Vic Sotto and Pauleen Luna walked the red carpet together for premiere of D'Kilabots

Vic Sotto and Pauleen Luna walked the red carpet together for the November 27 premiere of D’Kilabots: Pogi Brothers Weh?!


Pinangunahan nina Jose Manalo at Wally Bayola ang cast ng D’Kilabots: Pogi Brothers Weh?! na dumalo sa November 27 premiere night sa SM Megamall.


Dumating halos ang buong cast ng nasabing comedy film tulad nina Solenn Heussaff, Mosang, at Gina Pareño (na dumalo kasama ang kanyang anak na si Janica Pareño). Hindi nakadalo sa premiere night si Pokwang dahil mayroon daw itong taping.

Magkasabay na rumampa sa red carpet ng nababalitang magkasintahan ngayon na si Vic Sotto at Pauleen Luna na pareho pang naka orang. Sa loob ng sinehan ay tinanong ng press ang dalawa kung ito na ba ang confirmation na inaamin na nila sa publiko ang kanilang relasyon. Ito ang pahayag ng dalawa:

Vic Sotto: “Kailangan ko pa bang sagutin 'yan? ‘ika nga, e, ‘What you see is what you get.’ Magandang pakinggan pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.”

Pauleen Luna: “Sabi niya nga, mabuti naman.”

Isa si Vic sa mga sumuporta sa movie dahil pumayag ito na magkaroon ng cameo sa movie. Bukod kay Bossing, makikita rin sa D’ Kilabots sina Maricel Soriano, Roderick Paulate, Michael V, Kuya Germs at Aljur Abrenica. Ang iba pang cast members ay sina Tirso Cruz III at Michael de Mesa.


Si Paolo Ballesteros ay gumanap bilang bading sa pelikula at nakipagsabayan siya sa pagpapatawa kasama si Ms. Gina Pareno, ang ina-inahan nina Wally at Jose sa pelikula.

Ilan sa highlights ng pelikula ay ang matatamis na kissing scenes nina Solenn at Jose Manalo, pati na rin ang nakakatawang bed scene nina Pokwang at Wally Bayola.

Ang D’ Kilabots: Pogi Brothers…Weh?! ay sa ilalim ng direksiyon ni Soxie Topacio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN