Nora Aunor, Eddie Garcia, ER Ejercito, Bembol Roco win top acting honors in 15th Gawad Pasado

(From left) Cesar Montano, Governor ER Ejercito, Nora Aunor and Eddie Garcia were among the celebrities honored during the 15th Gawad Pasado, which is organized by an academe-based group.


Matagumpay na nairaos ang awards night ng 15th Gawad Pasado ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro.

Bagamat hindi nakarating ang ibang awardees, naging maingay naman ito at makulay dahil sa pagdalo ng Superstar na si Nora Aunor.

Karamihan sa mga nanood ay mga tagahanga ni Nora kaya napuno ng sigawan at palakpakan ang social hall ng National Teachers College, Manila nooong Abril 27, 2013.

Sa pangunguna ng pangulo ng PASADO na si Dr. Emmanuel Gonzales, tatlumpung karangalan ang pinagkaloob ng samahan kasama na rito ang special awards.

Big winner nang gabing yun ang El Presidente ng Scenema Concept at Viva Films na nakakopo ng siyam na tropeyo.

Alas-sais ang nakalagay sa ipinamahaging imbitasyon at ito rin ang oras na nagsimula ang programa sa pamamagitan ng special number na pinangunahan ng ilang piling estudyante ng The National Teachers College.

Ang Kapuso star na si Jake Vargas ang pinakamaagang dumating sa mga awardees. Eksaktong 6 p.m. ay nasa venue na ang young star kasama ang tatay-tatayan niya at manager na si German Moreno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil naman sa kakapusan sa oras at pagmamadali para makarating sa awards night, hindi na nagawang humanap ng gown at magpa-make up ni Nora Aunor na galing pa ng Nueva Vizcaya para sa shooting ng pelikulang Ang Kuwento ni Mabuti.

Napakasimple ng kasuotan ng Superstar nang gabing iyun at pasado alas-siyete nang pumasok siya sa venue.

Samantala, nasa kalagitnaan na ng programa nang dumating sina Cesar Montano, Boy Abunda, at ang premyadong aktor na si Eddie Garcia. Pinakahuling dumating si Governor ER Ejercito na kasama ang kanyang maybahay na si Maita Ejercito.

Unang ipinamahagi ang technical awards na halos present ang mga pinarangalan.

Nakalimutang pasalamatan ni Direk Brillante Mendoza ang bida ng kaniyang pelikulang Thy Womb na si Nora Aunor nang tanggapin niya ang kaniyang PinakaPASADONG award bilang direktor.

Sumunod na ipinamahagi ang special awards na unang pinarangalan ay si Jake Vargas.

Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ng binata ang kaniyang mga magulang at si Kuya Germs. Inialay din niya ang kaniyang Pinaka-PASADONG Dangal ng Kabataan Award sa kanyang mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat sana ay kasama niyang tatanggap si Barbie Forteza na para rin sa kaparehas na karangalan pero hindi nakasipot ang dalaga at si Kuya Germs ang tumanggap ng award nito.

Masaya namang tinanggap ng King of Talk na si Boy Abunda ang kaniyang award bilang Pinaka-PASADONG Natatanging Guro at buong pagmamalaki niya itong inihandog sa kaniyang dakilang ina at sa lahat ng mga guro sa buong mundo sa kaniyang thank you speech.

Hindi nakadalo ang PASADO Lifetime Achievement Awardee na si Susan Roces at kamag-anak nito ang tumanggap ng kaniyang karangalan.

Absent din si Senador Lito Lapid, ang aktor na si Ernie Garcia ang tumanggap ng Gawad PASADO sa Serbisyo Publiko na ipinagkaloob sa actor-politician.

Sa acting awards naman, halos maiyak sa kaligayahan si Direk Soxy Topacio habang nagsasalita siya at nagpapasalamat sa kaniyang karangalan bilang PinakaPASADONG Pangalawang Aktor para sa pelikulang Bwakaw. First acting award pala ito ng direktor at sa dami na raw ng nagawa niyang pelikula ay sa role pa niya bilang parlorista siya mapapansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ka-tie ni Direk Soxy si Cesar Montano ng El Presidente para sa naturang kategorya. Ipinagmamalaki naman ni Cesar ang kanyang pagiging artista na nagbigay ng pangalan at kabuhayan sa kanya. Inihandog din niya ang kanyang award sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak.

Ang PinakaPASADONG Pangalawang Aktres na si Lovi Poe ay hindi nakaabot sa awards night dahil delayed ang flight nito pabalik Maynila mula sa Legaspi, Albay. Nagpaabaot naman ng mensahe ang aktres at pasasalamat sa PASADO at sa lahat ng bumubuo ng pelikulang Thy Womb.

Hindi rin nakadalo ang isa sa mga winner ng PinakaPASADONG Aktor na si Bembol Rocco ng pelikulang Thy Womb dahil kasalakuyang nasa Amerika ang aktor at ang direktor nito na si Brillante Mendoza ang tumanggap ng award para sa kanya.

Parehong masaya sina Eddie Garcia at ER Ejercito para sa kanilang award na PinaKAPASADONG Aktor. Si Eddie para sa Bwakaw at si ER naman sa El Presidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni ER na ang award daw niya sa PASADO ang pinaka-credible sa mga natanggap na niyang award this year dahil galing daw ito sa mga guro; habang si Tito Eddie naman ay nagsabing patuloy pa rin siyang gagawa ng mga makabuluhang pelikula habang nasa industriya pa siya.

Pinakahuling pinagkalooban ng karangalan si Nora Aunor.

Nang tawagin ang pangalan niya bilang PinakaPASADOng Aktres para sa pelikulang Thy Womb, dumagundong sa sigawan at palakpakan ang buong bulwagan dahil sa kaniyang mga tagahanga na naroroon. Halos hindi maintindihan ang sinasabi ni Nora habang siya ay nagsasalita.

Nagpasalamat si Ate Guy sa producer ng Thy Womb pero mas madiin niyang pinasalamatan ang kanyang mga fans.

Nakalimutan niyang banggitin at pasalamatan ang kanyang direktor sa pelikula na si Brillante Mendoza. Sinabi rin ng aktres na lahat ng awards na natatanggap niya ay napakahalaga sa kaniya kahit kanino pa ito nanggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kabuuang listahan ng mga nagwagi at pinarangalan sa GAWAD PASADO 2013.


PINAKAPASADONG PELIKULA

EL PRESIDENTE ________ SCENEMA CONCEPT INTERNATIONAL
THY WOMB ___________ CENTER STAGE PRODUCTION
BWAKAW____________ APT ENTERTAINMENT/ OCTOBERTRAIN FILMS


PINAKAPASADONG DIREKTOR
BRILLANTE MENDOZA _________ THY WOMB


PINAKAPASADONG AKTRES
NORA AUNOR ___________THY WOMB

PINAKAPASADONG AKTOR
JORGE “ER” ESTREGAN __________EL PRESIDENTE
EDDIE GARCIA _________________BWAKAW
BEMBOL ROCO ________________THY WOMB

PINAKAPASADONG KATUWANG NA AKTRES
LOVI POE___________________ THY WOMB


PINAKAPASADONG KATUWANG NA AKTOR
CESAR MONTANO __________EL PRESIDENTE
SOXY TOPACIO _____________BWAKAW


PINAKAPASADONG SINEMATOGRAPIYA
CARLO MENDOZA ____________EL PRESIDENTE

PINAKAPASADONG EDITING
LAWRENCE ANG ___________BWAKAW

PINAKAPASADONG DULANG PAMPELIKULA
JUN ROBLES LANA _________ BWAKAW

PINAKAPASADONG ISTORYA
HENRY BURGOS ___________ THY WOMB

PINAKAPASADONG DISENYONG PAMPRODUKSYON
DANNY RED _____________EL PRESIDENTE
JOEL BILBAO ____________EL PRESIDENTE

PINAKAPASADONG PAGLALAPAT NG TUNOG
ALBERT MICHAEL IDIOMA _________ EL PRESIDENTE
ADDISS TABONG ________________EL PRESIDENTE

PINAKAPASADONG MUSIKA
JESSE LASATEN ____________ EL PRESIDENTE



MGA NATATANGING GAWAD NG PASADO SA 2012


PASADO LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD
( Dangal ng PASADO) Ms. Susan Roces

PinakaPASADOng Natatanging GURO
Boy Abunda

PinakaPASADOng Pelikula sa Paggamit ng WIKA
Thy Womb
(Center Stage Entertainment Inc )

PinakaPASADOng Dangal ng KABATAAN
Jake Vargas
Barbie Forteza

PinakaPASADOng Huwarang Kabataang Pilipino
Kesz Valdez

GAWAD PASADO SA SERBISYO PUBLIKO
Senator Lito Lapid

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN