Andi Eigenmann: "I wanted so hard to fit in and I wanted so hard to be noticed."

Andi Eigenmann (in photo) experienced being an actress-producer in the film Coming Soon. She will be starring with Boy 2 Quizon, Glaiza de Castro, Dominic Roco, Carla Humphries, and Cholo Barretto.


First time na maging actress-producer ni Andi Eigenmann at ito’y para sa pelikulang Coming Soon.

Ang mga main producers nito’y sina Ronald Singson ng Fearless Productions at Neil Arc ng Brownsugar Entertainment.

“Hindi po kailangan ng convincing para maging part po ako ng project na ‘to,” wika ni Andi nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press noong April 5.

“Uhm, lahat po ng mga kasama ko dito, lahat ‘yan dati ko ng kaibigan. Pinagkakatiwalaan ko silang lahat.

“Kaya siyempre madali sa akin maging part ng project na ‘to. I took this project without really much thinking [about it]. Kasi alam ko po ‘yong takbo ng mga utak nila, alam ko po kung anong kaya nilang gawin.

“Naniniwala po ako kaya ko siya ginustong gawin, kahit gaano ka-busy, ginusto ko siyang gawin at gusto ko maging part of it.

“Kasi po dati ko pa po sinasabi na gusto ko po maging parte ng something that is made for [the sake of] art. I want to be in showbiz not to be a star. I want to be in showbiz to share what I can give to people—to offer them entertainment.

“So naniniwala po ako na ‘yon ang sinasabi at magagawa ng pelikulang ‘to. Kaya po I really want to be a part of it. Especially it was a group effort, lahat po kami, pati ako, mayro’n din input sa project.”

Naganap ang presscon ng Coming Soon sa City Best restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.


Ang Coming Soon ay tungkol sa anim na magkakaibigan na gustong marating ang kanilang mga pangarap bago dumating ang "end of the world."

Makakasama ni Andi sa pelikulang Coming Soon sina Boy 2 Quizon, Glaiza de Castro, Dominc Roco, Carla Humphries, at Cholo Barretto.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Martin Rey Aviles at ipapalabas simula April 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING BEHIND THE CAMERA. Bago pa man daw pumasok ng showbiz, pinangarap na daw talaga ni Andi na magtrabaho sa likod ng camera.

Pero ang pagiging aktres nga ang naging daan ni Andi upang makapasok sa showbiz, lalo na at ang mga magulang niyang sina Mark Gil at Jaclyn Jose ay mga kinikilalang aktor din.

Pero kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto daw sana subukan ni Andi ang directing or writing, pero behind the camera.

“But since I’m really enjoying my job and I feel really blessed for the opportunities that I have been getting, ayoko munang bitawan ang pagiging aktres and that’s what I want to concentrate on for now.”

HOW SHE GOT THE ROLE. Samantala, naikuwento naman sa amin ni Andi kung paano napunta sa kanya ang karakter ni Monica, ang “rebeldeng anak ng isang socialite.”

“Nakasali lang talaga ako do’n kasi as in kaibigan ko sila and pinag-uusapan nila,” pag-alala ng Kapamilya actress.

“Nando’n lang ako, tapos wala pa ko ginagawa no’n, hindi pa ako busy kasi kakapanganak ko lang.

“Iniisip nila kung sino ‘yong puwede for the role of Monica—kailangan awkward, tahimik, laging nakatulala.

“Lahat sila sabay-sabay na tumingin sa akin kasi nakatulala ako, dahil according to them, ako daw sa group namin ako ‘yong gano’n.

“Basically si Monica sa pelikula, ako ‘yon si Andi sa personal.

“So na-decide sila na alukin ako, alukin sa akin, and since naman they’re my friends, I knew kaya nilang gawin ‘yan and alam ko hindi naman nila ako pababayaan.”

BEING SOMEONE SHE’S NOT. Nabanggit naman sa presscon ng pelikula na ang ilan sa mga karakter ay kumikilos ayon sa kung anong nais ng ibang tao upang maging katanggap-tanggap sila.

At dahil nabanggit ni Andi na mayroon silang pagkakapareho ng kanilang karakter, itinanong ng PEP kung ginagawa niya rin ba ang isang bagay para lamang matanggap ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Uhm, well I guess at my own time, no’ng mas bata pa ako that’s what I want,” pag-amin niya.

“That’s what I thought was going to be good for me. ‘Yong I wanted so hard to fit in and I wanted so hard to be noticed… na it never worked because I just came out as awkward, weird because hindi naman ako ‘yon, e.

“I was trying to be someone I’m wasn’t. And then no’ng mas lalo na kong tumanda, ‘yon na especially when I entered showbiz and I found a place where I felt that I belong, ‘yan, everything fell into place.

“Parang I was not even the type who wanted attention but I do get it and… because of my job.

“And so ‘yon, for me all that matters… all you have to do is [to] be yourself and never let go of that.

“Believe in yourself and nothing can go wrong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN