Daniel Padilla and Kathryn Bernardo hold hands during their movie premiere

When asked if Kathryn Bernardo will agree to shoot a kissing scene with Daniel Padilla in the future, she replied: "Sa mga next movie namin siguro may malaking chance kasi 18 na si DJ at 18 na rin ako so tingnan natin.” (CLICK HERE to view photos taken during the premiere night)


Nakakabinging tilian ang narinig mula sa napakaraming fans nang makita nila na magka holding hands sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa March 12 premiere night ng pelikulang Must Be Love. Ang launching movie ng KathNiel tandem ay ginanap sa SM Megamall Cinemas 4 at 5. Halos mapuno ng fans ang dalawang sinehan para tunghayan ang kauna-unahang movie kunsaan bida ang love team partners. Spotted ang kaibigan ni Kathryn na si Julia Montes para suportahan ang kanilang movie. Present din sina Diego Loyzaga na kaibigan ni Daniel para suportahan ang young actor.


Bago magsimula ang movie ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph at ibang members of the press na makausap ang KathNiel para hingin ang reaksyon nila sa dami ng mga tagahanga na dumalo sa kanilang premiere night.

Anong pakiramdam na dalawang sinehan ay punong puno para sa premiere night ng first movie ninyo together?

Kathryn: “Sobrang saya, sobrang saya…at nagpapasalamat talaga kami sa P&G [Procter & Gamble] dahil sila ang nag sponsor ng isang sinehan. Maraming salamat kasi sinuportahan din nila yung movie namin.”

Pero nakaka overwhelm ba na yung red carpet ay punung puno ng mga fans n'yo na tumili para suportahan ang movie n’yo?

Kathryn: “Sobra.”

Daniel: “Masaya…Di ako mapagsalita, e…Masaya siyempre.”

Masasabi n’yo bang dream come true para sa love team n’yo ang movie project n’yo na ito?

Kathryn: “Oo, di ba kasi hindi naman kasi lahat ng love team ay nagkaka movie, e, so eto na yun, kaya sana suportahan nila itong movie namin na ito.”

Daniel: “Sobra kaming natutuwa sa dami ng fans, grabe sila talaga, kasi hindi nila kami binibigo, e. Lagi silang nandyan parati para amin.”

Pagkatapos ng screening ay nagkaroon uli ng pagkakataon ang ilang press na makapanayam sina Kathryn at Daniel tungkol sa kanilang movie.


Anong masasabi n’yo dun sa mga fans na nagsisigawan sa bawat eksena n’yo sa movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Daniel: “Siyempre talagang overwhelmed kami dahil sa dami ng tao, at sana naman hindi lang sa araw na ito, sana tuluy tuloy yung pag suporta nila sa amin lalo na sa movie na ito, sana tangkilikin nila ito sa regular showing at panuorin nila.”

Hindi natuloy yung inaabangang kissing scene n’yo sa movie na ito, sa mga susunod ba na movie n'yo ay may aasahan nang kissing scene sa inyong dalawa?

Kathryn: “Sa mga susunod siguro, kasi first movie namin ito, huwag muna siguro, pero sa mga next movie namin siguro may malaking chance kasi 18 na si DJ at 18 na rin ako so tingnan natin.”

Sabi ng mommy ni Kathryn na pag nag 18 na daw si Kathryn ay pwede na mag boyfriend ang anak niya. Daniel, makakapag hintay ka ba na mag 18 si Kathryn?

Daniel: “E, 17 na siya ngayon…one year na lang, oo naman makakapaghintay ako.”

Kathryn medyo nahirapan ka ba sa pagganap bilang boyish dito sa movie nyo?

Kathryn: “Hindi naman, kasi dream ko din naman na magkaroon na role na boyish, at na enjoy ko naman siya.”

Kathryn, may pressure pa ba after ninyong mapanood yung buong movie n’yo?

Kathryn: “Hindi naman nawawala yun kasi bukas pa lang talaga natin malalaman kung magugustuhan nila yung movie kasi bukas pa lang talaga ang regular showing, so sana talaga suportahan nila yung Must Be Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN