya imbis na bumaba, nag-shoot na lang kami doon para matapos yung movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya haunted house, ha. This is a story set in a haunted hotel. Dapat 15 shooting days lang, pero inabot kami ng 20 days dahil nga sa weather conditions.”

Mapapanood ang Amorosa sa mga sinehan simula August 29, 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN